Pambansang Sanggunian sa Nutrisyon

Ang Pambansang Sanggunian sa Nutrisyon[2] (Ingles: National Nutrition Council) ay isang ahensya ng gobyerno ilalim ng Kagawaran ng Kalusugan na responsable sa paglikha ng isang kaaya-ayang kapaligiran ng patakaran para sa pambansa at lokal na pagpaplano ng nutrisyon, pagpapatupad, pagsubaybay at pagsusuri, at pagsubaybay gamit ang makabagong teknolohiya at paraan.

National Nutrition Council
Pambansang Sanggunian sa Nutrisyon
Buod ng Ahensya
PagkabuoHunyo 24, 1974
Kapamahalaan Pilipinas
Punong himpilanTaguig
Taunang badyet₱488.02 million (2021)[1]
Tagapagpaganap ng ahensiya
  • Azucena M. Dayanghirang, Executive Director
Websaytnnc.gov.ph

Kasaysayan

baguhin

Ang paglikha ng Philippine Institute of Nutrition bilang pagtangka para magpatatag ng pambansang programa sa nutrisyon.

Noong 1958, muling inayos ito bilang Food and Nutrition Research Center (FNRC) sa ilalim ng Science and Development Board.

Noong 1960, itinatag ang National Coordinating Council on Food and Nutrition (NCCFN), na kasangkot sa proyektong pang-nutrisyon.

Noong 1971, batay sa Kautusang Tagapagpaganap Bilang 285, pumalit ang NCCFN sa National Food and Agriculture Council (NFAC) sa koordinasyon sa mga programang pang-nutrisyon.[3]

Noong Hunyo 24, 1974, batay sa Presidential Decree Bilang 491 (Nutrition Act of the Philippines), inilunsad ang Pambansang Sanggunian sa Nutrisyon (NNC) bilang pinakamataas na paggawa ng patakaran para sa mga programang pang-nutrisyon.[4]

Pagsapit ng 1985, ayon sa taggutom sa Negros, isang siyasat ng NNC, humigit-kumulang 350,000 bata – 40 porsiyento ng mga residente ng Negros Occidental na mas mababa sa 14 taong gulang – ang dumaranas ng malnutrisyon.[5] Tumaas ng 67% ang mga istatistika ng pagkamatay ng sanggol sa Bacolod Hospital, habang dumoble sa karaniwan ang pagkamatay ng sanggol sa Negros, na ang karamihan sa mga pagkamatay ay nauugnay sa malnutrisyon.[6]

Noong 1988, pinangalanan ng Administrative Order Bilang 88 ang Kagawaran ng Agrikultura bilang tagapangulo ng NNC.[7]

Noong 1995, batay sa Batas Republika Bilang 8172, itinalaga ang NNC kasama ang DILG, at bawat isa sa mga kinatawan mula sa medikal na propesyon at industriya ng asin, para magpatatag ng Salt Iodization Advisory Board (SIAB), bilang pagtugon sa salt iodization.[8]

Noong 2000, batay sa Batas Republika Bilang 8976, Food Fortification Act ng 2000, itinalaga ang NNC bilang tagapayo at tagatakda sa pagpapatibay ng pagkain.[9]

Noong 2003, batay sa Resolusyon Bilang 1, itinalaga ng NEDA-Social Development Committee ang NNC bilang nangungunang ahensya para sa paglaban sa gutom at malnutrisyon.

Noong 2005, pinangalanan ng Executive Order No. 472 ang Kagawaran ng Kalusugan bilang tagapangulo ng NNC, kasama ang DA at DILG bilang mga bise tagapangulo. Tinawag din nito ang NNC na muling ayusin ang mga operasyon nito upang maging mas nakatuon sa kliyente at bigyang priyoridad ang pagtugon sa gutom at malnutrisyon.[10]

Noong Nobyembre 29, 2018, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11148 na pinamagatang "Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act" na nakatutok sa mga programa at interbensyon na nakatuon sa unang 1,000 araw ng buhay bilang susi ng makabagong oportunidad. Noong Mayo 2, 2019, nilagdaan ni DOH Secretary Francisco T. Duque III ang Implementing Rules and Regulations ng RA 11148 na ginawa sa pamamagitan ng serye ng mga pambansa at sub-nasyonal na konsultasyon na kinasasangkutan ng mga opisyal ng LGU, ahensya ng gobyerno, pangunahing pampubliko at pribadong grupo, lokal at mga kasosyo sa internasyonal na NGO, stakeholder, at mga kampeon. Ang IRR ay nagsasaad na ang Nurturing Care Framework na binuo ng WHO, UNICEF at The World Bank Group ay ilalapat sa pagpapatupad ng batas.

Nutriskwela Community Radio

baguhin

Ang Nutriskwela Community Radio ay isang network panradyo na itinatag noong 2008 bilang bahagi ng paglaban sa gutom at malnutrisyon. Pinamamahala ito ng Pambansang Sanggunian sa Nutrisyon, sa pakikipagtulungan sa mga iba't ibang lokal na pamahalaan at pampublikong eskwelahan. Nakatugon sa infotainment, kalusugan at nutrisyon ang mga programa nito.[11][12]

Mga Himpilan

baguhin
Stations
Branding Call sign Frequency Location
Radyo Kabinnulig[a] DZNA 99.9 MHz Lagangilang, Abra
Radyo Kasaranay[b] DZNQ 96.7 MHz Luna, Apayao
Radyo Kiphodan[c] DZNC 99.1 MHz Lagawe, Ifugao
Radyo Kasalip[b] DZNR 96.7 MHz Pasil, Kalinga
Radyo Kataguwan[d] DWNM 97.3 MHz Bauko, Mountain Province
Radyo Kailian[e] DZNF 97.3 MHz Santa Maria, Ilocos Sur
Radyo Kabinnadang[b] DZNP 93.5 MHz Cervantes, Ilocos Sur
Radyo Kayvayvanan[a] DZNB 97.5 MHz Basco, Batanes
Radyo Kalugaran[e] DZND 97.7 MHz Claveria, Cagayan
Radyo Kaedup[d] DWNK 102.9 MHz Dingalan, Aurora
Radyo Kawadi[f] DWNQ 100.7 MHz Casiguran, Aurora
Radyo Kaisahan[e] DZNG 107.7 MHz Sariaya, Quezon
Radyo Kamalindig[b] DZNS 94.1 MHz Buenavista, Marinduque
Radyo Kapalayawan[d] DWNH 100.1 MHz Paluan, Occidental Mindoro
Radyo Kaunlaran[a] DZNI 99.7 MHz Bansud, Oriental Mindoro
Radyo Kasimanwa[e] DZNE 97.3 MHz Coron, Palawan
Radyo Katabang[d] DWNF 107.7 MHz Vinzons, Camarines Norte
Radyo Kaamigo[a] DZNJ 98.9 MHz Panganiban, Catanduanes
Radyo Kabag-uhan[b] DZNT 99.1 MHz Cataingan, Masbate
Radyo Kahamugaway[f] DWNZ 106.5 MHz Cawayan, Masbate
Radyo Kasanggayahan[e] DZNH 95.1 MHz Sorsogon City
Radyo Katunog[f] DWNS 94.5 MHz Matnog, Sorsogon
Radyo Kaimaw[c] DYNC 88.7 MHz Pandan, Antique
Radyo Kaabyanan[d] DYNB 88.5 MHz Sibalom, Antique
Radyo Kaigsoonan[e] DYNO 98.5 MHz Zamboanguita, Negros Oriental
Radyo Kahimsug[a] DYNE 97.5 MHz Barili, Cebu
Radyo Kalampusan[f] DYNH 99.1 MHz San Francisco, Cebu
Radyo Kauswagan[a] DYNF 91.3 MHz Borongan, Eastern Samar
Radyo Kabulig[d] DYND 103.1 MHz San Policarpo, Eastern Samar
Radyo Kasugbong[e] DYNN 97.3 MHz Catubig, Northern Samar
Radyo Kausbawan[b] DYNG 103.1 MHz Palompon, Leyte
Radyo Kahupayan[b] DXNK 96.9 MHz Siayan, Zamboanga del Norte
Radyo Kaugmaran[b] DXNJ 104.5 MHz Aurora, Zamboanga del Sur
Radyo Kasuhnan[c] DXNC 98.5 MHz Siay, Zamboanga Sibugay
Radyo Kalilang[c] DXNN 104.9 MHz Kalilangan, Bukidnon
Radyo Kalambuan[a] DXNE 94.3 MHz Tubod, Lanao del Norte
Radyo Kahimunan[d] DXNB 101.3 MHz Laak, Davao de Oro
Radyo Kalumonan[e] DXNQ 97.3 MHz San Isidro, Davao Oriental
Radyo Kasadya[a] DXNF 99.9 MHz President Roxas, Cotabato
Radyo Kasaganaan[d] DXNI 99.7 MHz Maitum, Sarangani
Radyo Katribu[b] DXNR 103.3 MHz T'Boli, South Cotabato
Radyo Kahiusa[b] DXNM 99.3 MHz Tupi, South Cotabato
Radyo Kadulangan[f] DXAO 92.1 MHz Kalamansig, Sultan Kudarat
Radyo Katilingban[e] DXNP 98.9 MHz Tacurong, Sultan Kudarat
Radyo Kaagapay[c] DXCN 107.3 MHz Sibagat, Agusan del Sur
Radyo Kabakhawan[a] DXNG 97.7 MHz Del Carmen, Surigao del Norte
Radyo Kinaiyahan[d] DXNX 97.7 MHz Malimono, Surigao del Norte
Radyo Komunidad[e] DXNO 97.5 MHz Isabela, Basilan
Radyo Kazalimbago[f] DXAU 90.1 MHz Matanog, Maguindanao
Radyo Kasannangan[a] DXNH 94.1 MHz Bongao, Tawi-Tawi
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 Pangatlong Yugto: Itinatag noong 2013.
  2. 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 Pang-apat na Yugto: Itinatag noong 2015.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Unang Yugto: Itinatag noong 2008.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 4.7 4.8 Panlimang Yugto: Itinatag noong 2017.
  5. 5.00 5.01 5.02 5.03 5.04 5.05 5.06 5.07 5.08 5.09 Pangalawang Yugto: Itinatag noong 2010.
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 Pang-anim na Yugto: Itinatag noong 2019.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Current Operating Expenditures
  2. Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino (PDF) (ika-2013 (na) edisyon). Komisyon sa Wikang Filipino. p. 8. ISBN 978-971-0197-22-4. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-09-23. Nakuha noong 2021-07-19.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Executive Order No. 285
  4. Presidential Decree No. 491
  5. Caña, Paul John (Abril 2021). "Sugar Wars: Looking Back at the Negros Famine of the 1980s". Esquire, 15 April 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Agencies (1981-1987), United States Congress House Committee on Appropriations Subcommittee on Foreign Operations and Related (1987). Foreign assistance and related programs appropriations for 1988: hearings before a subcommittee of the Committee on Appropriations, House of Representatives, One hundredth Congress, first session (sa wikang Ingles). U.S. Government Printing Office.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Administrative Order No. 88
  8. Republic Act No. 8172
  9. Republic Act No. 8976
  10. Executive Order No. 472
  11. "NNC TO PUT-UP 10 NEW NUTRISKWELA COMMUNITY RADIO STATIONS". ZigZag Weekly. Nakuha noong Hulyo 30, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Lihgawon, Marcelo (Setyembre 21, 2018). "Local radio, IFSU partner for promotion of timely, relevant dev't info to communities". Philippine Information Agency. Nakuha noong Hulyo 30, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)