Pambansang Unibersidad ng Silangang Timor
Ang Pambansang Unibersidad ng Silangang Timor (Portuges: Universidade Nacional de Timor Lorosae; Tetum: Universidade Nasionál Timór Lorosa'e; Ingles: National University of East Timor), na nakabase sa kabisera ng Silangang Timor na Dili, ay ang mga pangunahing institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Silangang Timor.
National University of East Timor Universidade Nacional de Timor Lorosae | |
---|---|
Itinatag noong | 2000 |
Uri | Publiko |
Rektor | Aurélio Guterres |
Lokasyon | , |
Kampus | Suburban |
Websayt | www.untl.edu.tl |
Kasaysayan
baguhinUniversitas Timor Timur
baguhinMauugat ang kasaysayan ng unibersidad ay sa Universitas Timor Timur (UNTIM). Ang UNTIM ay pribado at ang tanging unibersidad sa Silangang Timor. Ito ay makikita sa isang maliit na komplex ng mga magkakaugnay na gusali sa tapat ng pampublikong aklatan sa Dili. Ang Kolehiyo ng Agrikultura ng unibersidad ay nasa Hera, isang maliit na pamayanan sa burol anim na kilometro sa silangan ng Dili.
The Polytechnic
baguhinAng mga teknikal na kurso sa Silangang Timor ay nakabase sa isang gusali sa Becora, sa tabi ng Senior High School of Economics, at sa isang kampus sa Hera, malapit sa Kolehiyo ng Agrikultura ng UNTIM. Ang Politekniko ay naghahain ng treyning sa Inhinyeriyang Elektroniko at Mekanikal, Konstruksyong Sibil Konstruksiyon at Accountancy.
Ang bagong unibersidad
baguhinAng bagong Pambansang Unibersidad ay ang pagsasama-sama ng lumang UNTIM at Politekniko. Ito ay inilipat sa ang dating Technical High School sa gitang Dili. Ang mga gusali ay isinaayos sa pamamagitan ng isang lokal na kompanya, na pinondohan ng ang United States Agency for International Development (USAID).