Pampublikong pamamahayag
Ang pampublikong pamamahayag o pagtatalumpati ay ang paghahayag sa pamamagitan ng direktang pagsasalita o pagbibigay talumpati ng isang indibidwal sa harap ng mga tagapakinig upang manghikayat, magbigay kaalaman, o magbigay aliw. Ang pagtatalumpati ay karaniwang itinuturing na pormal na pakikipag-usap sa pagitan ng isang tao at ng isang pangkat ng mga tagapakinig. Maihahalintulad ito sa pagtatanghal, ngunit ang pagtatanghal ay malimit na kaugnay ng mga gawaing komersyal. Madalas, ang pagtatalumpati ay isinasagawa upang manghimok ng mga tagapakinig.
Pangkalahatang ideya
baguhinKatulad ng ibang uri ng komunikasyon, mayroong limang pangunahing salik ang pagtatalumpati na karaniwang tinutukoy bilang "sino, ano, at para kanino ang inihahayag, gamit ang anong pamamaraan, kalakip ang anong mga epekto sa mga tagapakinig." Ang layunin ng pampublikong pamamahayag ay sumasaklaw mula sa payak na pagsasalin ng impormasyon, sa paghahatid ng kaalaman upang mag-udyok ng pagkilos mula sa tao, hanggang sa paghahayag ng kwento. Ang mga magagaling na mananalumpati ay hindi lamang basta naghahayag ng impormasyon, sila rin ay dapat na makapagbago ng damdamin ng kanilang mga tagapakinig. Ang pagtatalumpati ay maaari ding ituring bilang discourse community (pampamayanang panayam). Ang interpersonal na komunikasyon at pagtatalumpati ay parehong mayroong bahagi na sumasaklaw sa mga bagay tulad ng komunikasyong panghikayat, pansariling pag-unlad, pangangalakal, at pangmadlang komunikasyon. Ang pagtatalumpati ay isang mabisang kasangkapan na maaring gamitin sa mga hangarin ng pag-udyok, paghikayat, paghimok, pagsalin, o ethos.
Sa kasalukuyan, ang pagtatalumpati sa mga kaganapan sa larangan ng pangangalakal ay isinasagawa ng mga propesyonal na mayroong mga kasunduan sa isa o grupo ng mga tagapagsalita na binabayaran ng 25-30 bahagdang komisyon o sa iba pang mga paraan.