Ang Pan de kastila, na kilala rin bilang Spanish bread o Señorita bread, ay isang Pilipino bread roll na may katangian na pahaba o cylindrical na hugis na may tradisyonal na matamis na palaman na gawa sa mga mumo ng tinapay, mantikilya o margarin, at asukal na kayumanggi. Karaniwan itong madilaw-dilaw dahil sa paggamit ng mga itlog at mantikilya. Ang panlabas nito ay binubudburan ng mga breadcrumb. Isa ito sa pinakasikat na uri ng tinapay sa Pilipinas, na karaniwang kinakain tuwing merienda.[1][2]

Pan de kastila
Ibang tawagSeñorita bread, Senyorita bread, Spanish bread
Uribread roll
LugarPilipinas
Pangunahing Sangkapharina, asukal, gatas, mantikilya, asin, itlog

Sa kabila ng pangalan, hindi ito nagmula sa Espanya at walang kaugnayan sa Espanyol na pan de horno (tinatawag ding "Spanish bread"). [3]

Paglalarawan

baguhin

Ang pan de kastila ay ginawa katulad ng pandesal maliban lang sa pagdaragdag nito ng mga itlog at mantikilya. Katulad din ito ng ensaymada, maliban na lang sa iba't ibang paraan. Ang natatanging aspeto nito ay ang matamis na palaman, na tradisyonal na ginawa mula sa mantikilya (o margarine) na hinaluan ng mga breadcrumb at brown sugar. Ang palaman ay pantay na ikinakalat sa piping kuwarta (karaniwan ay tatsulok ang hugis, ngunit maaari ding maging parisukat). Pagkatapos nito ay pinitpit ito sa hugis ng isang silindro mula sa isang sulok, na nagreresulta sa katangian na hugis sungay. Binudburan ito ng breadcrumbs sa labas at pagkatapos ay iluluto.[4][5]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Dela Cruz, Hannah. "Señorita Bread". King Arthur Baking Company. Nakuha noong August 18, 2022.
  2. "Spanish Bread". PinoyCookingRecipes.com. Nakuha noong August 18, 2022.
  3. "Filipino Spanish Bread Recipe". FoxyFolksy. April 30, 2020. Nakuha noong August 18, 2022.
  4. "Sometimes I wonder about Spanish Bread". The Tummy Train. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 7, 2022. Nakuha noong August 18, 2022.
  5. Belen, Jun. "How to Make Spanish Bread". Junblog. Nakuha noong August 18, 2022.