Panaguri
Ang panaguri (Ingles: predicate[1]) ay isang bahagi ng pangungusap o pananalita. Ang panaguri ay isa sa dalawang pangunahing bahagi ng pangungusap kasama ang simuno o paksa. Sa wikang Filipino, kapag nasa karaniwang ayos ang pangungusap, nauuna ang panaguri habang nasa huli naman ang panaguri kapag nasa kabalikang ayos.[2]
Nababakas sa tradisyunal na balarila ang pagkaunawa ng panaguri noong pang panahon ni Aristotle sa pagbalangkas niya ng lohika.[3] Nakikita ang panaguri bilang katangian na mayroon ang isang paksa o paglalarawan ito. Samakatuwid, isang pagpapahayag ang panaguri na maaring totoo ang isang bagay.[4]
Panaguri ayon sa tradisyonal na balarila
Ang bawat panaguri ay nangangailangan ng isang pandiwa, at ang pandiwang nabanggit ay maaring samahan ng ibang elemento tulad ng mga layon (tuwiran at di tuwiran), pang-uri, pang-ukol, at iba pa.
- Mga halimbawa (nasa makapal ang panaguri)
- Ang anak ni Maria ay nawala. (Panaguri na may pandiwa)
- Si Juan ay nagbasa ng libro. (Panaguri na may pandiwa at tuwirang layon)
- Ang chismosa ay nakinig sa usapan. - (Panaguri na may pandiwa, tuwirang layon, at pang-ukol.)
- Pambansang kamao si Manny Pacquiao. (Panaguri na nasa karaniwang ayos kung saan nauuna ito.)
- Umaawit na ang mga nasa simbahan.
Mga sanggunian
- ↑ English, Leo James (1977). "Panaguri, predicate (grammar)". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 981. - ↑ Filipino Wika Sa Ating Panahon 5' 2001 Ed. Rex Bookstore, Inc. ISBN 978-971-23-3046-9.
- ↑ Matthews (1981, p. 102)
- ↑ Kroeger 2005, p. 53.