Pangkalahatang Kalendaryong Romano ng 1960
Ang mga nakatala rito ay ang kapistahan ng mga banal ng Pangkalahatang Kalendaryo ng Roma, ayon sa motu propio (o sulat ng Papa na ginawa sa sariling pagkukusa) na Rubricarum Instructum ni Papa Juan XXIII na kinasihan noong Hulyo 25, 1960. Isinakatuparan ito kinabukasan, Hulyo 26, 1960, ng Banal na Kalipunan sa Gawi sa Pagsamba, sa dekretong Novum rubricarum. Kabilang ang kalendaryong ito sa sipi ng Aklat ng Pagmimisa ng Roma na inilmbag noong 1962, na pinahintulot ang patuloy na paggamit ni Papa Benedicto XVI batay sa kanyang motu propio na Summorum Pontificum.
Pinalitan ng Novum rubricarum ang dating klasipikasyon na Doble, Semidoble at Simple kasama ang mga uri at gunita na I, II at III. Inalis na rito ang ilang kapistahan, partikular ang mga nauulit na pista, tulad ng Pagtatampok sa Krus na Banal (Mayo 3 at Setyembre 14), ang Luklukan ni Apostol San Pedro (Enero 18 at Pebrero 22), San Pedro (Agosto 1 at Hunyo 29), San Juan ang Ebanghelista (Mayo 6 at Disyembre 27), San Miguel (Mayo 8 at Setyembre 29), at San Esteban.
Ang pinagkaiba nito sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano ng 1954, isinasama na rito ang mga pababago na ginawa ni Papa Pio XII noong 1955 na may pagbabawas ng mga Octava (Walong Araw na Pagdiriwang) na nauwi sa tatlo na lamang: yaong Pasko, Pasko ng Pagkabuhay at Pentekostes.[1]
Mga pagbabago sa Kalendaryo
baguhinMas pinasimple ng Novum rubricarum ang paghahati ng mga antas para sa araw ng Linggo, mga araw sa loob ng linggo (feria) at mga kapistahan. Ang mga pista na may antas na Doble I clase ay binago para sa I clase. Ang mga pista na may antas na Doble II clase ay binago para sa II clase. Ang mga Doble at Semidoble na kapistahan ay binago sa iisang kategorya na III clase. Ang mga pista naman na Simple ay nanatiling Paggunita, bagay na una nang ginawa ni Papa Pio XII sa kaniyang rebisyon ng Kalendaryo noong 1955.
Ang mga Linggo ng Adbiyento, Kwaresma, Pagpapakasakit (Passiontide), at Domingo de Alba (Low Sunday) ay tinawag na Unang Uri ng mga Linggo. Ang nalalabing mga Linggo sa taon ay naging Ikalawang Uri ng mga Linggo.
Ang Miyerkules ng Abo, Ang mga Mahal na Araw, at ang Walong Araw na pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay at Pentekostes ay inilagay bilang mga Unang Uri ng Mga Karaniwang Araw. Habang ang mga karaniwang araw ng Adbiyento mula ika-17 hanggang ika-23 ng Disyembre, mga karaniwang araw sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang (ika-29 hanggang ika-31 ng Diysembre), mga Araw ng Pagluhog sa Adbiyento, Kwaresma at Setyembre, ay inilagay naman bilang mga Ikalawang Uri ng Mga Karaniwang Araw. Ang nalalabing karaniwang araw sa Adbiyento, Kwaresma, at Pagpapasakit ay inilagay bilang mga Ikatlong Uri ng Mga Karaniwang Araw. Ang mga pista na III Uri ay ginugunita na lamang sa Misa kung ito'y papatak sa buong panahon ng Kwaresma. Ang nalalabing mga karaniwang araw sa buong taon ay Ikaapat na Uri ng Mga Karaniwang Araw.
Ang mga sumusunod na kapistahan naman ay ginawang Paggunita na lamang:
- Ang Birheng Maria ng Carmelo (ika-16 ng Hulyo)
- Ang Birheng Maria dela Merced (ika-24 ng Setyembre)
- Ang Pitong Hapis ng Birheng Maria (Biyernes matapos ang Unang Linggo ng Pagpapasakit)
- Ang Paglilimbag ng mga Sugat ng Panginoon kay San Francisco de Asis (ika-17 ng Setyembre)
- San Eustacio at mga kasamahan, mga Martir (ika-20 ng Setyembre)
- Santo Tomas ng Kanterburi, Obispo at Martir (ika-29 ng Disyembre)
- San Silvestro I, Papa at Kumpesor (ika-31 ng Disyembre)
- San Jorge, Martir (ika-23 ng Abril)
- San Alexis, Kumpesor (ika-17 ng Hulyo)
- San Siriaco, Largo, at Ismaragdo, mga Martir (ika-8 ng Agosto)
Ang mga Ikalawang Uri na Pista naman na ito ay naging Unang Uri:
- Ang Pagtutuli sa Panginoong Hesus (unang araw ng Enero)
- Paggunita sa Lahat ng mga Kaluluwa (ika-2 ng Nobyembre; o di kaya'y kinabukasan kung matatapat sa araw ng Linggo)
Ang mga sumusunod naman na pista ay naging Ikalawang Uri:
- Ang Banal na Mag-anak (Unang Linggo makalipas ang Epipania)
- Ang Luklukan ni San Pedro Apostol (ika-22 ng Pebrero)
- Ang Pagtatampok sa Krus na Banal (ika-14 ng Setyembre)
Mga inalis at idinagdag sa Kalendaryo
baguhinIto ang mga kapistahan na inalis sa kalendaryo, dahil sa pag-uulit ng mga pista ng mga Banal:
- Ang Pagkakatagpo sa Krus na Banal (ikatlo ng Mayo; ito'y pag-uulit ng pista ng banal na krus sa ika-14 ng Setyembre)
- Luklukan ni San Pedro Apostol sa Roma (ika-18 ng Enero; isinama na sa ika-22 ng Pebrero na pista)
- San Juan, Apostol at Manunulat ng Mabuting Balita sa Harap ng Porta Latina (ika-6 ng Mayo; ito'y pag-uulit ng pista sa ika-27 ng Disyembre)
- Ang Pagpapakita ni San Miguel Arkanghel sa Bundok ng Gargano (ika-8 ng Mayo; ito'y pag-uulit ng pista ng ika-29 ng Setyembre)
- Ang Pagkakabilanggo ni San Pedro Apostol (unang araw ng Agosto; ito'y pag-uulit ng pista sa ika-29 ng Hunyo)
- San Leon II, Papa at Kumpesor (ikatlo ng Hulyo; inalis dahil sa paglilipat kay San Ireneo sa araw na ito)
- San Anacleto, Papa at Martir (ika-13 ng Hulyo; isinama sa ika-26 ng Abril na pista ni San Cleto)
- Ang Pagkakatagpo ng Katawan ni San Esteban, Unang Martir (ika-3 ng Agosto; ito'y pag-uulit ng pista ng ika-26 ng Disyembre)
Ang paggunita kay San Vitalis, Martir (ika-28 ng Abril) ay inalis na rin sa kalendaryo dahil sa kasaysayan ng umano'y pagiging martir niya.
Samantala, isinama naman sa kalendaryo ang mga sumusunod:
- San Gregorio Barbarigo, Obispo at Kumpesor (ika-17 ng Hunyo, III clase)
- San Antonio Maria Claret, Obispo at Kumpesor (ika-23 ng Hulyo, III clase)
Iba pang pagbabago
baguhinInilipat ng petsa ang mga sumusunod na kapistahan:
- San Ireneo, Obispo at Martir (mula ika-28 ng Hunyo, inilipat ito sa ika-3 ng Hulyo; ito'y para sa Bisperas nina Ss. Pedro at Pablo)
- San Juan Maria Vianney, Kumpesor (mula sa ika-9 ay inilipat ito sa ika 8-August; ito'y upang mas malapit sa petsa ng kaniyang dies natalis)
Ang paggunita kina San Sergio, Bacchus, Marcello, at Apoleo, mga Martir, ay inilipat sa ika-8 ng Oktubre, upang magbigay-laan sa mga pagbabago sa kalendaryo ukol sa bilang ng mga paggunita na maaaring gawin sa mga II clase na kapistahan.
Ang pamagat ng mga sumusunod na kapistahan ay pinalitan din:
- Ang Pagtutuli sa Panginoong Hesus ay naging Ikawalong Araw sa Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang ng Panginoong Hesus (Unang Araw ng Enero)
- Ikawalong Araw ng Pagdiriwang ng Pagpapakita ng Panginoon ay naging Paggunita sa Pagbibinyag kay Hesus (ika-13 ng Enero, II cl.)
- Luklukan ni San Pedro Apostol sa Antioquia ay naging Luklukan ni San Pedro Apostol (ika-22 ng Pebrero)
- Ang Santo Rosaryo ng Birheng Maria ay naging Mahal na BIrheng Maria ng Santo Rosaryo (ika-7 ng Oktubre)
Hindi rin pinahintulutuan ng bagong kautusan ang paglilipat ng mga I clase (dating Doble I clase) na kapistahan na parehong nagtatapat. Sa mas nakatatandang kalendaryo, ang mga kapistahan na Doble I clase at Doble II clase ay kapwa inililipat kung ito'y matatapat sa isa't isa.
Mga pagbabago makalipas ang 1960
baguhinNoong ika-25 ng Marso, 2020, Ang Banal na Kalipunan sa Pananampalataya ay naglabas ng dekreto na may pamagat na Cum sanctissima, inilatag nila ang mga maaaring mapagipilian para sa paggamit ng nakatatandang uso ng Rito Romano sa kasalukuyang panahon.[2][3] Ukol naman sa kalendaryo, pinahihintulutan naman na makapagmisa sa kapistahan ng mga Banal na kamakailan lamang nahayag na Santo makalipas ang ika-26 ng Hulyo 1960 batay sa mga petsa na itinalaga ng Santa Sede para sa buong Simbahan. Pinapayagan din ng dekreto na maipagdiwang ang ilang III clase na kapistahan sa buong panahonn ng Kwaresma, na noo'y ipinagbawal ng Batayan sa Gawi sa Pagsamba na inilimbag noong 1960.
Ang Kalendaryo
baguhinEnero
baguhin- 1: Ikawalong Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang ng Panginoon, I clase.
- 2: Karaniwang Araw.
- 3: Karaniwang Araw.
- 4: Karaniwang Araw.
- 5: Paggunita kay San Telesforo Papa at Martir.
- 6: Ang Pagpapakita ng Panginoon, I clase.
- 7: Karaniwang Araw.
- 8: Karaniwang Araw.
- 9: Karaniwang Araw.
- 10: Karaniwang Araw.
- 11: Paggunita kay San Hygino Papa at Martir.
- 12: Karaniwang Araw.
- 13: Paggunita sa Pagbibinyag kay Hesus, II clase.
- 14: San Hilario, Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase, Paggunita kay San Felix Pari at Martir.
- 15: San Pablo Unang Ermitanyo, Kumpesor, III clase, Paggunita kay San Mauro, Abad.
- 16: San Marcello, I Papa at Martir, III clase.
- 17: San Antonio Abad, III clase.
- 18: Paggunita kay San Prisca, Dalaga at Martir.
- 19: Paggunita kay Ss. Mario, Marta, Audifax, at Abacho, mga Martir; Paggunita kay San Canute, Martir.
- 20: Ss. Fabian Papa at Sebastian, Martir, III clase.
- 21: Santa Agnes, Dalaga at Martir, III clase
- 22: Ss. Vicente at Anastasio, mga Martir, III clase.
- 23: San Raymundo ng Peñafort Kumpesor, III clase, Paggunita kay San Emerentiana Dalaga at Martir.
- 24: San Timoteo Obispo at Martir, III clase.
- 25: Ang Pagbabalik-loob ni San Pablo Apostol, III clase, Paggunita kay San Pedro Apostol.
- 26: San Policarpo, Obispo at Martir, III clase.
- 27: San Juan Crisostomo Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 28: San Pedro Nolasco Kumpesor, III clase, Paggunita kina San Agnes, Dalaga at Martir second.
- 29: San Francisco de Sales Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 30: Santa Martina Dalaga at Martir, III clase.
- 31: San Juan Bosco Kumpesor, III clase.
- Linggo sa pagitan ng Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon at ng Pagpapakita ng Panginoon; o 'di kaya'y sa ika-2 ng Enero: Ang Kabanal-banalang Ngalan ni Hesus, II clase.
- I Linggo makalipas ang Pagpapakita ng Panginoon: Ang Banal na Mag-anak, II clase.
Pebrero
baguhin- 1: San Ignacio Obispo at Martir, III clase.
- 2: Ang Purificacion ng Mahal na Birheng Maria sa Templo, II clase.
- 3: Paggunita kay San Blase Obispo at Martir
- 4: San Andres Corsini Obispo at Kumpesor, III clase.
- 5: Santa Agata Dalaga at Martir, III clase.
- 6: San Tito Obispo at Kumpesor, III clase, Paggunita kay Santa Doroteo Dalaga at Martir.
- 7: San Romualdo Abad, III clase.
- 8: San Juan ng Matha Kumpesor, III clase.
- 9: San Cirilio Obispo of Alejandria, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase, Paggunita kay Santa Apollonia Dalaga at Martir.
- 10: Santa Scolastica Dalaga, III clase.
- 11: Ang Pagpapakita ng Kalinis-linisang Mahal na Birheng Maria sa Lourdes, III clase.
- 12: Ang Pitong Tagapagtatag ng Orden ng mga Lingkod ng Birheng Maria, mga Kumpesor, III clase.
- 13: Karaniwang Araw.
- 14: Paggunita kay San Valentin Pari at Martir
- 15: Paggunita kina Ss. Faustino at Jovita Mga Martir
- 16: Karaniwang Araw.
- 17: Karaniwang Araw.
- 18: Paggunita kay San Simeon Obispo at Martir,
- 19: Karaniwang Araw.
- 20: Karaniwang Araw.
- 21: Karaniwang Araw.
- 22: Luklukan ni San Pedro, II clase, Paggunita kay San Pablo.
- 23: San Pedro Damian Kumpesor, III clase.
- 24: San Matias Apostol, II clase.
- 25: Karaniwang Araw.
- 26: Karaniwang Araw.
- 27: San Gabriel ng Birhen ng Ina ng Hapis, III clase
- 28: Karaniwang Araw.
Marso
baguhin- 1: Karaniwang Araw.
- 2: Karaniwang Araw.
- 3: Karaniwang Araw.
- 4: San Casimir Kumpesor, III clase, Paggunita kay San Lucio I Papa at Martir.
- 5: Karaniwang Araw.
- 6: Ss. Perpetua at Felicidad, Mga Martir, III clase.
- 7: Santo Tomas Aquino Kumpesor at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 8: San Juan de Dios, Kumpesor, III clase.
- 9: San Francesca ng Roma, Balo, III clase.
- 10: Ang Apatnapung mga Martir, III clase.
- 11: Karaniwang Araw.
- 12: San Gregorio I Papa, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 13: Karaniwang Araw.
- 14: Karaniwang Araw.
- 15: Karaniwang Araw.
- 16: Karaniwang Araw.
- 17: San Patricio Obispo at Kumpesor, III clase.
- 18: San Cirilio Obispo ng Jerusalem, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 19: San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birheng Maria, Kumpesor, at Tagapagtangkilik ng Buong Simbahang Katolika, I clase.
- 20: Karaniwang Araw.
- 21: San Benito Abad, III clase.
- 22: Karaniwang Araw.
- 23: Karaniwang Araw.
- 24: San Gabriel Arkanghel, III clase.
- 25: Pagpapahayag ng Magandang Balita Tungkol sa Panginoon, I clase.
- 26: Karaniwang Araw.
- 27: San Juan Damasco Kumpesor at Pantas ng Simbahan, III clase
- 28: San Juan Capistrano Kumpesor, III clase
- 29: Karaniwang Araw.
- 30: Karaniwang Araw.
- 31: Karaniwang Araw.
- Biyernes makalipas ang Unang Linggo ng Pagpapasakit ng Panginoon: Ang Pitong Hapis ng Birheng Maria
Abril
baguhin- 1: Karaniwang Araw.
- 2: San Francisco ng Paula Kumpesor, III clase.
- 3: Karaniwang Araw.
- 4: San Isidro Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 5: San Vicente Ferrer Kumpesor, III clase.
- 6: Karaniwang Araw.
- 7: Karaniwang Araw.
- 8: Karaniwang Araw.
- 9: Karaniwang Araw.
- 10: Karaniwang Araw.
- 11: San Leon I Papa, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 12: Karaniwang Araw.
- 13: San Hermenegildo Martir, III clase.
- 14: San Justin, III clase, Paggunita kina San Tiburcio, Valerian at Maximo, Mga Martir.
- 15: Karaniwang Araw.
- 16 : Karaniwang Araw.
- 17: Paggunita kay San Aniceto Papa at Martir, Comm.
- 18: Karaniwang Araw.
- 19: Karaniwang Araw.
- 20: Karaniwang Araw.
- 21: San Anselmo Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 22: Ss. Soter at Caius Mga Papa at Mga Martir, III clase.
- 23: Paggunita kay San Jorge Martir, Comm.
- 24: San Fidel ng Sigmaringen Martir, III clase.
- 25: Ang Dakilang Pagluhog - San Marcos Ebangelista, II clase.
- 26: Ss. Cleto at Marcelino, mga Papa at Mga Martir, III clase.
- 27: San Pedro Canisio Kumpesor at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 28: San Pablo de la Cruz Kumpesor, III clase.
- 29: San Pedro Martir, III clase.
- 30: Santa Catarina ng Siena Dalaga, III clase.
Mayo
baguhin- 1: San Jose Manggagawa, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birheng Maria, Kumpesor, I clase.
- 2: San Atanasio, Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 3: Paggunita kay Ss. Alexater, Eventio at Teodolo Mga Martir, at Joven, Obispo at Kumpesor, Comm.
- 4: San Monica, Balo, III clase.
- 5: San Pio V Papa at Kumpesor, III clase.
- 6: Karaniwang Araw.
- 7: San Estanislao Obispo at Martir, III clase.
- 8: Karaniwang Araw.
- 9: San Gregorio Nazianzen Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 10: San Antonino Obispo at Kumpesor, III clase, Paggunita kina Ss. Gordian at Epimaco.
- 11: Ss. Filipo at Santiago Mga Apostol, II clase.
- 12: Ss. Nereo, Aciles, Domitila Dalaga, at Pancras Mga Martir, III clase.
- 13: San Roberto Belarmino Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 14: Paggunita kay San Bonifacio Martir, Comm.
- 15: San Juan Bautista de la Salle Kumpesor, III clase.
- 16: San Obaldo Obispo at Kumpesor, III clase.
- 17: San Paschal Baylon Kumpesor, III clase.
- 18: San Venancio Martir, III clase.
- 19: San Pedro Celestin Papa at Kumpesor, III clase, Paggunita kay Santa Potenciana Dalaga.
- 20: San Bernardo ng Siena Kumpesor, III clase.
- 21: Karaniwang Araw.
- 22: Karaniwang Araw.
- 23: Karaniwang Araw.
- 24: Karaniwang Araw.
- 25: San Gregorio VII Papa at Kumpesor, III clase, Paggunita kay San Urbano I Papa at Martir.
- 26: San Filipo Neri Kumpesor, III clase, Paggunita kina San Eleuterio Papa at Martir.
- 27: Lubhang Iginagalang na San Beda Kumpesor at Pantas ng Simbahan, III clase, Paggunita kay San Juan I Papa at Martir.
- 28: San Agustin Obispo at Kumpesor, III clase.
- 29: Santa Maria Magdalena ng Pazzi Dalaga, III clase.
- 30: Paggunita kay San Felix I Papa at Martir, Comm.
- 31: Mahal na Birheng Maria, Reyna ng Langit at Lupa, II clase, Paggunita kay Santa Petronilla Dalaga.
Hunyo
baguhin- 1: Santa Angela Merici Dalaga, III clase.
- 2: Paggunita kina Ss. Marcelino, Pedro, at Erasmo Obispo, Mga Martir, Comm.
- 3: Karaniwang Araw.
- 4: San Francisco Caracciolo Kumpesor, III clase.
- 5: San Bonifacio Obispo at Martir, III clase.
- 6: San Norberto Obispo at Kumpesor, III clase.
- 7 : Karaniwang Araw.
- 8: Karaniwang Araw.
- 9: Paggunita kay Ss. Primo at Felician Mga Martir, Comm.
- 10: Santa Margarita, Reyna, Balo, III clase.
- 11: San Barnabas Apostol, III clase.
- 12: San Juan ng San Facundo Kumpesor, III clase, Paggunita kina Ss. Basilides, Cirino, Nabor at Nazario Mga Martir.
- 13: San Antonio de Padua Kumpesor, III clase.
- 14: Dakilang San Basilio, Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 15: Paggunita kina Ss. Vito, Modesto, at Cresencia Mga Martir, Comm.
- 16: Karaniwang Araw.
- 17: San Gregorio Barbarigo Obispo at Kumpesor, III clase.
- 18: San Efren Siria, Diacono, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase, Paggunita kina Ss. Marcos at Marcelliano Mga Martir.
- 19: Santa Juliana Falconieri Dalaga, III clase, Paggunita kina Ss. Gervase at Protase Mga Martir.
- 20: Paggunita kay San Silverio Papa at Martir, Comm.
- 21: San Aloysius Gonzaga Kumpesor, III clase.
- 22: San Paulino, Obispo at Kumpesor, III clase
- 23: Bisperas ng Pagsilang ni San Juan Bautista, II clase.
- 24: Pagsilang ni San Juan Bautista, I clase.
- 25: San Guillermo Abad, III clase.
- 26: Ss. Juan at Pablo Mga Martir, III clase.
- 27: Karaniwang Araw.
- 28: Bisperas ng Pista nina San Pedro at San Pablo, Apostol, II clase.
- 29: Ss. Pedro at Pablo Mga Apostol, I clase.
- 30: Paggunita kay San Pablo Apostol, III clase, Paggunita kay San Pedro Apostol.
Hulyo
baguhin- 1: Ang Kamahal-mahalang Dugo ng ating Panginoong Hesukristo, I clase.
- 2: Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria, II clase, Paggunita kina Ss. Processus at Martinian Mga Martir.
- 3: San Ireneo Obispo at Martir, III clase.
- 4: Karaniwang Araw.
- 5: San Antonio Maria Zaccaria Kumpesor, III clase.
- 6: Karaniwang Araw.
- 7: Ss. Cirilio at Metodio Obispo at Kumpesor, III clase.
- 8: Santa Isabel Reyna, Balo, III clase.
- 9: Karaniwang Araw.
- 10: Ang Pitong Banal na Magkakapatid, Mga Martir, at Ss. Rufina at Segunda, mga Dalaga at Mga Martir, III clase.
- 11: Paggunita kay San Pio I Papa at Martir, Comm.
- 12: San Juan Adalberto, Abad, III clase, Paggunita kina Ss. Nabor at Felix Mga Martir.
- 13: Karaniwang Araw.
- 14: San Buenaventura Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 15: San Enrico II Emperador, Kumpesor, III clase.
- 16: Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok ng Carmelo
- 17: Paggunita kay San Alexius Kumpesor,
- 18: San Camilo de Lellis Kumpesor, III clase, Paggunita kina Santa Simforosa at kaniyang pitong anak, Mga Martir.
- 19: San Vicente de Paul Kumpesor, III clase.
- 20: San Geronimo Emiliani Kumpesor, III clase, Paggunita kina San Margaret Dalaga Martir.
- 21: San Lorenzo ng Brindisi Kumpesor at Pantas ng Simbahan, III clase, Paggunita kay Santa Praxedes Dalaga.
- 22: Santa Maria Magdalena, III clase.
- 23: San Apolinario Martir, III clase, Paggunita kay San LiborioObispo at Kumpesor.
- 24: Paggunita kay Santa Cristina Dalaga at Martir.
- 25: Santiago Apostol, II clase, Paggunita kay San Kristobal Martir.
- 26: Santa Ana, Ina ng Mahal na Birheng Maria, II clase.
- 27: Paggunita kay San Pantaleon Martir, Comm.
- 28: Ss. Nazario at Celso Mga Martir, Victor I Papa at Martir, at San Inocencio I Papa at Kumpesor, III clase.
- 29: Santa Marta Dalaga, III clase, Paggunita kina Ss. Felix, Simplicio, Faustino, at Beatriz Mga Martir.
- 30: Paggunita kay Ss. Abdon at Sennen Mga Martir, Comm.
- 31: San Ignacio Kumpesor, III clase.
Agosto
baguhin- 1: Paggunita sa mga Banal na Macabeo, Mga Martir, Comm.
- 2: San Alfonso Maria Liguori Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase, Paggunita kay San Esteban I Papa at Martir.
- 3: Karaniwang Araw.
- 4: Santo Domingo, Kumpesor, III clase.
- 5: Ang Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan ng Birheng Maria de Nieves, III clase.
- 6: Ang Pagbabagong-anyo ng Panginoong Hesukristo, II clase, Paggunita kina Ss. Sisto II Papa, Felicisimo, at Agapito Mga Martir.
- 7: San Cajetan Kumpesor, III clase, Paggunita kina San Donato Obispo at Martir.
- 8: San Juan Maria Vianney Kumpesor at Pari, III clase, Paggunita kina Ss. Siriaco, Largo, at Ismaragrdo Mga Martir.
- 9: Bisperas ni San Lorenzo, Martir, III clase, Paggunita kay San Romano Martir.
- 10: San Lorenzo Martir, II clase.
- 11: Paggunita kay San Tiburcio at Santa Susana, Dalaga, Mga Martir,
- 12: Santa Clara Dalaga, III clase.
- 13: Paggunita kay Ss. Hipolito at Cassian Mga Martir
- 14: Bisperas ng Pista ng Pag-aakyat kay Maria sa Langit, II clase, Paggunita kay San Eusebio Kumpesor.
- 15: Ang Pag-aakyat sa Mahal na Birheng Maria sa Langit, I clase.
- 16: San Joaquin, Ama ng Mahal na Birheng Maria, Kumpesor, II clase.
- 17: San Jacinto Kumpesor, III clase.
- 18: Paggunita kay San Agapito Martir,
- 19: San Juan Eudes Kumpesor, III clase.
- 20: San Bernardo Abad at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 21: San Juana Francisca de Chantal Balo, III clase.
- 22: Ang Kalinis-linisang Puso ng Mahal na Birheng Maria, II clase, Paggunita kina Ss. Timoteo at mga kasamahan, Mga Martir.
- 23: San Filipo Benizi Kumpesor, III clase.
- 24: San Bartolome Apostol, II clase.
- 25: San Luis Hari, Kumpesor, III clase.
- 26: Paggunita kay San Seferino Papa Martir,
- 27: San Jose Calasancio Kumpesor, III clase.
- 28: San Agustin Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase, Paggunita kay San Hermes Martir.
- 29: Ang Pagpapasakit ni San Juan Bautista, III clase, Paggunita kay Santa Sabina Martir.
- 30: Santa Rosa de Lima Dalaga, III clase, Paggunita kina Ss. Felix at Adaucto Mga Martir.
- 31: San Raymundo Nonnato Kumpesor, III clase.
Setyembre
baguhin- 1: Paggunita kay San Giles Abad, Comm, Paggunita sa Labindalawang Banal na Magkakapatid Mga Martir.
- 2: San Esteban, Hari, Kumpesor, III clase.
- 3: Santo Pio X Papa at Kumpesor, III clase.
- 4: Karaniwang Araw.
- 5: San Lorenzo Justinian Obispo at Kumpesor, III clase.
- 6: Karaniwang Araw.
- 7: Karaniwang Araw.
- 8: Ang Pagsilang sa Mahal na Birheng Maria, II clase, Paggunita kay San Hadrian Martir.
- 9: Paggunita kay San Gorgonio Martir, Comm.
- 10: San Nicolas de Tolentino Kumpesor, III clase.
- 11: Paggunita kina Ss. Protus at Jacinto Mga Martir, Comm.
- 12: Ang Kabanal-banalang Ngalan ni Maria, III clase.
- 13: Karaniwang Araw.
- 14: Ang Pagtatampok ng Krus na Banal, II clase.
- 15: Ang Pitong Hapis ng Mahal na Birheng Maria, II clase, Paggunita kay San Nicomedes Martir.
- 16: San Cornelio Papa at San Cipriano Obispo, Mga Martir, III clase, Paggunita kina Ss. Eufemia Dalaga, Lucia at Geminiano Mga Martir.
- 17: Paggunita sa Paglilimbag ng mga Sugat ng Panginoon kay San Francisco Kumpesor
- 18: San Jose ng Cupertino Kumpesor, III clase.
- 19: San Januario Obispo at kasamahan Mga Martir, III clase.
- 20: Paggunita kay San Eustacio at Mga kasamahan Mga Martir, Comm.
- 21: San Mateo Apostol at Ebangelista, II clase.
- 22: Santo Tomas ng Villanova Obispo at Kumpesor, III clase, Paggunita kina Ss. Mauricio at Mga kasamahan Mga Martir.
- 23: San Lino Papa at Martir, III clase, Paggunita kina San Tecla Dalaga at Martir.
- 24: Paggunita sa Birheng Maria dela Merced, Comm.
- 25: Karaniwang Araw.
- 26: Paggunita kina Ss. Cipriano at Justina Dalaga, Mga Martir, Comm.
- 27: Ss. Cosmas at Damian Mga Martir, III clase.
- 28: San Wenceslao, Martir, III clase.
- 29: Pagtatalaga sa Simbahan ni San Miguel Arkanghel, I clase.
- 30: San Geronimo Pari, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
Oktubre
baguhin- 1: Paggunita kay San Remigio Obispo at Kumpesor, Comm.
- 2: Mga Anghel na Tagatanod, III clase.
- 3: Santa Teresita ng Batang Hesus Dalaga, III clase.
- 4: San Francisco de Asis Kumpesor, III clase.
- 5: Paggunita kay San Placido at mga kasamahan Mga Martir, Comm.
- 6: San Bruno Kumpesor, III clase.
- 7: Mahal na Birheng Maria ng Santo Rosaryo, II clase, Paggunita kay San Marcos Papa at Kumpesor.
- 8: San Brigida Balo, III clase, Paggunita kina Ss. Sergio at Bacchus, Marcelo at Apoleio Mga Martir.
- 9: San Juan Leonardo Kumpesor, III clase, Paggunita kina San Denis Obispo, Rustico Pari, at Eleoterio Mga Martir.
- 10: San Francisco Borgia Kumpesor, III clase.
- 11: Ang Mahal na Birheng Maria, Dakilang Ina ng Diyos II clase.
- 12: Karaniwang Araw.
- 13: San Eduardo King, Kumpesor, III clase.
- 14: San Calisto I Papa at Martir, III clase.
- 15: Santa Teresa Dalaga, III clase.
- 16: Santa Eduvigis (Heidi) Balo, III clase.
- 17: Santa Margarita Maria Alacoque Dalaga, III clase.
- 18: San Lucas Ebanghelista, II clase.
- 19: San Pedro de Alcantara Kumpesor, III clase.
- 20: San Juan Cantius Kumpesor, III clase.
- 21: Paggunita kay San Hilarion Abad, Paggunita kina Santa Ursula at Mga kasamahan mga Dalaga at Mga Martir.
- 22: Karaniwang Araw.
- 23: San Antonio Maria Claret Obispo at Kumpesor, III clase.
- 24: San Rafael Arkanghel, III clase.
- 25: Paggunita kina Ss. Crisanto at Daria Mga Martir, Comm.
- 26: Paggunita kay San Evaristo Papa at Martir, Comm.
- 27: Karaniwang Araw.
- 28: Ss. Simon at Tadeo Mga Apostol, II clase.
- 29: Karaniwang Araw.
- 30: Karaniwang Araw.
- 31: Karaniwang Araw.
- Huling Linggo ng Oktubre: Ang Ating Panginoong Hesukristo, Hari ng Sansinukob, I clase.
Nobyembre
baguhin- 1: Lahat ng mga Banal, I clase.
- 2: o ‘di kaya’y kung ang araw na ito ay natapat sa Linggo, ipagdiriwang ito sa ika-3 ng Nobyembre: Paggunita sa Lahat ng mga Kaluluwa, I clase.
- 3: Karaniwang Araw.
- 4: San Carlos Obispo at Kumpesor, III clase, Paggunita kina Ss. Vitalis at Agricola Mga Martir.
- 5: Karaniwang Araw.
- 6: Karaniwang Araw.
- 7: Karaniwang Araw.
- 8: Paggunita sa Apat na Banal na Mga Martir, Comm.
- 9: Ang Pagtatalaga ng Palasyong Simbahan ng Ating Panginoong Hesus, Manliligtas ng Sangkatauhan, II clase, Paggunita kay San Teodoro Martir.
- 10: San Andres Avellino Kumpesor, III clase, Paggunita kina Ss. Tryphon, Respicio, at Nimfa Mga Martir.
- 11: San Martin Obispo at Kumpesor, III clase, Paggunita kina San Mennas Martir.
- 12: San Martin I Papa at Martir, III clase.
- 13: San Didaco Kumpesor, III clase.
- 14: San Josafat Obispo at Martir, III clase.
- 15: Dakilang San Alberto Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 16: San Gertrudis Dalaga, III clase.
- 17: San Gregorio Taumaturgo Obispo at Kumpesor, III clase.
- 18: Ang Pagtatalaga ng Palasyong Simbahan nina San Pedro at San Pablo, III clase.
- 19: Santa Isabel, Balo, III clase, Paggunita kay San Pontiano Papa at Martir.
- 20: San Felix ng Valois Kumpesor, III clase.
- 21: Ang Pagdadala sa Templo ng Mahal na Birheng Maria, III clase.
- 22: Santa Cecilia Dalaga at Martir, III clase.
- 23: San Clemento I Papa at Martir, III clase, Paggunita kay San Felicitas Martir.
- 24: San Juan de la Cruz Kumpesor at Pantas ng Simbahan, III clase, Paggunita kina San Crisogono Martir.
- 25: Santa Caterina Dalaga at Martir, III clase.
- 26: San Silvester Abad, III clase, Paggunita kay San Pedro ng Alejandria Obispo at Martir.
- 27: Karaniwang Araw.
- 28: Karaniwang Araw.
- 29: Paggunita kay San Saturnino Martir,
- 30: San Andres, Apostol, II clase.
Disyembre
baguhin- 1: Karaniwang Araw.
- 2: Santa Bibiana Dalaga at Martir, III clase.
- 3: San Francisco Javier Kumpesor, III clase.
- 4: San Pedro Crisologo Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase, Paggunita kay Santa Barbara Dalaga at Martir.
- 5: Paggunita kay San Sabbas Abad, Comm.
- 6: San Nicolas Obispo at Kumpesor, III clase.
- 7: San Ambrosio Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan, III clase.
- 8: Ang Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria, I clase.
- 9: Karaniwang Araw.
- 10: Paggunita kay San Melchiades Papa at Martir, Comm.
- 11: San Damaso I Papa at Kumpesor, III clase.
- 12: Karaniwang Araw.
- 13: Santa Lucia Dalaga at Martir, III clase.
- 14: Karaniwang Araw.
- 15: Karaniwang Araw.
- 16: San Eusebio Obispo at Martir, III clase.
- 17: Karaniwang Araw.
- 18: Karaniwang Araw.
- 19: Karaniwang Araw.
- 20: Karaniwang Araw.
- 21: Santo Tomas Apostol, II clase.
- 22: Karaniwang Araw.
- 23: Karaniwang Araw.
- 24: Bisperas ng Pista ng Pagsilang ng Panginoong Hesus, I clase.
- 25: Pasko ng Pagsilang ng Panginoong Hesus, I clase. Sa Misa Segunda: Paggunita kay Santa Anastasia Martir.
- 26: Ika-2 Araw sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon: San Esteban, Unang Martir II clase.
- 27: ika-3 Araw sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon: San Juan Apostol at Ebanghelista, II clase.
- 28: ika-4 na Araw sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon: Ang Mga Banal na Sanggol na Walang Malay, II clase.
- 29: ika-5 Araw sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon, II clase, Paggunita kay Santo Tomas ng Kanterburi, Obispo at Martir.
- 30: ika-6 na Araw sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon, II clase.
- 31: ika-7 Araw sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon II clase, Paggunita kay San Silvester I Papa at Kumpesor.
Mga pagmimisa sa Kapistahan ng mga Banal sa iba't ibang piling lugar
baguhinMga karagdagang misa sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma (1960)
baguhinSa Aklat ng Pagmimisa sa Roma na inilimbag noong 1962, tinipon naman ang ilan sa mga Misa para sa kapistahan na ipinagdiriwang sa iba’t ibang dako. Kabilang din dito ang mga kapistahan na ipinatigil ipagdiwang ng buong Simbahan, at ibinigay ang pagpapasiya nito sa mga tanging kalendaryo ng kani-kaniyang diosesis o bansa, batay sa kautusang De calendariis particularibus noong ika-14 ng Pebrero, 1961. Ngayon, ang mga pagdiriwang na nasa hulihan ng Misal na ito ay pinahihintulutang ipagdiwang, basta’t ang araw na iyon ay nasa IV clase. Mayo ilan sa mga kapistahan dito sa talaang ito ay matatagpuan din sa Pangkalahatang Kalendaryo, subalit maaari itong ipalit sa nakatakdang mga panalangin at pagbasa sa Misal.
- 7 Disyembre: San Ambrosio Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan [takdang Misa]
- 3 Enero: San Gaspar del Bufalo Kumpesor; San Francesca Javier Cabrini Dalaga [Inilipat sa 13 Nobyembre]
- 23 Enero: San Ildefonso Obispo at Kumpesor
- 29 Enero: San Francisco de Sales Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan [takdang Misa]
- 21 Pebrero: Santa Margarita ng Cortona
- 15 Marso: Santa Luisa de Marillac Balo
- 21 Marso: San Benito Abad [takdang Misa]
- 16 Abril: San Benito Jose Labre Kumpesor
- 26 Abril: Ang Mahal na Birhen ng Tamang Kapasyahan
- 28 Abril: San Pedro Chanel Martir; San Louis-Marie Grignion de Montfort Kumpesor
- 29 Abril: San Jose Benito Cottolengo Kumpesor
- 3 Mayo: Ang Pagkakatagpo sa Krus na Banal
- 6 Mayo: San Juan Apostol at Manunulat ng Mabuting Balita, sa harap ng Porta Latina; Santo Domingo Savio Kumpesor
- 8 Mayo: Ang Birheng Maria, Reyna ng mga Banal at Ina ng Matimtimang Pag-ibig (de Amor); Ang Birheng Maria, Tagapamagitan ng Lahat ng mga Biyaya (de Mediadora); Ang Birheng Maria, Ina ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus; Ang Pagpapakita ni San Miguel Arkanghel sa Bundok ng Gargano
- 15 Mayo: San Isidro Labrador at Kumpesor [minsa’y ipinagdiriwang sa 22 Marso o ‘di kaya’y 25 Oktubre]
- 16 Mayo: San Juan Nepomuceno Martir
- 22 Mayo: Santa Rita ng Cascia Balo
- 23 Mayo: San Juan Bautista de Rossi Kumpesor
- 24 Mayo: Ang Birheng Maria, Tulong ng mga Binyagan
- 30 Mayo: San Fernando, Hari at Kumpesor; Santa Juana ng Arc, Dalaga
- Sabado makalipas ang pista ng Pag-akyat nI Hesus sa Langit: Ang Birheng Maria, Reyna ng mga Apostol
- 9 Hunyo: Ang Birheng Maria, Ina ng Grasya (de Gracia)
- 13 Hunyo: San Antonio de Padua Kumpesor at Pantas ng Simbahan [takdang Misa]
- 16 Hunyo: San Juan Francisco Regis Kumpesor
- 27 Hunyo: Ang Ina ng Laging Saklolo; San Jose Cafasso Kumpesor
- 4 Hulyo: Paggunita sa Lahat ng Mga Banal na Santo Papa
- 6 Hulyo: Santa Maria Goretti Dalaga at Martir
- 9 Hulyo: Santa Veronica Giuliani Dalaga
- 19 Hulyo: San Vincente de Paul Kumpesor [takdang Misa]
- 21 Hulyo: San Lorenzo ng Brindisi Kumpesor at Pantas ng Simbahan [takdang Misa]
- Sabado bago ang IV na Linggo ng Hulyo: Birheng Maria, Ina ng Awa (de Merced)
- 1 Agosto: Ang Pagkakabilanggo ni San Pedro Apostol
- 3 Agosto: Ang Pagkakatagpo sa Labi ni San Esteban, Unang Martir
- 8 Agosto: San Juan Maria Vianney Kumpesor [takdang Misa]
- 11 Agosto: San Emigidio Obispo at Martir
- 13 Agosto: Ang Birheng Maria, Tanggulan ng mga Makasalanan
- 16 Agosto: San Roque Kumpesor
- 18 Agosto: Santa Elena Imperatriz at Balo
- 20 Agosto: San Bernardo Abad at Pantas ng Simbahan [takdang Misa]
- 28 Agosto: San Agustin, Obispo, Kumpesor, at Pantas ng Simbahan [takdang Misa]
- Sabado makalipas ang pista ni San Agustin: Ang Birheng Maria, Umaaliw sa Dusa (de Consolacion)
- Sabado bago ang huling Linggo ng Agosto: Ang Birheng Maria, Kagalingan ng mga Maysakit (de Salud)
- 4 Setyembre: Ang Birheng Maria, Ina ng Pastol Nating si Hesukristo (Divina Pastora); Santa Rosa ng Viterbo Dalaga
- 9 Setyembre: San Pedro Claver Kumpesor
- 15 Setyembre: Santa Caterina Fieschi Adorno Balo [minsa’y ipinagdiriwang sa 22 Marso, petsa ng kaniyang pagbabalik-loob sa Diyos]
- 26 Setyembre: Ss. Juan, Isaac, at mga kasamahan, Martir
- 1 Oktubre: San Gregorio, Patriarko ng Armenya at Martir
- 15 Oktubre: Santa Teresa Dalaga [takdang Misa]
- 23 Oktubre: Ang Kabanal-banalan Nating Manunubos, Ang Panginoong Hesukristo
- 4 Nobyembre: San Carlos, Obispo at Kumpesor [takdang Misa]
- 5 Nobyembre: Mga Mahal na Labi ng Mga Banal
- 13 Nobyembre: San Estanislao Kostka Kumpesor
- Sabado bago ang III Linggo ng Nobyembre: Ang Birheng Maria, de la Divina Providencia
- 24 Nobyembre: San Juan de Dios, Kumpesor at Pantas ng Simbahan [takdang Misa]
- 26 Nobyembre: San Leonardo ng Puerto Mauricio (Italya) Kumpesor
- 27 Nobyembre: Ang Birheng Maria, Medalla Milagrosa
Mga misa na hindi na isinama sa Misal
baguhinBatay sa De calendariis particularibus (tal. 32 & 33), ang sumusunod na mga pista na "ipinakilala sa noo’y Edad Medya sa pamamagitan ng pribadong pagdedebosyon tungo sa panglahatang pagsamba ng Santa Iglesia" ay ipinahintong ipagdiwang ng buong Simbahan, maliban kung may “tunay at malubhang dahilan” upang ito’y patuloy na ipagdiwang.
- Ang Paglipat ng Tahanan ng Mahal na Birheng Maria (ika-10 ng Disyembre)
- Ang Kabuwanan ng Mahal na Birheng (ika-18 ng Disyembre)
- Ang Pagkakasal ni Santa Mariang Birhen kay San Jose (ika-23 ng Enero)
- Ang Paglikas ng Panginoong Hesus sa Egipto (ika-17 ng Pebrero)
- Ang Pananalangin ng Panginoong Hesukristo sa Halamanan ng Getsemane (Martes makalipas ang Linggo ng Septuagesima)
- Paggunita sa Paghihirap ng ating Panginoong Hesukristo (Martes makalipas ang Linggo ng Sexagesima)
- Ang Banal na Koronang Tinik ng Panginoong Hesukristo (Biyernes makalipas ang Miyerkules ng Abo)
- Ang Banal na Sibat at mga Pako ng Panginoong Hesukristo (Biyernes makalipas ang I Linggo ng Kwaresma)
- Ang Banal na Linong Kayo ng Panginoong Hesukristo (Biyernes makalipas ang II Linggo ng Kwaresma)
- Ang Limang Sugat ng ating Panginoong Hesukristo (Biyernes makalipas ang III Linggo ng Kwaresma)
- Ang Kamahal-mahalang Dugo ng Panginoong Hesukristo (Biyernes makalipas ang IV Linggo ng Kwaresma)
- Ang Pusong Eucaristico ni Hesus (Huwebes makalipas ang noo’y Walong Araw na Pagdiriwang ng Corpus Christi)
- Paggunita sa Kababaang-loob ng Mahal na Birheng Maria (ika-17 ng Hulyo)
- Paggunita sa Kalinisan ng Mahal na Birheng Maria (ika-16 ng Oktubre)
Karagdagan dito ay inalis na sa lahat ng kalendaryo ng Simbahan ang pista ni Santa Filomena (ika-11 ng Agosto); subalit ito’y nananatili sa mga simbahan na nakapangalan sa kaniya at mga piling lugar na kung saa’y siya ay patuloy na dinarasalan ng binyagan, yayamang may pahintulot ng obispo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Pangkalahatang dekreto na Cum nostra ng Banal na Kalipunan sa Gawi sa Pagsamba
- ↑ "Decreto Cum sanctissima della Congregazione per la Dottrina della Fede circa la celebrazione liturgica in onore dei santi nella forma extraordinaria del Rito Romano, 25.03.2020" (sa wikang Ingles). Blg. B0184. Holy See Press Office. Bolletino. Marso 25, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ DiPippo, Gregory (Marso 25, 2020). "New Prefaces and Feasts for the EF Missal" (sa wikang Ingles). New Liturgical Movement.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)