Pansamantalang Lupong Bayan ng Hilagang Korea
Ang Pansamantalang Lupong Bayan ng Hilagang Korea (Koreano: 북조선림시인민위원회) ay ang pansamantalang pamahalaan ng Hilagang Korea noong Pebrero 8, 1946 hanggang Pebrero 21, 1947. Itinatag ito bilang tugon para sa pangangailangan ng Bayanhing Pangasiwaang Sobyet at mga komunista na magkaroon ng sentralisasyon ng kapangyarihan sa Hilagang Korea, na noo'y lugar na nahahati sa mga panlalawigang lupong bayan. Itinagurian bilang ang pinakamataas na tataging pampangasiwaan sa Hilagang Korea, naging de factong pansamantalang pamahalaan ito na nagsagawa ng mga reporma tulad ng mga reporma sa lupa at pagsasabansa ng mga pangunahing industriya. Hinalinhan ito ng Lupong Bayan ng Hilagang Korea.
Pansamantalang Lupong Bayan ng Hilagang Korea 북조선림시인민위원회 (Koreano)
| |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1946–1947 | |||||||||
Watawat ng Pansamantalang Lupong Bayan ng Hilagang Korea (kaliwa); Watawat ng Bayanhing Pangasiwaang Sobyet (kanan) | |||||||||
Katayuan | Pansamantalang Pamahalaan | ||||||||
Kabisera | Pyongyang | ||||||||
Wikang opisyal | Koreano | ||||||||
Relihiyon | Cheondoismo Shamanismo | ||||||||
Pamahalaan | Unitaryong Marxista–Leninistang pansamantalang pamahalaan | ||||||||
• Tagapangulo | Kim Il-sung | ||||||||
• Pangalawang Tagapangulo | Kim Tu-bong | ||||||||
Kasaysayan | |||||||||
• Pagkatatag ng Bayanhing Pangasiwaang Sobyet | 24 Agosto 1945 | ||||||||
• Pagkatatag ng Pansamantalang Lupong Bayan ng Hilagang Korea | 8 Pebrero 1946 | ||||||||
• Pagkatatag ng Lupong Bayan ng Hilagang Korea | 21 Pebrero 1947 | ||||||||
• Pagkatatag ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea | 9 Setyembre 1948 | ||||||||
Salapi | Yen ng Korea | ||||||||
| |||||||||
Bahagi ngayon ng | Hilagang Korea |