Ang isang pangalan o ngalan (tinatawag din na pansariling pangalan o buong pangalan) ay ang pangkat ng mga pangalan na kung saan nakikilala ang isang indibiduwal at maaring sabihin bilang isang parirala, na may pagkakaunawa na, kapag pinagsama, ito ay tumutukoy sa isang indibiduwal. Sa maraming kultura, kasingkahulugan ang katawagang ito sa pangalan sa kapanganakan o pangalang legal ng isang indibiduwal. Tinatawag na antroponimiya ang akademikong pag-aral ng pansariling pangalan.

Halos pangkalahatan ang pagkakaroon ng pangalan ng isang tao; ipinapahayag ng Kombensyon ng mga Karapatan ng Bata ng Mga Nagkakaisang Bansa na may karapatan ang isang bata ng magkaroon ng isang pangalan mula nang ipinanganak.[1]

Kayarian at pagkakaayos

baguhin

Karaniwang binubuo ang pangalan ng ibinigay na pangalan o apelyido. Sa ilang kalinangan, kinabibilangan din ito ng gitnang pangalan na karaniwang nilalagay sa pagitan ng ibinigay na pangalan at apelyido. May ilang mga kultura na walang gitnang pangalan tulad ng pangalang Koreano. Ang pagkakaayos ng buong pangalan ay magkakaiba depende sa kulturang pinagmulan. Sa Kanluraning mundo o mga lugar na naimpluwensiya ng Kanluran (tulad ng Hilaga at Timog Amerika; Timog, Silangan, Gitna at Kanlurang Indya, Australya, New Zealand at Pilipinas), ang pagkakaayos ng pansariling pangalan ay ibinigay na pangalan, pangalan ng angkan. Karamihan sa Silanganing mundo, ang pagkakaayos ng pansariling pangalan ay pangalan ng angkan, ibinigay na pangalan.

Pansariling pangalan ng di-tao

baguhin

Bukod sa taksonomiya ni Carl Linnaeus, may mga ilang tao ang nagbibigay ng pangalan sa mga hayop at halaman, kadalasan dahil sa pagpapakita ng pagmamahal.

Pangalan ng alagang hayop

baguhin

Kadalasang sumasalamin ang pangalan ng alagang hayop sa pagtingin ng may-ari sa kanilang hayop, at ang mga inaasahan sa kanilang pagsasama.[2][3] Sinasabing nagbibigay ng pahintulot sa mga mananaliksik sa laboratoryo na alamin ang pagkakaiba sa ontolohiya ng kanilang alagang hayop at ng mga walang pangalang hayop na gamit nila sa laboratoryo kapag binbigyan nila ng pangalan ang kanilang alagang hayop.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Teksto ng Kombensyon ng mga Karapatan ng Bata (sa Ingles)
  2. The complete idiot's guide to pet psychic communication, Debbie McGillivray, Eve Adamson, Alpha Books, 2004, ISBN 1-59257-214-6, ISBN 978-1-59257-214-4 (sa Ingles)
  3. Adopting a Pet For Dummies Pahina 10, ni Eve Adamson (sa Ingles)
  4. Proper names and the social construction of biography: The negative case of laboratory animals[patay na link], Mary T. Phillips, Qualitative Sociology, Volume 17, Number 2, SpringerLink (sa Ingles)