Saranggola

(Idinirekta mula sa Papagayo (saranggola))

Ang saranggola[1] ay isang laruan na pinalilipad na karaniwang gawa sa maninipis na patpat na kawayan bilang balangkas at sinapnan ng papel o manipis na tela. Tinatawag din itong bulador[1][2] o burador.

Isang saranggolang Intsik.

Mga uri ng saranggola

baguhin

Ilan lamang ito sa mga uri ng saranggola:

  1. boka-boka
  2. guryon[1][3]
  3. tsapi-tsapi o sapi-sapi[1]
  4. de-kahon
  5. bandera
  6. portagis
  7. de-baso
  8. papagayo - saranggolang kahugis ng ibon.[1]
  9. fighter

Awitin

baguhin

Sa Pilipinas, isang tanyag na awit tungkol sa saranggola ang Saranggola ni Pepe na kinanta at pinasikat ni Celeste Legaspi.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 English, Leo James (1977). "Saranggola". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mula sa Kastilang volador
  3. Mula sa Kastilang gorrion na nangangahulugang sparrow sa Ingles, o maya

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.