Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan

Ang Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan (GSIS) (Inggles: Government Service Insurance System) ay isang ahensiya ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas na namamahala ng mga seguro ng mga naglilingkod sa pamahalaan.

Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan
Government Service Insurance System
Ang logo ng Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan
Buod ng Ahensya
Pagkabuo15 Nobyembre 1936
KapamahalaanPamahalaan ng Pilipinas
Punong himpilanAbenida Macapagal, Sentrong Pananalapi, Lungsod ng Pasay, Pilipinas
Kasabihan/mottoKahit saan, Kahit kailan...Maaasahan
Empleyado3,104
Tagapagpaganap ng ahensiya
Websaytwww.gsis.gov.ph

Ito ay nilikha ng Batas Komonwelt Blg. 186 na ipinasa noong 14 Nobyembre 1936 na inatasang magkaloob at mamahala sa mga sumusunod na benepisyong segurong panlipunan para sa mga manggagawa sa pamahalaan: sapilitang pagkakaroon ng seguro, di-sapilitang pagkakaroon ng seguro, mga benepisyo ng pagreretiro, mga benepisyong pangkapansanan para sa pasumala na may kaugnayan sa hanapbuhay at mga benepisyo ng mga namatay.[1]

Bukod pa rito, ang GSIS ay ipinagkakatiwalaan na may pamamahala sa Pangkalahatang Pondo sa Seguro mula sa kabutihang-loob ng Batas Republika Blg. 656, na kinikilalang Batas sa Segurong Pang-ari-arian. Nagkakaloob ito ng sakop ng seguro sa mga pag-aari at mga ari-arian na may malasegurong interes mula sa pamahlaan.

Organisasyon

baguhin

Ang namamahala at gumagawa ng mga patakaran ng GSIS ay ang Lupon ng mga Katiwala, kung saan ang mga kasapi ay itinalaga ng Pangulo ng Pilipinas.[2] Ang GSIS ay binubuo ng mga 3,104 na manggagawa, 52 bahagdan ng kabuuan ng bilang ay nasa Punung Tanggapan habang ang 48 bahagdan ay nasa sa mga Sangay.

Sa kasalukuyan, may 40 sangay at 78 buntabay na tanggapan sa buong bansa. Ito ay isinasapananaw na ang kabalagang paglilingkod ng Sistema na itutuloy ang paglaki bilang institusyon na maisagawa upang ipagkaloob ang mga tanggapan ng sangay sa bawat lalawigan kung saan naririyan ang mga nasa pinakamababa ng 15,000 aktibong kasapi.

Mga gawain

baguhin

Ang GSIS ay may mga gawain na mga sumusunod:[3]

  • Kinikilala at nagbibigay sa tamang panahon ang lahat ng mga ari-arian ng pamahalaan at proyekto na may angkop ng matinding pagsusuri at karampatang seguro sa pamamagitan ng mga mabisang istratehiya at mga taktikang hinggil sa operasyon
  • Kumakandili sa lahat ng panahon ang mga tamang halaga, mga patakaran at kundisyon, mga hugnay at warantiya sa lahat ng mga negosyong pantaripa at di-pantaripa;
  • Isinasaayos ang lahat ng mga makatwirang angkin na may katinuan at na nasa loob ng natukuyang hangganan ng panahon at mga pamantayang may-uri.
  • Nagseseguro nang muli ang tamang halaga na may matatag at kapani-paniwalang tagapagseguro sa nararapat na panahon; at
  • Naglalagom ng lahat ng mga salapi na nararapat sa Pondong Seguro ng Pamahalaan na ang mga ito ay nagiging bagay na dapat nang bayaran at kinakailangan.

Mga kapangyarihan at pangangasiwa

baguhin
 
Ang punung-tanggapan ng GSIS

Ang GSIS ay nabigyan ng kapangyarihan at mangasiwa sa mga sumusunod:[4]

  • gamitin sa mga negosyo at operasyon sa lahat ng uri ng seguro at muling-pagseguro at lahat ng mga ibang anyo ng mga pinagkakaabalahan upang magbayad-pinsala sa mga tao o ari-arian laban sa pagkawala, pinsala, o pananagutan, kasama ang ikatlong panig ng pananagutan, na nagmula sa mga pangyayaring di-nalalaman o maaaring mangyari;
  • muling magseguro na may o tanggapin ang muling-pagseguro mula sa mga kompanyang seguro at muling-pagseguro sa Pilipinas at sa ibang bansa;
  • magpalabas ng mga patakaran na napapangalanan sa anumang pananalaping panlabas;
  • magpalabas ng mga garantiya at/o tanikalang paggawa sa Piso ng Pilipinas at/o sa anumang pananalaping panlabas;
  • magseguro ng lahat ng mga malasegurong pag-aari na naghahain bilang mga kolateral para sa mga pautang na pinalawak ng institusyong pananalapi ng pamahalaan; at
  • magbahagi sa mga pamahalaan ng anumang subi na maaaring itong ihayag mula sa mga operasyon ng Pondo.

Sanggunian

baguhin
  1. "About the GSIS". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-22. Nakuha noong 2008-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Organization of GSIS". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-22. Nakuha noong 2008-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Functions of GSIS
  4. Powers and Authority of GSIS

Tingnan din

baguhin

Mga panlabas na kawing

baguhin