Pagpapasya

(Idinirekta mula sa Pasiya)

Sa sikolohiya, ang pagpapasya (Ingles: decision making) ay maituturing bilang isang prosesong kognitibo na nagreresulta sa pagpili ng isang paniniwala o kurso ng kilos mula sa ilang mga kapalit o alternatibong mga eksena. Bawat proseso ng pagdesisyon ay nakagagawa ng isang huli o hindi na mababago pang pagpili,[1] na maari o hindi maaring may maagap na aksiyon. Ang kinalabasan ay maaaring isang galaw o aksiyon o kaya isang napiling opinyon.

Isang flowchart (o tsart na daloy) na kinakatawan ang isang paggawa ng pasya kapag kinakaharap ang isang bombilya na ayaw umilaw.

Maaring makatuwiran o hindi makatuwiran ang paggawa ng pasya. Isang proseso ng pangangatuwiran ang proseso ng pagpapasya na nakabatay sa pagpapalagay ng pagpapahalaga, kagustuhan, at paniniwala ng gumawa ng pasya[2] Nakalathala din ang pananaliksik tungkol sa paggawa ng desisyon sa ilalim ng markang paglutas ng suliranin, partikular sa pananaliksik pangsikolohiya sa Europa.[3]

Pangkalahatang ideya

Itinuturing ang pagpapasya bilang isang aktibidad sa paglutas ng suliranin na nagdudulot ng isang solusyon na ipinapalagay na pinakamainam, o kaya'y kasiya-siya man lamang. Samakatuwid, isa itong proseso na humigit-kumulang makatuwiran o hind makatuwiran at nakabatay sa tahasan o hindi ipinapahayag na kaalaman at mga paniniwala. Kadalasang ginagamit ang hindi ipinapahayag na kaalaman upang punan ang mga puwang sa komplikadong mga proseso ng paggawa ng desisyon.[4] Kadalasan, ang parehong uri ng kaalaman na mga ito, ang hindi ipinapahayag at tahasan, ay ginagamit ng magkasama sa proseso ng pagdedesisyon.

Sumailalim ang pagsasagawa ng tao sa aktibong pananaliksik mula sa ilang pananaw:

  • Pangsikolohiya: sinusuri ang indibiduwal na mga pasya sa konteksto ng isang grupo ng mga pangangailangan, kagustuhan, at pagpapahalaga na mayroon o hinahanap ng indibiduwal.
  • Kognitibo: itinuturing ang proseso ng pagpapasya bilang isang patuloy na proseso ng nakasama sa interkasyon sa kapaligiran.
  • Normatibo: ang pagsusuri ng indibiduwal na mga desisyon na may kaugnayan sa lohika ng pagpapasya, o komunikatibong rasyonalidad, at ang hindi nagbabagong pagpili na hahantungan nito.[5]

Mga sanggunian

  1. James Reason (1990). Human Error (sa wikang Ingles). Ashgate. ISBN 1840141042.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Herbert Alexander Simon (1977). The New Science of Management Decision (sa wikang Ingles). Prentice-Hall. ISBN 9780136161448.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Frensch, Peter A.; Funke, Joachim, mga pat. (1995). Complex problem solving: the European perspective (sa wikang Ingles). Hillsdale, NJ: Lawrence Erlbaum Associates. ISBN 978-0805813364. OCLC 32131412.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Brockmann, Erich N.; Anthony, William P. (Disyembre 2016). "Tacit knowledge and strategic decision making". Group & Organization Management (sa wikang Ingles). 27 (4): 436–455. doi:10.1177/1059601102238356. S2CID 145110719.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Kahneman, Daniel; Tversky, Amos, mga pat. (2000). Choices, values, and frames (sa wikang Ingles). New York; Cambridge, UK: Russell Sage Foundation; Cambridge University Press. p. 211. ISBN 978-0521621724. OCLC 42934579.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)