Paulo Campos
Hindi sapat ang kontekstong binibigay ng artikulong ito para sa mga hindi pamilyar sa paksa. Tumulong pagbutihin ang artikulo sa pamamagitan ng mabuting istilo ng panimula. |
Si Paulo C. Campos (1921 – 2007 ) ay kilala bilang Ama ng Medisinang Nukleyar. Siya rin ay kilala dahil sa kanyang kontribusyon sa pananaliksik sa sakit na goiter. Siya ang utak sa pagkakatayo ng radioscope laboratory, research laboratory at klinika para sa goiter sa Pilipinas. Sa kanyang paglathala ng iba't-ibang sulatin ukol sa sakit na goiter, siya ay pinarangalan bilang Pambansang Siyentipiko noong 1988.
Paulo Campos | |
---|---|
Kapanganakan | 27 Hulyo 1921
|
Kamatayan | 2 Hunyo 2007
|
Mamamayan | Pilipinas |
Nagtapos | Harvard Medical School Pamantasang Johns Hopkins Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Medisina ng Unibersidad ng Pilipinas |
Trabaho | manggagamot |
Ipinanganak siya sa Dasmariñas, Cavite noong Hulyo 27, 1921. Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1945, sa Johns Hopkins School of Medicine (1953), at sa Oakridge Institute of Medicine (1958).
Nakapagsilbi bilang Chairman ng National Research Council ng Pilipinas (1981-1984) at ng National Academy of Science and Technology (1978 - 1989).
Ang kanyang pag-aaral na pinamagatan niyang "The Genetic Factor in Endemic Goiter" ay naipresenta sa Lungsod ng Mexico na kung saan siya ay binigyan siya ng nominasyon ng International Atomic Energy Agency para sa isang Nobel Prize taong 1970.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.