Pentaquark
Ang pentaquark ay isang hipotetikal na subatomikong partikulo na binubuo ng apat na quark at isang antiquark na magkabigkis(kumpara sa tatlong mga quark sa normal na mga baryon. Dahil sa ang mga quark ay may isang bilang ng baryon na −1⁄3, ito ay magkakaroon ng isang kabuuang bilang ng baryon na 1 kaya ito ay inuuri bilang isang eksotikong baryon. Ang eksitensiya ng mga pentaquark ay orihinal na iminungkahi ni Michał Praszałowicz noong 1987.[1]
Ang ilang mga eksperimento ay nag-ulat ng eksistensiya ng mga estadong pentaquark noong gitna nang 2000 ngunit ang mga kalaunang eksperimento at muling analisis ng datos ay nagpakitang ang mga ito ay mga epektong estadistikal kesa sa tunay na resonansiya.
Kasaysayan
baguhinNoong gitna ng 2000, ang ilang mga eksperimento ay nag-angkin na naghayag ng mga estadong pentaquark. Sa partikulo, ang resonansiya na may masang 1540 MeV/c2 (4.6 σ) ay iniulat ng LEPS nong 2003, ang Θ+.[2] Ito ay sumabay sa isang estadong pentaquark na may masang 1530 MeV/c2 na hinulaan noong 1997 nina Dmitri Diakonov, Victor Petrov, at Maxim Polyakov.[3]
Ang estadong ito ay ipinagpalagay na binubuo ng dalawang mga taas na quark, dalawang babang quark at isang kakaibang antiquark (uudds). Kasunod ng anunsiyong ito, ang siya na iba pang mga independiyenteng eksperimento ay nag-ulat na nakakita ng makitid na rurok mula nK+ at pK0 na may mga masa sa pagitan ng 1522 MeV/c2 at 1555 MeV/c2 na ang lahat ay higit sa 4 σ.[2] Bagaman ang mga pagkabahala ay umiiral tungkol sa balidad ng mga estadong ito, ang Particle Data Group ay nagbigay sa Θ+ ng isang 3-bituing grado(rating)(mula sa apat) noong 2004 Review of Particle Physics.[2] Ang dalawa pang ibang mga estadong pentaqurak ay iniulat bagaman may mababang kahalagahang estadistikal— ang Φ−− (ddssu na masang 1860 MeV/c2 at ang Θ0c (uuddc), na may masang 3099 MeV/c2. Ang parehong ito ay kalaunang natagpuan mga epektong estadistikal kesa sa tunay na mga resonansiya.[2]
Ang sampung mga eskperimento ay tumingin naman para sa Θ+ ngunit walang nakita.[2] Ang dalawa sa partikular(ang isa saBELLE, at ang isa sa CLAS) ay halos may parehong mga kondisyon gaya ng iba pang mga eksperimento na nag-angking nakadetekta ng Θ+ (ang DIANA at SAPHIR).[2] The 2006 Review of Particle Physics concluded:[2]
Walang mataas na estadistikang konpirmasyon ng anumang mga orihinal na eksperimentong nag-angking nakakita ng Θ+; mayroon dalawang mataas na estadistikang pag-ulit mula sa Jefferson Lab na maliwanag na nagpakitang ang orihinal na positibong mga pag-aangkin sa dalawang mga kasong ito ay mali; mayroon isang bilang ng mga mataas na estadistikang eksperimento na wala sa mga ito ang nakahanap ng anumang ebidensiya para sa Θ+; at ang lahat ng mga pagtatangka upang kumpirmahin ang dalawa pang ibang mga estadong pentaquark ay tumungo sa negatibong mga resulta. Ang konklusyon na ang mga pentaquark sa pangkalahatan at ang Θ+ sa partikular ay hindi umiiral ay lumalabas na nakapipilit.
Sa kabila ng mga kawalang resultang ito, ang mga resulta ng LEPS magmula noong 2009[update] ay patuloy na nagpapakita ng eksistensiya ng isang makitid na estado na may masang 1524±4 MeV/c2 na may kahalagahang estadistikal na 5.1 σ.[4] Experiments continue to study this controversy.
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- ↑ M. Praszałowicz (1987). M. Jeżabek, M. Praszałowicz (pat.). Proceedings of the Workshop on Skyrmions and Anomalies, Krakow, Poland, 1987. World Scientific. p. 112. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-09. Nakuha noong 2012-03-31.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6
W.-M. Yao et al. (Particle Data Group) (2006). "Review of Particle Physics: Θ+" (PDF). Journal of Physics G. 33: 1. arXiv:astro-ph/0601168. Bibcode:2006JPhG...33....1Y. doi:10.1088/0954-3899/33/1/001.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
D. Diakonov; V. Petrov; M. Polyakov (1997). "Exotic anti-decuplet of baryons: prediction from chiral solitons". Zeitschrift für Physik A. 359 (3): 305. arXiv:hep-ph/9703373. Bibcode:1997ZPhyA.359..305D. doi:10.1007/s002180050406.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
T. Nakano et al. (LEPS Collaboration) (2009). "Evidence of the Θ+ in the γd → K+K−pn reaction". Physical Review C. 79 (2): 025210. arXiv:0812.1035. Bibcode:2009PhRvC..79b5210N. doi:10.1103/PhysRevC.79.025210.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Karagdagang babasahin
baguhin- David Whitehouse (1 Hulyo 2003). "Behold the Pentaquark (BBC News)". BBC News. Nakuha noong 2010-01-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Hazel Muir (2 Hulyo 2003). "Pentaquark discovery confounds sceptics". New Scientist. Nakuha noong 2010-01-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Kenneth Hicks (23 Hulyo 2003). "Physicists Find Evidence for an Exotic Baryon". Ohio University. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-11. Nakuha noong 2010-01-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Thomas E. Browder; Igor R. Klebanov; Daniel R. Marlow (2004). "Prospects for Pentaquark Production at Meson Factories". Physics Letters B. 587: 62. arXiv:hep-ph/0401115. Bibcode:2004PhLB..587...62B. doi:10.1016/j.physletb.2004.03.003.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Akio Sugamoto (2004). "An Attempt to Study Pentaquark Baryons in String Theory". arXiv:hep-ph/0404019.
{{cite arXiv}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Kenneth Hicks (2005). "An Experimental Review of the Θ+ Pentaquark". Journal of Physics: Conference Series. 9: 183. arXiv:hep-ex/0412048. Bibcode:2005JPhCS...9..183H. doi:10.1088/1742-6596/9/1/035.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Mark Peplow (18 Abril 2005). "Doubt is Cast on Pentaquarks". Nature. doi:10.1038/news050418-1.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Maggie McKie (20 Abril 2005). "Pentaquark hunt draws blanks". New Scientist. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-04. Nakuha noong 2010-01-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Jefferson Lab (21 Abril 2005). "Is It Or Isn't It? Pentaquark Debate Heats Up". Space Daily. Nakuha noong 2010-01-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Dmitri Diakonov (2005). "Relativistic Mean Field Approximation to Baryons". European Physical Journal A. 24: 3. Bibcode:2005EPJAS..24a...3D. doi:10.1140/epjad/s2005-05-001-3.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Kandice Carter (2006). "The Rise and Fall of the Pentaquark" (PDF). Symmetry Magazine. 3 (7): 16. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-06-11. Nakuha noong 2012-03-31.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)