Ang babang quark (Ingles: down quark o d quark mula sa simbolong d) ang ikalawang pinaka-magaan sa lahat ng mga quark na isang uri ng elementaryong partikulo at pangunahing konstituente ng materya. Ito, kasama ng taas na quark ay bumubuo ng neutron(isang taas na quark, dalawang babang quark) at proton(dalawang taas na quark, isang babang quark) ng atomikong nukleyus. Ito ay bahagi ng unang henerasyon ng materya, may elektrikong karga na −13 e ant isang bare na masa na 4.1–5.7 MeV/c2.[1] Tulad ng lahat ng mga quark, ang babang quark ay isang elementaryong fermion na may ikot-12, at dumaranas ng lahat ng apat na pundamental na interaksiyon: grabitasyon, elektromagnetismo, mahinang interaksiyon, at malakas na interaksiyon. Ang antipartikulo ng babang quark ang babang antiquark(Ingles: down antiquark na minsang tinatawag naantidown quark o simpleng antidown) na iba lamang dito sa dahilang ang ilan sa mga katangian nito ay may katulad na magnitudo ngunit kabaligtarang senyas. Ang eksistensiya nito(gayundin ng taas na quark at kakaibang quark) ay pinostula noong 1964 nina Murray Gell-Mann at George Zweig upang ipaliwanag ang Eightfold Way na klasipikasyong skema ng mga hadron. Ang babang quark ay unang napagmasdan ng mga eksperimento sa Stanford Linear Accelerator Center noong 1968.

Babang quark
KomposisyonElementaryong partikulo
EstadistikaFermioniko
HenerasyonUna
Mga interaksiyonMalakas na interaksiyon, mahinang interaksiyon, Elektromagnetismo, Grabidad
Simbolod
AntipartikuloBabang antiquark (d)
Nag-teorisaMurray Gell-Mann (1964)
George Zweig (1964)
NatuklasanSLAC (1968)
Masa4.1-5.7 MeV/c2[1]
Nabubulok saUp quark
Elektrikong karga13 e
Kargang kulayYes
Ikot12
Mahinang isospinLH: −12, RH: 0
Mahinang hyperkargaLH: 13, RH: −23

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 K. Nakamura et al. (Particle Data Group) (2011). "PDGLive Particle Summary 'Quarks (u, d, s, c, b, t, b', t', Free)'" (PDF). Particle Data Group. Nakuha noong 2011-08-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)