Ang taas na quark (Ingles: up quark o u quark mula sa simbolong u) ang pinaka-magaan sa lahat ng mga quark na isang uri ng elementaryong partikulo at pangunahing konstituente ng materya. Ito, kasama ng babang quark ay bumubuo ng mga neutron(isang taas na quark at dalawang babang quark) at mga proton(dalawang taas na quark, isang babang quark) ng modelong atomiko. Ito ay bahagi ng unang henerasyon ng materya, may elektrikong karga na +2⁄3 e at isang bare na masang 1.5–3.3 MeV/c2. Tulad ng lahat ng mga quark, ang taas na quark ay isang elementaryong fermion na may ikot -12 at dumadanas ng lahat ng apat na pundamental na interaksiyon: grabitasyon, elektromagnetismo, mahinang interaksiyon at malakas na interaksiyon. Ang antipartikulo ng taas na quark ang taas na antiquark(minsang tinatawag na antiup quark o simpleng antiup) na iba lamang dito sa dahilang ang mga katangian nito ay may katumbas na magnitudo ngunit kabaligtarang senyas. Ang katangian nito ay pinostula(gayundin din ng babang quark at kakaibang quark) noong 1964 nina Murray Gell-Mann at George Zweig upang ipaliwanag ang Eightfold Way na klasipikasyong skema ng mga hardon. Ang taas na quark ay unang napagmasdang ng mga eksperimento sa Stanford Linear Accelerator Center in 1968.

Taas na quark
KomposisyonElementaryong partikulo
EstadistikaFermioniko
HenerasyonUna
Mga interaksiyonMalakas na interaksiyon, Mahinag interaksiyon, Elektromagnetismo, Grabidad
Simbolou
AntipartikuloUp antiquark (u)
Nag-teorisaMurray Gell-Mann (1964)
George Zweig (1964)
NatuklasanSLAC (1968)
Masa1.7 - 3.1 MeV/c2[1]
Nabubulok saStable
Elektrikong karga+23 e
Kargang kulayYes
Ikot12
Mahinang isospinLH: +12, RH: 0
Mahinang hyperkargaLH: +13, RH: +43

Sanggunian

baguhin
  1. K. Nakamura et al. (Particle Data Group) (2011). "PDGLive Particle Summary 'Quarks (u, d, s, c, b, t, b', t', Free)'" (PDF). Particle Data Group. Nakuha noong 2011-08-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)