Ang peritonyo o peritonyum (Ingles: peritoneum; Kastila: peritoneo) ay ang membrano, lamad, bamban, o saplot na bumabalot sa kabuoan ng mga laman-loob (mga viscera sa Ingles) na nasa loob ng puson ng katawan ng tao o hayop.[1] Ito ang malambot na saping gumuguhit sa mga laman-loob na nakalagak sa loob ng butas ng puson. Nakakalat din ang peritonyo sa mga kapatagan ng lahat ng mga organo upang magsilbing pamigil ng pagkikiskisan ng mga ito. Malayang nakakagalaw ang mga organo kahit magkakatabi dahil sa peritonyo. Bagaman masalimuot na lamad, isa itong mahalagang kayarian sa loob ng puson.[2]

Paglalarawan

baguhin

Humuhubog ito ng isang saradong supot maliban na lamang sa isang bukas na bahagin ng tubong Fallopiano ng mga babae. Mula sa panlikod na dingding ng puson at sahig ng balakang (pelvis), tumutulak ang mga organo paharap patungo sa supot na ito, na nagiging sanhi ng pagkapuno ng supot na ito, lalo na ang mga bituka kung saan nabubuo ang mesenteryo. Hindi tinatablan ng impeksiyon ng panlabas na kapatagan ng peritonyo, kaya't iniiwasang hiwain ito sa panahon ng isang siruhiya. Tinatawag na peritonitis ang pamamaga ng peritonyo, na maaaring malubha, pangmatagalan o paulit-ulit, at pangkabuoan o nasa isang pook lamang ng peritonyo.[2]

Sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Peritoneum - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Peritoneum". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 2 at 574-575.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.