Perla Garcia
Si Perla Garcia ay isang artistang Pilipino na nakilala bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Una siyang gumanap sa isang pelikulang musical na Balatkayo na gawa ng Sampaguita Pictures. Lumipat siya sa Filippine Pictures gumanap sa musical na Binibiro Lamang Kita at sa X'Otic Pictures naman sa komedya na Manilena.
Perla Garcia | |
---|---|
Kapanganakan | Felizia Carvajal Garcia November 14, 1925 |
Kamatayan | November 14, 1962 |
Pagkaraan ng digmaan, taong 1947, kinuha siya ni Manuel Conde upang maging kapareha sa pelikulang Si Juan Tamad sa ilalim ng Manuel Conde Productions at sa pelikulang drama na Meme na Bunso ng Panay Negros Pictures.
Taong 1962 ng siya ay mamatay at matapos pa ang pelikulang Sipag ay Yaman ng LVN Pictures kung saan pinagbidahan ni Carmen Rosales. Ito na rin ang kanyang huling pelikula.
Pelikula
baguhin- 1941 -Balatkayo
- 1941 -Binibiro Lamang Kita
- 1941 -Manilena
- 1947 -Si Juan Tamad
- 1948 -Meme na Bunso
- 1949 -Sipag ay Yaman
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.