Peryodismong tagapagbantay
Ang peryodismong tagapagbantay (sa Ingles: watchdog journalism) ay ipinababatid sa publiko ng ang mga kaganapan sa mga institusyon at sa lipunan, lalo na sa mga pagkakataon kung saan makabuluhang bahagi ng publiko ang nanghihingi ng mga pagbabago bilang tugon. Maaaring kabilang dito ang:
- Pagsuri ng mga pahayag ng mga pampublikong opisyal
- Pakikipanayam sa mga kilalang personalidad at hamunin sila sa mga suliranin o mga alalahanin
- Beat reporting o pag-uulat ayon sa ispesipikong "beat" o pagtalaga upang magkalap ng impormasyon mula sa mga pulong na maaaring hindi dinadaluhan ng publiko, at magmasid "on the ground" o nang lapat sa kinakatayuan sa mas malawak na lipunan
- Investigative journalism o peryodismong nagsisiyat o umuusisa, kabilang ang pagkalap ng impormasyon para sa isang istorya sa loob ng mahabang panahon
Tulad ng isang literal na asong bantay na tumatahol sa tuwing may napapansin itong entremetido o tagalabas, nagsisilbing taga-alerto ang isang "watchdog" kapag may problema itong natutukoy. Karaniwang mga paksa nito ang pamamaraan ng pagbuo ng desisyon sa pamahalaan, ipinagbabawal na gawain, imoralidad, mga usaping patungkol sa proteksyon ng mga mamimili, at unti-unting pagkasira ng kalikasan.
Matatagpuan ang peryodismong "watchdog" sa iba't ibang uri ng medya na pambalita, tulad ng radyo, telebisyon, Internet at imprenta kung saan kinikilala ito bilang "isang natatanging lakas ng mga pahayagan", at ng karagdagang bagong medya at mga konsepto tulad ng mga weblog at citizen journalism o peryodismong pangmamayanan. Ang mga peryodistang tagapagbantay ay tinatawag ding mga "tanod", “ahente ng panlipunang kontrol", o "tagapag-alaga ng moralidad".