Pierre de Coubertin

Si Pierre de Frédy, Baron de Coubertin (1 Enero 1863 – 2 Setyembre 1937) ay isang Pranses na guro at mananaliksik ng kasaysayan na kinilala nang lubos bilang tagapagtatag ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko.

Pierre de Coubertin
Pierre de Frédy, Baron de Coubertin
Kapanganakan1 Enero 1863
Kamatayan2 Setyembre 1937(1937-09-02) (edad 74)
LibinganAng kanyang puso ay nakahimlay sa Olimpiya sa Gresya.
NasyonalidadPranses
TrabahoPangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko
Kilala saTagapagtatag ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko
TituloBaron
SinundanDemetrius Vikelas
SumunodHenri de Baillet-Latour
MagulangCharles Louis de Frédy at Agathe-Gabrielle de Mirville
Websitehttp://www.olympic.org/

Talambuhay

baguhin

Isinilang sa Paris sa aristokratikong pamilya, ang ikaapat na anak nina Charles Louis de Frédy and Agathe-Gabrielle de Mirville.

Si De Coubertin ay nakilala sa pamamagitan sa kanyang mga pagdalaw sa mga dalubhasaan at pamantasang Britano at Amerikano, at tinitiyak upang mapaunlad ang edukasyon sa Pransiya. Naniniwala siya na ang bahagi ng pag-unlad ay ang edukasyon sa palakasan, na itinuturing niyang bilang mahalagang bahagi ng pansariling kaunlaran ng kabataan. Siya ay nawiwili sa ragbi at naging tagapamagitan ng unang kampeonatong Pranses sa huling laro ng unyong ragbi noong 20 Marso 1892 sa pagitan ng Racing Club de France at Stade Français.

Palarong Olimpiko

baguhin

Hinangaan at tinularan ni De Coubertin si Dr William Penny Brookes, na pinagsama sa isang pambansang pagpapalaganap ng Olimpiko ng Palarong Olimpiko sa Mga Nagkakaisang Estado. Pinaunlad ni De Coubertin ang ideya ni Dr. Brookes ukol sa paligsahan ng pandaigdigang atletika. Kinilala niya ang paglaki ng pandaigdigang kapakanan sa sinaunang Olimpiko, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng makabagong Palarong Olimpiko sa Gresya at Mga Nagkakaisang Kaharian, at sa mga nakitang pang-arkaeolohiya sa Olimpiya. Nagpasiya si De Coubertin na magtatag ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko.

Upang ipahayag sa publiko ang mga planong ito, isinaayos niya ang pandaigdigang konggreso noong 23 Hunyo 1894 sa Sorbonne sa Paris. Doon iminungkahi niya ang muling pagpapalaganap ng sinaunang Palarong Olimpiko. Ang konggreso ay napatiuna sa pagtatag ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC), na kung saan naging pangkalahatang kalihim si De Coubertin. Napasiya rin na ang unang Olimpiko na itinatag ng IOC ay gaganapin sa Atenas, Gresya at ang mga susunod ay gaganapin tuwing apat na taon. Ang Palarong ito na napatunayang tagumpay ay nagpasalamat sa mga unang kusa ng pilantropong Griyego na si Evangelos Zappas na binayaran niya ukol sa pagsasaayos muli ng sinaunang Panatiniyanong Istadyum para sa unang makabagong pagpapalaganap muli ng Palarong Olimpiko. Hinalili ni De Coubertin ang pagkapangulo ng IOC nang bumaba si Demetrius Vikelas sa tungkulin pagkatapos ng Olimpiko sa kanyang bansa.

Sa kabila ng panimulang tagumpay, naranasan ng Kilusang Olimpiko ang paghihirap, tulad ng Palarong 1900 (sa lupang tinubuan ni De Coubertin sa Paris) at Palarong 1904 kung saan nasapawan ang mga ito ng mga Pandaigdigang Perya, at nakatanggap ng kaunting pansin.

Binuhay muli ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1906 ang momentum, at lumaki ang Palarong Olimpiko na naging pinakamahalagang kaganapan sa palakasan. Nilikha ni De Coubertin ang makabangong pentatlon para sa Olimpikong 1912, at kasunod ay bumaba mula sa tungkuling bilang pangulo ng IOC pagkatapos ng Olimpikong 1924 sa Paris, na napatunayang higit na matagumapay kaysa sa unang tangka sa lungsod ding iyon noong 1900. Siya ay napalitan bilang pangulo kay Henri de Baillet-Latour isang Belhikano.

 
Ang bantayog sa Lusana

Nananatili si De Coubertin bilang Pangulong Pamparangal ng IOC hanggang sa kanyang kamatayan noong 1937 sa Geneva, Suwesya. Siya ay nakahimlay sa Lausanne (ang kinasasadlakan ng IOC), bagama't ang kanyang puso ay nakahimlay nang hiwalay sa bantayog malapit sa mga naguho ng sinaunang Olimpiya.

Iskawting

baguhin

Noong 1911, dalawang interrelihiyosong organisasyon ng Iskawting ay itinatag sa Pransiya: ang Éclaireurs de France (EdF) ni Nicolas Benoit at ang Éclaireurs Français (EF) ni Pierre de Coubertin. Pagkatapos, ang mga organisasyong ito ay pinagsanib upang makabuo ang Éclaireuses et Éclaireurs de France.

Pamana

baguhin

Ang medalya ni Pierre de Coubertin (kinikilala rin bilang medalyang De Coubertin o ang medalyang Tunay na Diwa ng Mabuting Pakikipaglaro) ay isang gawad na ibinibigay ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko sa mga manlalaro na nagpapatunghay ang diwa ng mabuting pakikipaglaro ng Palarong Olimpiko.

Ang medalya ni Pierre de Coubertin ay itinuturing ng mga maraming manlalaro at tagamasid na pinakamalaking gawad na natatanggap ng mga manlalarong Olimpiko, higit pa sa gintong medalya. Itinuturing ito ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko bilang pinakamataas na parangal.

Isang maliit na planetang 2190 Coubertin na natuklasan noong 1976 ng dalubtalang Sobyet na si Nikolai Stepanovich Chernykh ay ipinangalan bilang parangal sa kanya.[1]

Ang Olimpikong Istadyum (Montreal) (Stade olympique sa wikang Pranses) ay nasa 4549 Daang Pierre de Coubertin sa Montreal, Quebec

Mga kasabihan

baguhin

Ang tanyag na kasabihan, na kasalukuyang kilalang kawikaang pranses:

L'important n'est pas de gagner, mais de participer.

Di-mahalagang magwagi, subali't maging bahagi.

Karagdagang babasahin

baguhin
  • John J Macaloon, This Great Symbol. Pierre de Coubertin and the Origins of the Modern Olympic Games, Univ. of Chicago Press, 1981, Bagong Edisyon: Routledge 2007
  • International Journal of the History of Sport, Tomo 23 Isyu 3 & 4 2006 -Ang Dakilang Sagisag na Ito: Si Pierre de Coubertin at ang mga simula ng Makabagong Palarong Olimpiko

Sanggunian

baguhin
  1. Schmadel, Lutz D. (2003). Talatinigan ng mga Pangalan ng Maliit na Planeta (ika-ika-5 (na) edisyon). Bagong York: Springer Verlag. pp. p. 178. ISBN 3-540-00238-3. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin