Pisikang aselarador
Ang pisikang aselarador (sa Ingles: accelerator physics) ay isang sangay ng pisikang nilapat na may kinalaman sa pagdisenyo, pagpapagawa, at pagpapatakbo ng mga aselarador na partikula (particle accelerator). Maaaring sabihing ito ay ang pag-aaral ng paggalaw, pagmanipula, at pag-oobserba sa mga relativistic charged particle beam at ang interaksyon nito sa mga accelerator structure sa mga electromagnetic field.
May kaugnayan din ito sa iba pang mga larangan tulad ng:
- Microwave engineering o inhenyeriyang microwave (para sa mga istrukturang pampabilis/pampalihis sa frequency range ng radyo).
- Optika, lalo na sa larangan ng heometrikong optika (pagpopokus at pagkukurba ng sinag o beam) at pisika ng laser (interaksyong laser-partikula).
- Teknolohiyang kompyuter, lalo na sa larangan ng pagproseso ng digital signal; halimbawa, para sa automatikong pagmamanipula sa partikulang sinag (particle beam)
Ang mga eksperimentong isinasagawa sa pamamagitan ng mga particle accelerator ay hindi ipinapalagay na kabilang sa pisikang aselarador ngunit sa pisikang pampartikula, pisikang nukleyar, condensed matter physics(pisika ng malapot na materya), o pisikang materyal (alinsunod sa mga layunin ng eksperimento). Ang mga uri ng eksperimentong isinasagawa sa isang partikular na pasilidad ng accelerator ay tinitiyak ng mga katangian ng nalikhang partikulang sinag tulad ng enerhiyang katamtaman, uri ng partikula, intensidad at mga dimensyon.