Pista ng MassKara
Ang Pista ng MassKara (Hiligaynon: Pista sang MassKara) ay isang taunang pista at nagaganap ang kasukdulan nito tuwing ika-4 na Linggo ng Oktubre[1][2] sa Bacolod, Pilipinas. Kabilang sa mga pinagdidiriwangan ang Plaza del 6 de Noviembre, ang Turistahang Lacson at ang Sentro ng Pamahalaan ng Lungsod Bacolod.
Pista ng MassKara | |
---|---|
Ipinagdiriwang ng | Bacolod, Pilipinas |
Uri | Kultural |
Unang beses | Oktubre 19, 1980 |
Etimolohiya
baguhinIsang portmanteau ang salitang "Masskara", na likha ng yumaong artista na si Ely Santiago mula sa Ingles na mass (marami-raming tao) at Kastilang cara (mukha), at nabubuo ang MassKara (marami-raming mukha). Isa ring bangkiwi ang salita sa maskara (na mula rin sa Kastila), dahil isa itong prominenteng tampok sa pista at palaging pinalamutian ng mga ngumingiting mukha, at kaya tinatawag na "Lungsod ng Ngiti" ang Bacolod.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Masskara Festival Schedule of Activities" [Iskedyul ng mga Gawain sa Pista ng Masskara]. Bacolod Lifestyle (sa wikang Ingles). 5 Oktubre 2019. Nakuha noong 15 Oktubre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Masskara Festival Schedule Officially Set" [Iskedyul ng Pista ng MassKara, Opisyal na Naitakda]. ExperienceNegros (sa wikang Ingles). 5 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 Oktubre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cudis, Christine (Oktubre 2, 2019). "The history behind Bacolod's 'smile'" [Ang kasaysayan sa likod ng 'ngiti' ng Bacolod]. Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 5, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)