Plants vs. Zombies
Ang Plants vs. Zombies ay isang larong bidyo na tower defense na ginawa ng PopCap Games para sa Microsoft Windows at OS X. Sa larong ito, ang manlalaro ay isang may-ari ng bahay na dapat ipagtanggol ang kanilang tahanan laban sa isang kawan ng mga zombie. Nagpapakita ang mga zombie sa maraming daanan na maaaring makarating sa bahay ng player. Ang manlalaro ay nagtatanggol sa pamamagitan ng paglalagay ng mga halaman na umaatake sa mga zombie. Maaaring mabili ang mga halaman gamit ang isang pera sa larong tinatawag na "sun" (araw). Kung makapasok ang isang zombie sa bahay sa anumang daan, matatalo ang manlalaro at dapat ulitin ang yugto.
Ang laro na ito ay unang inilabas noong Mayo 5, 2009, at inilunsad sa Steam sa kaparehong araw.[1][2] Ang isang bersyon sa iOS ay inilabas noong Pebrero 2010, pati na rin ang isang bersyong HD para sa iPad.[3]
Paglalaro
baguhinSa Plants vs. Zombies, ang mga manlalaro ay pipili ng mga halaman (at mga kabute) at ilalagay ang mga ito sa paligid ng bahay (iba't ibang lugar ng bawat antas) upang harapin at ipagtanggol ang may-ari ng bahay (ang manlalaro) mula sa mga pag-atake ng mga zombie.[4] Maraming halaman ang maaari lamang umatake sa hilera na kinaroroonan nila, ngunit may ilan na maaaring umatake ng hanggang tatlong hilera sa isang pagkakataon (kabilang dito ang Threepeater). Palaging pumapasok ang mga zombie sa kanang bahagi at tuloy-tuloy na lumalakad sa linya (maliban kung kainin nila ang Garlic (bawang) ay magpapalit sila ng linya). Sa laro, mayroong mga lawn mower at pool cleaner (sa likod ng bahay) sa dulong kaliwa ng bakuran na maaaring sirain ang lahat ng mga zombie sa hanay, ngunit hindi sila magagamit muli hanggang sa susunod na antas. Karamihan sa mga zombie ay kakainin ang mga halaman na kanilang nakatagpo (bagama't mayroon ding mga uri ng mga zombie na tumatalon, dumudurog, at lumilipad sa mga halaman).
Magsisimula ang manlalaro sa pamamagitan ng pagpili at pagtatanim ng isang paunang napiling halaman at tingnan kung anong mga zombie ang naroroon. Ang mga bagong halaman ay maaaring makuha sa dulo ng antas. Upang magtanim ng mga pananim, ang mga manlalaro ay dapat mangolekta ng mga "sun" (araw) mula sa mga halaman ng Sunflower (marisol) o mula sa kalangitan. Ang bawat halaman ay mayroong presyo. Karamihan sa mga halaman ay madaling kainin ng mga zombie. Ang mga kabute ay kailangang gisingin ng Coffee Bean (butil ng kape) kung ginamit sa mga antas ng araw. Ang mga halaman ay kailangang itanim sa mga Lily Pad (maliban sa mga halamang nabubuhay sa tubig) kung sila ay itatanim sa tubig at kailangang itanim sa mga Flower Pot (pasong bulaklak) kung itatanim naman sa bubong. Maraming uri ng halaman ay may kanya-kanyang kakayahan, may mga halaman na kayang itapon ang kanilang mga panudla sa mga zombie, maglabas ng araw, o direktang pumatay ng mga zombie sa pamamagitan ng pagsunog sa kanila, pagdurog sa kanila, o pagkain sa kanila.
Mayroon ding iba't ibang uri ng zombie, ang iba ay malalakas, mabilis tumakbo, agad na nakakasira ng mga halaman, maaaring lumipad gamit ang isang lobo, at ang iba ay sumasayaw pa tulad ni Michael Jackson (pinalitan ng Disco zombie sa "Game of the Year" version). Mayroong antas ng pag-unlad sa ibaba ng screen. Tuwing malaking wave, maraming mga zombie ang lumalabas nang sabay-sabay at kapag ang huling wave, may mga zombie na lumalabas mula sa palanguyan, lapida, o bumababa ang mga bungee zombie.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Plants vs. Zombies GOTY Edition". Steam. Valve Corporation. Nakuha noong 2010-08-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Plants vs. Zombies Now Available". Steam. Valve Corporation. 2009-05-05. Nakuha noong 2010-08-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PopCap Launches Plants vs. Zombies HD App for iPad". Popcap.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-14. Nakuha noong 2010-06-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://web.archive.org/web/20120531081012/http://www.edge-online.com/reviews/review-plants-vs-zombies
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.