Ponciano Pineda

(Idinirekta mula sa Ponciano B.P. Pineda)

Si Ponciano B. Peralta Pineda ay isang manunulat, guro, linggwista at abogado. Itinuring si Ponciano Pineda bilang “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” dahil sa pagsulong niya na maitatag ang komisyon batay sa Seksiyon 9 ng ating Saligang Batas.[1]

Ponciano Pineda
MamamayanPilipinas
NagtaposUnibersidad ng Santo Tomas
Trabahomanunulat

Siya ay naging direktor ng Komisyon sa Wikang Filipino na dati ay Surian ng Wikang Pambansa sa taong 1971 hanggang 1999. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, sinimulan ni Pineda ang mga sosyo-linggwistikong pananaliksik, na layong palaguin ang wikang pambansa. Isa na rito ang patungkol sa repormang ortograpiya ng wikang Filipino. Sa ilalim ni Pineda ay may malaking pagbabago sa mga patakaran ng wika: ang bilingual na edukasyon sa taong 1974; Filipino bilang pangunahin at pambansang wika sa 1983 ng mga Pilipino; at alpabetong Pilipino na binubuo ng 28 titik sa 1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong kapuluan.

Ang “Diksiyunaryong Pilipino (1973) ni Jose Villa Panganiban, diksiyunaryong pansentenyal ng Komisyon ng Wikang Filipino (1998) na inedit ni Ponciano B. Pineda. Inilathala ni Pineda ang Diksiyunaryo ng Wikang Filipino, na nagsilbing pundasyon ng pambansang leksikograpiya.

Sa tulong ng dating kalihim ng Kagawaran ng Pilipino na si Jose Villa Panganiban, nakapagtapos si Pineda sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1948 sa kursong Associate in Arts. Bukod dito, naging patnugot rin si Pineda ng Filipino sa Varsitarian.[2]

Bukod sa pagiging isang magaling na awtor ng librong pang-akademiko, isa rin siyang Filipinologist o eksperto sa kulturang Pilipino. Kabilang sa kanyang mga akdang pambalarila ang “Pagpupulong: Mga Tuntunin At Pamamaraan,” “Pandalubhasaan Sining Ng Komunikasyon,” at “Sining Ng Komunikasyon Para Sa Mataas Na Paaralan.” Pinarangalan ng Gawad Palanca si Pineda ng una at ikalawang gantimpala para sa kanyang mga maikling kuwentong “Ang Mangingisda” (1958) at “Malalim ang Gabi” (1953).[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "PONCIANO B.P. PINEDA (1970-1999). "
  2. "Pluma at dila"
  3. ""Mga Gawad Palanca"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-07-18. Nakuha noong 2006-07-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)