Si Porcio Festo[1] o Porcius Festus ay ang prokurador ng Hudea mula bandang 58 hanggang 62 AD, na pumalit kay Antonius Felix. Hindi nalalaman ang tumpak na panahon ng kanyang panunungkulan, ngunit bago ito sumapit ng taong 70.[1] Namana niya ang lahat ng mga suliranin ng kanyang pinalitan, na hinggil sa gawaing Romano ng paglikha ng mga pribilehiyong sibiko para sa mga Hudyo. Tanging isang paksa lamang ang lumigalig o umunsiyami sa kanyang pamamahala, ang kontrobersiya sa pagitan ni Agripa II at ng mga paring Kohen ng Herusalem tungkol sa pader na itinayo sa templo upang buwagin ang tanawin ng bagong pasibi[2] (seksiyon ng gusali) ng palasyo ni Agripa II.

Bronseng baryang prutah na ginawa ni Porcio Festo.
Sa kaliwa (harapan ng barya):' Mga titik Griyegong NEP WNO C (Nero) sa loob ng koronang dahong nakatali sa ilalim na may isang X.
Kanan (likuran ng barya): Mga titik Griyegong KAICAPOC (Caesar) at petsang LE (taon 5 = 58/59 A.D), tangkay ng palmera.

Sa panahon ng kanyang pangangasiwa, ang hindi magandang pagtanggap ng mga Hudyo sa Roma ay pinatindi ng paksa ukol sa mga pribilehiyong sibiko. Nagising ang mga damdaming na nagkaroon ng mahalagang bahagi sa malapit na kasunod na Digmaang Hudyo ng 66 AD.

Sa Bagong Tipan ng Bibliya, nagkaroon ng huling pagdinig na panghukuman sa harap ni Festo si Pablong Alagad, sa Aklat ng mga Gawa (Mga Gawa 25:12), sinikap ni Festo na amukiin si Pablo ng Tarsus na pumunta sa Herusalem para malitis; umapela si Pablo kay Emperador Nero. Nagresulta ang paglapit na ito ni Pablo sa pagkakapalayas niya papuntang Roma noong panahon ng taglagas ng 58 AD (nasa Mga Gawa 25-26).

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Porcio Festo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 18, pahina 1445.
  2. Gaboy, Luciano L. Wing, pasibi - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.