Pormang Katatluhan
Ang Pormang Katatluhan (Trinitarian Formula sa wikang Ingles) ay ang parisal na nagpapahayag ng tatlong katauhan ng Banal na Trinidad. Ito ay ginagamit ng Simbahang Katoliko (Romano at Katolikong Oryental), Ortodoksiyang Oryental, mga Anglikano, mga Luterano, at ilan pang denominasyong Kristyano.
Ginagamit din ang Porma sa mga dasal, liturhiya, at sa mga Sakramento. Isa sa mga pinakamadalas na gamit ng Porma ay ang Tanda ng Krus.
Tesktong galing sa Bibliya
baguhinAng Pormang Kataluhan ay nanggaling sa utos ng Buhay na Hesus sa Ebanghelyo ni San Mateo (28:19), karaniwang tinatawag na Dakilang Komisyon.
EVNTES ERGO DOCETE OMNES GENTES BAPTIZANTES EOS
IN NOMINE PATRIS ET FILII ET SPIRITV̄S SANCTI. -Mt 28:19 (Latino)
Sa Tagalog | Sa Ingles | Sa Griyego | ||
---|---|---|---|---|
Teksto | Transliterasyon | |||
Panimula | Humayo nga kayo, at gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, binyagan ninyo sila |
Go therefore, and make disciples of all nations, baptizing them |
Πορευθεντες ουν μαθητευσατε παντα τα εθνη, βαπτιζοντες αυτους |
Poreuthentes oun matheteusate panta ta ethne baptizontes autous |
Pormang Katatluhan | sa Ngalan ng Ama, ng Anak. at ng Espiritu Santo. |
in the Name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. |
εις το ονομα του Πατρος και του Υιου και του Αγίου Πνεύματος |
eis to onoma tou Patros kai tou Huiou kai tou Hagiou Pneumatos |
Gamit sa Pag-Binyag
baguhinSa Simbahang Romano Katoliko, Ortodoksiyang Oryental, at karamihan sa mga Protestante, ang Binyag ay hindi balido kung hindi ginamit ang Pormang Katatluhan.
Dahil dito, maaaring hindi nila kilalaning Kristyano ang mga grupong hindi naniniwala sa Banal na Trinidad (at kung kaya’t hindi ginagamit ang Porma). Kabilang sa mga grupong ito ay ang mga Unitaryanismo, Branhamisto, Frankisto, at mga-Jehova.
Mapupunang sa Frankisto at Branhamisto na binibinyagan ang mga tao sa Ngalan ni Hesus ayon na rin sa libro ng Mga Gawain (2:38). Kasama sa kanilang tradisyong ang pagkabinyag ng mga konbertong nanggaling sa mga denominsayong naniniwala sa Trinidad, dahil wala raw silang malay na "si Hesus ay Panginoon" (Filipos 2:11)
Kinatakakutang impluwensiyang patriyarkal
baguhinMagmula noong pahuling bahagi ng ika-20 Dantaon, marami sa Kristyanismong Liberal ang naging asiwa sa tradisyonal na lalaking presentasyon ng Diyos. Ito ay kapuna-puna sa kanilang pagbura at pagkaltas sa mga pagsangguni sa Diyos na may klasipikasyon ng kasarian.
Sa kanilang patuloy na paniniwala sa Trinidad, nirebisa nila ang Porma upang isalamin ang pananaw ng Diyos na walang kasarian:
Sa Ingles | Sa Tagalog |
---|---|
In the name of the Creator, of the Redeemer, and of the Sanctifier. |
Sa ngalan ng Tagapaglikha, at ng Tagapagligtas, at ng Tagapagbanali. |
Tugon ng mga Tradisyonalista na lahat ng Tatlong Katauhan ng Trinidad ay kasama sa paglikha, pagligtas, at pagbanal ng mundo. Itinuturi nilang Sabelyanismo o modalismo ang pag-rebisa na Trinidad ayon sa mga tungkulin.
Idineklara ng Simbahang Romano Katoliko na ang mga Binyag ayon sa nirebisang Porma ay hindi lamang baldado, kundi ilegal.[1] Ilang awtoridad ng mga Simbahang Oryental (parehong Ortodoksiya at Katolikong Oryental) na rin ang nagpahayag ng magkahalintunad na pananaw.