Wikang Latin

(Idinirekta mula sa Latino)

Ang Latin ay isang wikang Indo-Europeo na unang sinalita sa Latium na katawagan sa lupain sa palibot ng Roma. Mahalaga ang ginampanan ng Latin bilang pangunahing wika ng Imperio Romano. Ito rin ang pinanggalingan ng lahat ng mga wikang Romance kagaya ng Español, Frances, Portugues, Italiano, at Rumano. Makikita rin sa talasalitaan ng iba pang mga pangkasalukuyang wika kagaya ng Ingles (malimit dahil sa Frances) at mga wika ng Pilipinas (dahil naman sa Español) ang maraming salitang hango sa Latin.

Latin
Latina
Pagbigkas/laˈtiːna/
Sinasalitang katutubo saKanlurang Mediteraneo
Mga katutubong
tagapagsalita
Katutubo: wala
Pangalawang wika: nasa 5,000
Pangalawang wikang nasusulat: nasa 25,000  (nawawalang petsa)
Pamilyang wika
Opisyal na katayuan
Opisyal na wika saLungsod ng Vaticano
Pinangangasiwaan (regulado) ngOpus Fundatum Latinitas
(Simbahang Katoliko)
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1la
ISO 639-2lat
ISO 639-3lat

Ang alfabetong Latin ay hango sa sinaunang alfabetong Italico na siya namang hango sa alfabetong Griego; ito pa rin ang pinakaginagamit na alfabeto sa buong daigdig. Ginamit din ang Latin sa Kanluran sa loob ng mahigit 1000 taon bilang lingua franca o wikang pantalastasan at para na rin sa panitikan sa agham at politica. Napalitan naman ito ng Frances noong ika-18 siglo at ng Ingles noong ika-19 na siglo.

Sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ang Latin sa pagsasauri ng mga nilalang, pagngangalan ng mga larangan at iba pang mga bagay na inaaral sa agham nang naaayon sa Kanluraning kagawian. Samantalang ang Latin Eclesiastico (Latina Ecclesiastica) pa rin ang formal na wika ng Simbahang Catolico at pangunahing wika ng Lungsod ng Vaticano. Ginamit ng Simbahan ang Latin bilang banal na wika magpahanggang Ikalawang Kapulungang Vaticano noong decada 1960.

Mga titik at tinigBaguhin

Narito ang isang talaan ng mga titik at tinig o fonema sa wikang Latin. Upang makatiyak, ginagamit na gabay sa pagbaybay ng bigkas ang IPA.

A (maikli) [ʌ] (tulad ng ‘talim’)
A (mahaba) [aː] (tulad ng ‘akin’)
AE [aj] (tulad ng ‘bigay’)
B [b] (tulad ng ‘alab’)
C [k] (tulad ng ‘anak’)
CH [kʰ] (tulad ng katutubong bigkas ng Inggles na ‘cake’; bahagyang katulad ng sa ‘likha’)
D [d] (tulad ng ‘dalisay’)
E (maikli) [ɛ] (tulad ng ‘pera’)
E (mahaba) [eː] (tulad ng karaniwang bigkas sa salitang Tagalog na ‘pare’, sa Frances na ‘été’, o sa Aleman na ‘Leben’)
EI [ej] (tulad ng ‘Kankanaey’)
EU [ew] (tulad ng ‘Europa’; malapit sa ‘ewan’)
F [f] (tulad ng ‘Filipino’)
G [g] (tulad ng ‘gawa’)
GN [ŋn] (tulad ng ‘pangnakaraan’)
H [h] (tulad ng ‘hawak’)
I (maikli) [ɪ] (tulad ng ‘hapit’)
I (mahaba) [iː] (tulad ng ‘kilos’)
J [j] (tulad ng ‘yugto’)1
K [k] (tulad ng C; madalang gamitin sa Latin)
L [l] (tulad ng ‘laro’)
M [m] (tulad ng ‘madla’)
N [n] (tulad ng ‘niyog’; bago ng C, G, o Q, bilang /ŋ/ ng ‘tangkay’)
O (maikli) [ɔ] (tulad ng ‘Ano?’)
O (mahaba) [oː] (tulad ng sa salitang Tagalog na ‘alimuom’, sa Frances na ‘eau’, o sa Aleman na ‘wo’)
OE [oj] (tulad ng ‘Oy!’)
P [p] (tulad ng ‘payak’)
PH [pʰ] (tulad ng Inggles na ‘pit’)
QU [kʷ] (medyo kasintulad ng ‘pakwan’)
R [ɾ] (tulad ng ‘marami’)
S [s] (tulad ng ‘sarap’)
T [t] (tulad ng ‘talampas’)
TH [tʰ] (tulad ng Inggles na ‘tin’; malapit sa “bathala’)
U (maikli) [ʊ] (tulad ng ‘balut’)
U (mahaba) [uː] (tulad ng ‘pusa’)
V [w] (tulad ng ‘wari’)
X [ks] (tulad ng ‘paksa’)
Y (maikli) [ʏ] (tulad ng Frances na ‘tu’)
Y (mahaba) [yː] (tulad ng Aleman na ‘übermensch’)
Z [z] (tulad ng Inggles na ‘zoo’)

Hindi ipinapakita sa pagbaybay ng Latin ang pagkakaiba ng maiikli at mahahabang patinig, ngunit sa makabagong baybay, maaaring lagyan ng makron (ā, ē, ī, ō, ū, ȳ) ang mahahabang patinig.

Para sa baybay ng Simbahang Katoliko ng Latin, tingnan ang Latin Eclesiastico.

1 Sa gitna ng dalawang patinig, dalawa ang bilang na ginagampanan ng titik J: isang katinig at isa ring bumubuo ng diptonggo kasama ng naunang patinig. Halimbawa (gamit ang baybay pambigkas sa Tagalog), major (/máy·yor/), cujus (/kwí·yus/), rejectus (/rey·yék·tus/).

Ilang halimbawaBaguhin

SalitaBaguhin

  • tatay : pater
  • nanay : mater
  • ako : ego
  • ikaw : tu
  • parusa : multa
  • diwata : nympha, diva
  • bula : bulla
  • kapit : aprehendere; capere
  • sabon : sapo
  • diyos : deus
  • balat : cutis
  • grabe : gravis
  • sana : utinam
  • isa : uno
  • ito : iste
  • tinapay : pan
  • dalawa : duo
  • tatlo : tri
  • lima : quinque
  • walo : octo
  • pera : pecunia
  • paa : pes
  • pakiusap : si vobis; tibi placeat...
  • mata : oculus
  • tenga : auris
  • ilong : nasus
  • kamay : manus
  • at : ac; et
  • ngunit : at; sed
  • kasi/dahil : quoniam; quod
  • oo : ita
  • o : aut
  • hindi : non
  • apoy : ignus
  • tubig : aqua
  • lupa : terra
  • hangin : ventum
  • salaysay/kasaysayan : historia
  • usapan : recensere
  • paanyaya : invitatio
  • abuloy : donatio
  • halamanan : hortum
  • salamat : gratias

PangungusapBaguhin

Tingnan dinBaguhin

Edisyon ng Wikipedia sa Wikang Latin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.