Ebanghelyo ni Mateo

Aklat sa Bagong Tipan
(Idinirekta mula sa Ebanghelyo ni San Mateo)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Ebanghelyo ayon kay Mateo[1] o Ebanghelyo ni Mateo ay ang ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Bibliya na sinulat ni Mateo. Ito ang unang ebanghelyo ng Bagong Tipan. Kaugnay ito ng sagisag na "tao" dahil nagsisimula ang aklat ni San Mateo sa pagtunton ng mga pangalan ng ninuno ni Hesus ayon sa laman. Isa itong ebanghelyong sinoptiko, kasama ng mga ebanghelyo nina Marcos at Lucas.

May-akda

baguhin

Ang Ebanghelyo ni Mateo ay hindi nagbigay ng pangalan ng may-akda nito. Ang obispong si Papias ng Hierapolis noong mga 100–140 CE ay sumulat ng mga hindi malinaw na parirala na: "Tinipon ni Mateo ang mga orakulo(logia o mga kasabihan o tungkol kay Hesus) sa wikang Hebreo(Hebraïdi dialektōi o marahil ay "istilong Hebreo") at kanyang binigyang pakahulugan(hērmēneusen/interpreted — o "isinalin") ang bawat isa sa mga ito sa abot ng kanyang makakaya ."[2] Sa ibabaw ng mga pahayag na ito, ito ay nagpapahiwatig na ang Ebanghelyo ni Mateo ay isinulat sa Hebreo at isinalin sa Griyego ngunit ayon sa mga skolar, ang Griyego ng Aklat ni Mateo ay "naghahayag ng walang mga tanda ng isang pagsasalin".[3] Ang mga skolar ay nagmungkahi ng mga teoriya upang ipaliwanag ang sinabi ni Papias: marahil sa Mateo ay sumulat ng dalawang ebanghelyo na ang isa ay isinulat sa Hebreo na nawala na at ang ang isa ay sa Griyego o marahil ang logia ay mga kasabihan kesa sa ebanghelyo o sa pamamagitan ng paggamit ng dialektōi, ang ibig sabihin ni Papias ay isinulat niya ang Ebanghelyo ni Mateo sa istilong Hudyo kesa sa wikang Hebreo.[2]

Hindi tinukoy ni Papias ang kanyang Mateo ngunit sa huli ng ikalawang siglo CE, ang tradisyon na ang alagad na si Mateo na tagakulekta ng buwis ay malawakang tinanggap at ang linyang "Ang Ebanghelyo Ayon kay Mateo" ay sinimulang idagdagag sa mga manuskrito ng aklat na ito. [4] Sa maraming mga dahilan, ang karamihan sa mga skolar ng Bibliya ay nagdududa na ang ebanghelistang si Mateo na tagakulekta ng buwis ang sumulat nito. Halimbawa, "hindi malamang na ang isang nakakita(eyewitness) sa ministerio ni Hesus gaya ni Mateo ay aasa sa iba para sa impormasyon tungkol dito" at ang mga skolar ay naniniwalang ito ay isinulat sa pagitan ng 80 hanggang 90 CE ng isang may mataas na pinag-aralang Hudyo na labis na pamilyar sa mga teknikal na aspeto ng batas ng Hudaismo na nakatayo sa hangganan sa pagitan ng tradisyonal at hindi tradisyonal na mga pagpapahalagang Hudyo.[5] Ang alagad na si Mateo ay malamang pinarangalan sa loob ng mga kasamang nakapalibot sa may akdang ito dahil sa ang pangalang Mateo ay mas tanyag sa ebanghelyong ito kesa sa iba pang ebanghelyo(Marcos, Lucas, Juan)[6] at posibleng ang ilang materyal na "M" ay maaaring nagmula mismo kay Mateo.[7]

Ang karamihan sa mga tekstwal na mga skolar ay naniniwalang ang may-akda ng aklat na ito ay humugot sa tatlong magkakaibang mga pinagkukunan na ang bawat isa ay kumakatawan sa magkakaibang pamayanan: ang materyal na pinagsaluhan sa Ebanghelyo ni Lucas na Dokumentong Q na isang hipotetikal na koleksiyon ng mga kasabihan), ang Ebanghelyo ni Marcos at isang materyal na natatangi sa Mateo(na tinatawag na "M") .[8] Ang may akda nito ay sumulat para sa mga mambabasang Hudyo: tulad ng "Q" at "M", binigyang diin ng may-akda nito ang patuloy na kahalagahan ng batas ng Hudaismo. Hindi tulad ng Ebanghelyo ni Marcos, ang may-akda ng Mateo ay hindi nag-abala sa pagpapaliwanag ng mga kaugaliang Hudyo at hindi tulad ng Ebanghelyo ni Lucas na tumunton ng ninuno ni Hesus kay Adan, kanyang tinunton ang ninuno ni Hesus kay Abraham lamang na ama ng mga Hudyo.[9] Ang nilalaman ng "M" ay nagmumungkahing ang pamayanang ito ay mas strikto kesa sa iba sa saloobin sa pag-iingat ng batas ng Hudaismo at nagsasaad na ang mga ito ay dapat lumagpas sa mga skriba at fariseo sa "pagiging matuwid"(na ang ibig sabihin ay pagsunod sa batas ng Hudaismo). Sa tatlong sinoptikong ebanghelyo(Mateo, Marcos, Lucas), ang "M" lamang ang tumutukoy sa isang "ecclesia"(iglesia) na isang organisadong pangkat na may mga patakaran para sa pagpapanatili ng kaayusan.[10]

Ang pananaw na ang nga ebanghelyo ay orihinal na isinulat sa Aramaiko kesa sa Griyego gaya ng paniniwala ng karamihan sa mga skolar ng Bibliya ay isang tradisyon sa Iglesiang Syrian.

Mga bahagi

baguhin

Binubuo ng apat na pangunahing mga bahagi ang Ebanghelyo ayon kay Mateo:[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Ang Ebanghelyo ayon kay Mateo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Turner, pp.15–16
  3. Bromiley, p.281
  4. Duling, pp. 301–2
  5. Duling, Dennis C. "The Gospel of Matthew". http://books.google.com.au/books?id=ygcgn8h-jo4C&printsec=frontcover&dq=Blackwell+companion+to+the+New+Testament#v=onepage&q&f=false. {{cite book}}: Missing or empty |title= (tulong), in Aune, David E. (ed.) (2010). The Blackwell companion to the New Testament. Wiley-Blackwell. ISBN 978-1405108256. {{cite book}}: |first= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Duling, p.302
  7. Burkett, p.177
  8. Burkett, p.175
  9. Burkett, p.181
  10. Burkett, p.180

Mga panlabas na kawing

baguhin