Ang Porto Torres (Sassarese: Posthudorra; Sardo: Portu Turre) ay isang comune (komuna o munisipalidad) at lungsod sa Lalawigan ng Sacer, awtonomong rehiyon ng Cerdeña, kanlurang Italya. Itinatag noong ika-1 siglo BK bilang Colonia Iulia Turris Libisonis, ito ang unang kolonya ng Roma sa buong isla. Ito ay matatagpuan sa baybayin sa humigit-kumulang 25 kilometro (16 mi) silangan ng Cabo ng Falcone at sa gitna ng Golpo ng Asinara. Ang daungan ng Porto Torres ay ang pangalawang pinakamalaking daungan ng isla, na sinusundan ng daungan ng Olbia. Napakalapit ng bayan sa pangunahing lungsod ng Sacer, kung saan nanunungkulan ang lokal na unibersidad.

Porto Torres

Posthudòrra (Sassarese)
Città di Porto Torres
Eskudo de armas ng Porto Torres
Eskudo de armas
The territory of the comune (in red) inside the Province of Sassari
The territory of the comune (in red) inside the Province of Sassari
Lokasyon ng Porto Torres
Map
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Italy Cerdeña" nor "Template:Location map Italy Cerdeña" exists.
Mga koordinado: 40°50′N 8°24′E / 40.833°N 8.400°E / 40.833; 8.400
BansaItalya
RehiyonCerdeña
LalawiganSacer (SS)
Itinatag46 b.C (Roman settlement)
11 June 1842 (comune)
Mga frazioneLi Lioni, Asinara, Fiume Santo, Platamona
Pamahalaan
 • MayorMassimo Mulas
Lawak
 • Kabuuan104.41 km2 (40.31 milya kuwadrado)
Taas
17.00 m (55.77 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan22,367
 • Kapal210/km2 (550/milya kuwadrado)
DemonymTurritani, Bainzini, o Portotorresi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
07046
Kodigo sa pagpihit079
Kodigo ng ISTAT090058
Santong PatronSan Gavino, San Proto, San Gianuario
Saint dayMayo 30
WebsaytOpisyal na website

Heograpiya

baguhin

Padron:PanoramaAng Porto Torres ay nasa hilagang-kanlurang baybayin ng Cerdeña.

Ang lawak ng munisipyo ay halos 10,200 ektarya at nahahati sa dalawang bahagi, halos magkapareho ang laki. Kabilang sa isang bahagi ang lungsod, ang industriyal na lugar, at ang mga guho ng Romano; ang isa ay binubuo ng dalawang isla, ang Asinara at ang mas maliit na Isola Piana. Mula noong 1997, ang bahaging ito ng munisipalidad ay ang Liwasang Pambansa ng Asinara.

Ang komunal na teritoryo ay tinatawid ng dalawang ilog, Rio Mannu at Fiume Santo. Ang una ay dumadaloy sa gilid ng Porto Torres sa kanluran, habang ang pangalawa ay tumatakbo malapit sa lungsod at ginamit bilang isang nadadaanang ilog noong mga araw ng sinaunang Roma.

Pamamahala

baguhin

Kinakapatid na lungsod

baguhin
Bansa Lungsod Petsa Mga tala
   Camposano 2016 [4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
  4. Torres, Comune di Porto. "Porto Torres e Camposano: gemellaggio nel nome di San Gavino". Comune di Porto Torres (sa wikang Italyano). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2021. Nakuha noong 8 Setyembre 2020. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin