Pradalunga
Ang Pradalunga (Bergamasco: Prédalónga) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Bergamo sa rehiyon ng Lombardia sa hilagang Italya na matatagpuan mga 60 kilometro (37 mi) hilagang-silangan ng Milan at mga 11 kilometro (7 mi) hilagang-silangan ng Bergamo. Noong 31 Disyembre 2006, mayroon itong populasyon na 4,460 at may lawak na 8.39 square kilometre (3.24 mi kuw).[3]
Pradalunga | |
---|---|
Comune di Pradalunga | |
Isang tanaw sa bayan ng Pradalunga | |
Mga koordinado: 45°44′48″N 9°46′59″E / 45.74667°N 9.78306°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Lombardia |
Lalawigan | Bergamo (BG) |
Mga frazione | Cornale |
Lawak | |
• Kabuuan | 8.2 km2 (3.2 milya kuwadrado) |
Taas | 327 m (1,073 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 4,674 |
• Kapal | 570/km2 (1,500/milya kuwadrado) |
Demonym | Pradalunghesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 24020 |
Kodigo sa pagpihit | 035 |
Santong Patron | Santa Barbara |
Saint day | Disyembre 4 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang munisipalidad ng Pradalunga ay naglalaman ng frazione (pagkakahati) ng Cornale.
Ang Pradalunga ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Albino, Cenate Sopra, Nembro, at Scanzorosciate.
Ang Pradalunga ay maraming burol at bundok: ang pinakamahalagang bundok sa Pradalunga ay "Bundok Misma". Ang Ilog Serio ay tumatawid sa Pradalunga, kaya ang Pradalunga ay nasa Lambak Seriana. Sa Bundok Misma mayroong isang santuwaryo. Ang pangalan nito ay "Forcella" at ito ay inialay sa Birheng Maria. Itinayo ito ng mga minero. Sa tabi ng santuwaryo ay may restawran.
Ang mga patron ng Pradalunga at Cornale ay sina Santa Lucia, San Cristobal, San Vicente, at Santa Barbara. Si Santa Lucia ay nagdadala ng mga regalo sa mga bata tuwing gabi ng 13 Disyembre. Ang mga mamamayan ng Pradalunga at Cornale ay labis na nagdarasal para sa kanila. May tatlong simbahan na inialay sa mga patron santo; ang ilang mga lokal na kalye ay pinangalanan para sa kanila. Si Santa Barbara ang patron ng bawat minero. Napakahalaga ng mga minero para sa ekonomiya ng Pradalunga dahil sa nayong ito ay may mga silyaran ng mga batong "Coti"; mula sa mga silyaran na ito na ginamit ng mga minero upang kunin ang mga batong "Coti". Ang mga batong ito ay tipikal ng Pradalunga at ginagamit ito sa pagpatala ng mga kutsilyo, gunting, at iba pa. Ang mga ito ay iniluluwas sa maraming ibang bansa.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.