Pranses na Katedral, Berlin

Ang Pranses (Repormado) na Simbahan ng Friedrichstadt (Pranses: Temple de la Friedrichstadt , Aleman: Französische Friedrichstadtkirche, at karaniwang kilala bilang Französischer Dom, ibig-sabihin ay 'Pranses na katedral') ay nasa Berlin sa Gendarmenmarkt, sa kabila ng Konzerthaus at Aleman na Katedral. Ang pinakamaagang bahagi ng simbahan ay itinayo noong 1701, bagaman ito ay kasunod na pinalawak. Matapos masira nang husto noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muling itinayo ang simbahan at patuloy na nag-aalok ng mga serbisyo sa simbahan at mga konsiyerto.

Pranses (Repormadong) Simbahan ng Friedrichstadt
Temple de la Friedrichstadt (fr)
Französische or Französisch-reformierte Friedrichstadtkirche (de)
kolokyal: Französischer Dom
Tanaw mula sa kaliwa tungo a mismong simbahan, napangingibabawan ng kakabit na toreng may simboryo
Relihiyon
PagkakaugnayNagkaisang Protestante simula noong rekonstruksiyon nito noong 1981;
orihinal na Repormado (i.e. Calvinista) at para sa pamayanang Huguenot
DistrictCalvinistang kongregasyon: Repormadong dekano ng Berlin-Brandeburgo
nagkakaisang kongregasyon: Sprengel Berlin (rehiyon), Kirchenkreis Stadtmitte (bahay ng dekano)
ProvinceEbanghelikong Simbahan ng Berlin-Brandeburgo-Mataas na Lusacia Silesiana
Lokasyon
LokasyonFriedrichstadt, isang lokalidad ng Berlin
Mga koordinadong heograpikal52°30′52″N 13°23′32″E / 52.514323°N 13.392119°E / 52.514323; 13.392119
Arkitektura
(Mga) arkitektoLouis Cayart and Abraham Quesnay (1701–5), Carl von Gontard (design), Georg Christian Unger (konstruksiyon ng tore noong 1780–5), Otto March (muling paghubog ng loob noong 1905), Manfred Prasser, Roland Steiger at Uwe Karl (rekonstruksiyon 1977–81)
NakumpletoMarch 1, 1705, rekonstruksiyon 1981

Pangalan

baguhin

Ang simbahan ay opisyal na kilala bilang "Simbahang Pranses ng Friedrichstadt", ngunit karaniwang tinutukoy bilang Französischer Dom, o "Katedral na Pranse". Sa kabila ng kanilang mga pangalan, alinman sa mga simbahan sa Gendarmenmarkt ay isang katedral, dahil hindi kailanman naging luklukan ng isang obispo; sa halip, ang pangalang elementong Dom ("katedral" sa Aleman) ay tumutukoy sa salitang Pranses na "dôme" (simboryo/cupola), gamit ang terminolohiya bilang labi ng frankoponong si Federico ang Dakila, na naging instrumento sa pagpapahusay ng Gendarmenmarkt.

Mga sanggunian

baguhin
baguhin