Panalangin ni Manases

(Idinirekta mula sa Prayer of Manasseh)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Panalangin ni Manases[1] ay isang maikling akda na may 15 tatudtod ng isang dalangin ng pagsisisi ni Manases, isang hari ng Kaharian ng Judea. Nakatala sa Bibliya si Manases bilang isa sa mga pinakamapagpaniwala sa mga anito (sa Ikalawang Aklat ng mga Hari, 2 Mga Hari 21:1-18); subalit, makaraan mabihag ng mga Asiryo, nagdasal siya para sa awa (sa 2 Kronika 33:10-17) at tumalikod sa kanyang mga gawaing ganito.

Kabilang ang Panalangin ni Manases sa partikular na mga labas o mga edisyon ng Griyegong Septuagint o Pitumpu; bilang halimbawa, sa Codex Alexandrinus ng ika-5 daantaon, kung saan kabilang ang dasal sa labing-apat na mga oda o panalangin ng papuri sa Aklat ng mga Oda na lumilitaw bago sumapit ang Mga Salmo[2] Nakalimbag ito sa huli ng 2 Kronika ng Bibliya ng Ginebra ng 1599 at sa Vulgatang Latin; lumitaw din ito sa Biblikong apokripa ng Bibliyang Haring Santiago. Sa kasalukuyan, itinuturing itong apokripo[1] ng Simbahang Romano Katoliko, mga Hudyo, at mga Protestante. Isinama ni Clemente VIII ang aklat sa isang apendiks para sa Vulgate na nagsasabing dapat ipagpatuloy ang pagbasa nito upang hindi mawaglit o mawala nang lubusan. Sa ilang mga edisyon ng Pitumpu, kabahagi ito ng Aklat ng mga Oda. Tinatanggap ito bilang aklat na deuterokanoniko ng ilang mga Kristiyanong Ortodokso, bagaman hindi ito lumilitawa sa mga Bibliyang inilimbag sa Gresya. Sa Bibliya ng Etiyopiya, lumitaw ang tekstong ito sa loob ng 2 Kronika. Lumitaw rin ang aklat na ito sa saling nasa sinaunang Siryako, Matandang Islaboniko, Etiyopiko, at Armenyo.[2][3]

Inaawit ang Panalangin ni Manases sa panahon ng serbisyong pampananampalatay ng mga Kristiyanong Ortodokso at Katolikong Bisantino, partikular na sa Dakilang Panalangin sa Gabi o sa pagtatapos ng araw (compline sa Ingles). Ginagamit din itong kantikulo o awit na hango ang panitik mula sa Bibliya sa Pang-araw-araw na Tanggapan (Daily Office) ng Aklat ng Pangkaraniwang Panalangin (Book of Common Prayer) sa Estados Unidos noong 1979.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "The Prayer of Manasseh, Apocrypha, Bible, pahina 159". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 NET Bible
  3. The shorter books of the Apocrypha: Tobit, Judith, Rest of Esther, Baruch, Letter of Jeremiah, additions to Daniel and Prayer of Manasseh. Komentaryo ni J. C. Dancy, na may mga kontribusyon nina W. J. Fuerst at R. J. Hammer. Palimbagan ng Pamantasan ng Cambridge (Inglatera), 1972. ISBN 16230423

Mga panlabas na kawing

baguhin
 
Wikisource
Ang Wikisource ay may orihinal na teksto na may kaugnayan sa artikulong ito: