Prehuwisyo
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Ang salitang prehudisyo o prehuwisyo (Ingles: prejudice na pinagmulan ng "prehudisyo"; hinango ang "prehuwisyo" mula sa Kastilang na prejuicio; Latin: praejudicium, na may kahulugang "paghatol na pauna bago pa man ang talagang paghahatol") ay tumutukoy sa antimanong pagbuo ng opinyon sa isang tao o isang grupo ng tao dahil sa lahi, kasarian, klaseng panlipunan, edad, kapansanan, relihiyon, sekswalidad, at iba pang katangian. Tumutukoy din ito sa mga paniniwalang walang pinagbabatayan.[1] Inilarawan naman ni Gordon Allport ang predyudis bilang isang dadamin, mainam man o hindi, tungo sa isang tao o bagay na hindi batay sa tunay na pangyayari. Maaari itong ituring bilang hindi makatwirang paunang pagkilatis, paunang paghatol, paunang paghusga, nauna nang pagpapasya, o hinatulan na kaagad sa simula pa lamang bago maganap ang paglilitis.
Makasaysayang pamamaraan
baguhinAng unang sikolohikal na pag-aaral tungkol sa predyudis ay ginawa ng mga bandang 1920. Sinubukang patunayan ng pag-aaral na ito ang white supremacy. Isa sa mga artikulo noong 1925 na sumuri ng 73 pag-aaral sa lahi ang nagsabing ipinahiwatig sa mga pag-aaral na ito ang kalamangang kaisipan ng lahing puti.[2] Ang pag-aaral na ito ay humantong sa pagtingin ng mga sikologo sa predyudis bilang natural na tugon tungo sa nakabababang lahi.
Noong 1930s at 1940s, ang pananaw na ito ay unti-unting nagbago dahil sa pagtaas ng alalahanin tungkol sa anti-Semitism. Tinignan ng mga gumagawa ng teorya ang predyudis bilang patolohikal at humanap sila ng personality syndromes na may kaugnayan sa Rasismo. Pinaniwalaan naman ni Theodor Adorno na ang predyudis ay nagmula sa isang awtoritaryang pagkatao. Inilarawan ni Adorno ang mga awtoritaryan bilang mga palaisip at palasunod sa may kapangyarihan, mga taong nakikita ang mundo bilang itim at puti lamang, at mga taong may mahigpit na malasakit sa mga patakarang panlipunan.[3] Naniwala si Adorno na ang mga taong may pagka-awtoritaryan ay hindi malayong masangkot sa mga predyudis mula sa mga grupo ng nakabababang uri.
Sa taong 1954 naman, iniugnay ni Gordon Allport ang predyudis sa tiyakang pag-iisip. Sinasabi niya na ang predyudis ay isang normal na proseso lamang ng tao. Aniya, ang utak ay nag-iisip sa tulong ng mga kategorya, na siyang magiging batayan ng normal na paunang paghatol, at ang prosesong ito ay hindi basta-basta maiiwasan.[4]
Nagsimula namang ipakita ng ilang pag-aaral noong 1970s na ang ilang predyudis ay hindi batay sa negatibong damdamin tungo sa ibang grupo, kundi sa pagkakaroon ng paboritismo sa sariling grupong kinabibilangan. Ayon kay Marilyn Brewer, maaaring mabuo ang predyudis hindi dahil kinamumuhian ang mga taong hindi binibilang sa kanilang grupo (outgroup), kundi dahil may positibong damdamin tulad ng pakikiramay at pagtitiwala na nakalaan para sa mga taong pinagkaisa ng parehas na paniniwala o interes (ingroup).[5]
Sa taong 1979, inilarawan ni Thomas Pettigrew ang ultimate attribution error at ang papel nito sa predyudis. Nangyayari ito kapag ang mga kasapi sa ingroup ay (1) nagpakita ng negatibong pag-uugaling outgroup na may kinalaman sa pagbibigay (higit sa pag-uugaling ingroup), at (2) nagpakita ng positibong pag-uugaling outgroup sa isa o higit pa sa sumusunod na kadahilanan: (a) parasitiko o bukod-tanging kaso, (b) espesyal na kalamangan, (c) mataas na pagganyak, at (d) mga salik sa iba’t ibang kalagayan.[3]
Mga kontrobersiya at tanyag na paksa
baguhinIlan sa mga halimbawa ng predyudis ay karaniwang nakabatay sa lahi, kasarian, nasyonalidad, panlipunang estado, sekswal na oryentasyon, at relihiyon.
Rasismo
baguhinAng rasismo ay tumutukoy sa paniniwala na mayroong mga lahi, na ang pisikal na katangian ay tumitiyak ng kultural na kaugalian, at ang mga katangiang panlahi ang nakapagpapalamang sa ilang mga grupo.[6] Sa pagkakaroon ng herarkiya, sinasabing ang hindi patas na pagtrato sa pagitan ng iba’t ibang grupo ng tao ay makatarungan dahil sa genetikong pagkakaiba.[6] Maaaring magkaroon ng rasismo sa kahit anong grupo na kinikilala dahil sa kanilang pisikal na katangian o sa kanilang kultura.[6] Bagaman maaaring pagsama-samahin ang ilang tao at tawaging isang lahi, ang bawat isa ay hindi maayos na nababagay sa kategoryang ito, kung kaya’t mahirap mailarawan nang tama ang isang lahi.[6]
Ang rasismong pang-agham ay nagsimulang umusbong sa ika-18 siglo at higit na naimpluwensiyahan ni Charles Darwin sa kaniyang pag-aaral tungkol sa ebolusyon, at ng mga idea mula kay Aristotle; sa halimbawa, naniwala si Aristotle sa konsepto ng “natural slaves”.[6] Ang konseptong ito ay nakatuon sa pangangailangan ng hirerkiya at kung paanong nakatali na sa ilalim ng hirerkiya ang ilang tao. Bagaman ang rasismo ay isang tanyag na usapin sa kasaysayan, mayroon paring mga debate ukol rito, at ang epekto nito ay malinaw. Ang rasismo at iba pang uri ng predyudis ay nakakaapekto sa pag-uugali, pag-iisip at damdamin ng isang indibidwal. Ito ang sinisikap pag-aralan ng mga sikologo.
Seksismo
baguhinAng salitang seksismo ay kadalasang iniuugnay sa negatibong opinyon ng kababaihan na nagmumula sa paniniwalang ang mga kababaihan ay mas mababa sa mga kalalakihan.[7] Ang pagtalakay sa mga opinyong ito, pati na rin ang mga istiryotipo at pagkakaiba sa kasarian ay nananatiling kontrobersiya. Sa buong kasaysayan, iniisip na ang mga babae ay palaging mas mababa kaysa lalaki, habang nakaugalian namang ituro sa mga lalaki ang pagiging mas may kakayahan kaysa babae, parehong sa pisikal at mental na aspeto.[7] Maging sa pagtugon sa mga nakaraang pangyayari kung saan mayroong diskriminasyon at predyudis, ang disckriminasyong batay sa kasarian, kung minsan, ay nakakaligtaan. Sa larangan naman ng Panlipunang Sikolohiya, ang ilang pag-aaral sa predyudis, tulad ng “Who Likes Competent Women,” ay humantong sa pag-aaral ng predyudis na nakabatay sa kasarian.[7] Nagresulta ito sa dalawang malawak na paksa sa larangan: pinagtuunan ng una ang pagkilos tungo gender equality, habang ang pangalawa naman ay nakatuon sa paniniwala ng tao ukol sa kalalakihan at kababaihan.[7] Sa ngayon, ang mga pag-aaral batay sa seksismo ay nagpapatuloy sa larangan ng sikolohiya, kung saan patuloy na inaaral at sinusuri ng mga tagapagsaliksik kung paano naiimpluwensiyahan at nakaiimpluwensiya ang pag-iisip, damdamin at pag-uugali ng tao.
Nasyonalismo
baguhinAng nasyonalismo ay isang sentimyento batay sa pangkaraniwang katangian ng kultura na nagpapaisa sa isang populasyon at kadalasang lumilikha ng isang patakarang may kinalaman sa pambasang kalayaan.[8] Minumungkahi nito ang ”shared unity” sa mga mamamayan ng isang nasyon kung saan ang hangganang nagbubukod sa “pamilyang nasyonal” ay binibigyang-diin, at ang mga pagkakaiba sa loob ng grupo ay nababawasan.[9] Humantong ito sa palagay na ang mga kasapi sa isang nasyon ay mayroong pagkakatulad na higit pa sa karaniwan, na sila ay “culturally unified,” kahit na umiiral ang kakulangan sa katarungan sa bansa na batay sa pagkakaiba tulad ng estado at lahi.[10] Ang nasyonalismo, sa panahon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang bansa, ay kontrobersiyal dahil maaari itong magsilbi bilang hadlang sa kritisismo pagdating sa sariling problema ng isang bansa dahil nagmumukhang natural ang pagkakaroon ng bansa ng mga hirerkiya.[10] Sa nasyonalismo, kadalasang kailangan ng sigasig para pagsang-ayon, pagkamasunurin at pagkakaisa ng mga mamamayan na maaaring magresulta sa pagkakaroon ng pampublikong responsibilidad at pang-unawa sa komunidad.[11] Dahil ang pagkakakilanlan ng mga nasyonalista ay nakaugnay sa kanilang katapatan sa estado, ang presensiya ng mga estranghero na hindi karamay sa katapatang ito ay maaaring humantong sa pagkapoot.[10]
Diskriminasyong sekswal
baguhinAng sekswal na oryentasyon na isang indibidwal ay malakas na pagkakagusto sa homosekswalidad, heterosekswalidad at bisekswalidad.[12] Tulad ng ilang minoryang grupo, ang mga homosexual at bisexual ay hindi ligtas sa predyudis at mga istiryotipo mula sa malalaking grupo. Maaari nilang makaranas ng pagkamuhi mula sa iba dahil sa kanilang sekswal na pagpili; ang termino para sa labis na pagkamuhi batay sa sekswal na oryentasyon ng isang indibidwal ay homophobia. Dahil sa mga tinatawag ng mga panlipunang sikologo na vividness effect, isang pagkagawi na makita lamang ang ilang katangian, ang karamihan ay dumadako sa mga palagay, katulad ng pagpapakita ng mga binabae ng kanilang sekswalidad.[13] Hindi lamang iisipin ng nakararami na ang mga homosexual ay mapaglahad sa kanilang sekswalidad, maaari rin nilang paniwalaan na ang mga homosexual ay madaling makilala at kaagad na matatawag na “bakla” o “tomboy” kumpara sa ibang tao na hindi naman talaga homosexual.[14] Ang idea ng heterosexual privilege ay tila umuusbong sa lipunan. Ang pagtalakay sa kung ang mga heterosexual nga ba ang may pribilehiyo at ang mga homosexual ang mas maliit ng grupo ay kontrobersiyal.
Diskriminasyon sa relihiyon
baguhinHabang tinuturo ng ilang relihiyon sa kanilang mga kasapi ang maging mapagparaya sa mga taong naiiba at maging maawain sa kapwa, mayroong mga pagkakataon kung saan ang relihiyon ay ginamit para isulong ang pagkasuklam.[15] Gumawa ng mga pag-aaral ang ilang tagapagsaliksik para maunaawan ang relasyon sa pagitan ng relihiyon at predyudis; at sa ngayon, nagtala sila ng iba’t ibang resulta. Sa isang pag-aaral kasama ang ilang mag-aaral sa Estados Unidos, ipinakita na ang mga mag-aaral na nagsabing malaki ang impluwensiya ng relihiyon sa kanila ay lumalabas na may mas malaking tsansa ng predyudis kumpara sa mga mag-aaral na nagsabing hindi sila gaanong karelihiyoso.[16] May ilang pag-aaral naman ang nagsabing positibo ang epekto ng relihiyon sa tao kung sa usapin lamang ng predyudis.[16] Ang pagkakaibang ito sa mga resulta ay maaaring ipalagay sa pagkakaiba sa mga kasanayan sa relihiyon ng bawat indibidwal. Para sa mga sumusunod sa “institutionalized religion,” kung saan ang isang indibidwal ay nakatuon sa panlipunan at political na aspeto ng mga pangyayaring may kinalaman sa relihon, ay inaasahang tataas ang predyudis.[17] Sa mga sumusunod naman sa “interiorized religion,” kung saan nananampalataya ang isang indibidwal sa kaniyang paniniwala, ay inaasahang may pagbabang magaganap sa predyudis.[17]
Mga prehuwisyo at multikulturalismo
baguhinKung isasaalang-alang ang likas na hilig ng mga tao na mag-isip na may katiyakan tungkol sa mga grupong panlipunan, na napagkilanlan sa mga kognitibong proseso na may malawak na implikasyon sa pampubliko at pampolitikang pagsang-ayon ng patakarang pang-maramihang kultura, ipinalagay na tama nina Crisp at Meleady[18] ang isang ulat ng pagbabago ng tao sa kaniyang pag-uugali para sa panlipunang pagkakaiba. Ipinapaliwanag nito ang pangkalahatang trend sa lipunan na humihimok sa mga iskolar at gumagawa ng mga patakaran na pag-aralan at suriing mabuti ang mga solusyong hinahanap nila para sa isyu ng predyudis.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Isinulat ni William James na "A great many people think they are thinking when they are merely rearranging their prejudices."Quotable Quotes – Courtesy of The Freeman Institute
- ↑ Garth, T. R. (1925). A review of racial psychology. Psychological Bulletin, 22, 343-364.
- ↑ 3.0 3.1 Plous, S. "The Psychology of Prejudice." Understanding Prejudice.org. Web. 07 Abril 2011.
- ↑ Allport, G. W. (1954). The nature of prejudice. Reading, MA: Addison-Wesley.
- ↑ Brewer, M.B. (1999). The psychology of prejudice: Ingroup love or outgroup hate? Journal of Social Issues, 55, 429-444.
- ↑ 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Blackwell, Judith, Murray Smith, and John Sorenson. Culture of Prejudice: Arguments in Critical Social Science. Toronto: Broadview Press, 2003. 37-38. Print.
- ↑ 7.0 7.1 7.2 7.3 Dovidio, John, Peter Glick, and Laurie Rudman. On the Nature of Prejudice. Malden: Blackwell Publishing, 2005. 108. Print.
- ↑ World English Dictionary
- ↑ Blackwell, Judith, Murray Smith, and John Sorenson. Culture of Prejudice: Arguments in Critical Social Science. Toronto: Broadview Press, 2003. 31. Print.
- ↑ 10.0 10.1 10.2 Blackwell, Judith, Murray Smith, and John Sorenson. Culture of Prejudice: Arguments in Critical Social Science. Toronto: Broadview Press, 2003. 32. Print.
- ↑ Blackwell, Judith, Murray Smith, and John Sorenson. Culture of Prejudice: Arguments in Critical Social Science. Toronto: Broadview Press, 2003. 31-32. Print.
- ↑ World English Dictionary, “Sexual Orientation
- ↑ Anderson, Kristin. “Benign Bigotry: The Psychology of Subtle Prejudice.” Cambridge: Cambridge University Press, 2010. 198. Print.
- ↑ Anderson, Kristin. “Benign Bigotry: The Psychology of Subtle Prejudice.” Cambridge: Cambridge University Press, 2010. 200. Print.
- ↑ On the Nature of Prejudice. Malden: Blackwell Publishing, 2005. 413. Print.
- ↑ 16.0 16.1 Dovidio, John, Peter Glick, and Laurie Rudman. On the Nature of Prejudice. Malden: Blackwell Publishing, 2005. 413. Print.
- ↑ 17.0 17.1 Dovidio, John, Peter Glick, and Laurie Rudman. On the Nature of Prejudice. Malden: Blackwell Publishing, 2005. 414. Print.
- ↑ Crisp, R. J. and Meleady, R. (2012). Adapting to a multicultural future. Science, Mayo 18, 336(6083), 853-855.
- Adorno, T. W., Frenkel-Brunswik, E., Levinson, D. J. and Sanford, R. N. (1950). The authoritatian personality. New York: Harper.
- Macrae, C. N., & Bodenhausen, G. V/. 2001. Social cognition: Categorical person perception. British Journal of Psychology, 92, 239-255
- Scherman, J. W., Lee, A. Y., Bessenoff, G. R., & Frost, L. A. 1998. Stereotype efficiency reconsidered: Encoding flexibility under cognitive load. Journal of Personality and Social Psychology, 75, 589-606.