Preppy
Ang preppy, preppie o prep (ang lahat ay pinaikling salitang Ingles na preparatory o sa Tagalog, "pansimula") ay tumutukoy sa isang subkultura (o bahagi ng kalinangan) sa Estados Unidos na may kaugnayan sa mga lumang pribadong paaralan sa Hilagang-silanganing Estados Unidos na ihanda ang mga mag-aaral sa pamantasan. Ginagamit ang katawagan sa isang tao na nakikita ang katangian ng isang mag-aaral o alumnus (nagtapos) ng mga ganoong paaralan.[1] Naging isang pangkaraniwang salita ang prep sa Estados Unidos at malawak na pinalitan ang preppy sa makabagong gamit. Kabilang sa mga katangian ng mga prep sa nakaraan ang isang partikular na subkulturang pananalita, bokabularyo, pananamit, kagawian, etiketa na sumasalamin sa isang mataas na uri (upper-class) na kinalakihan.[2]
Kahulugan
baguhinAng katawagang preppy ay nagmula sa mga pribadong paaralang naghahanda bago pumasok sa pamantasan o tinatawag sa Ingles na preparatory schools. Dito madalas na pumapasok ang mga ilang mga anak ng mga pamilya na nasa mataas na uri (middle class) o gitnang mataas na uri (upper middle class) sa Estados Unidos. Nagsulat si Lisa Birnbach ng aklat noong 1980 na pinamagatang, "Official Preppy Handbook". Sinulat ang librong ito upang kutyain sa buhay ng mga estudyanteng preppy ngunit nagdulot ito sa huli na maging kaakit-akit ang kanilang kultura. Ipinakita rin ang mga preppy bilang isang edukadong grupo sa lipunan, konektado nang husto, at bagaman eksklusibo, magalang sa iba pang mga pangkat sa lipunan nang hindi nagkakaroon ng mga seryosong relasyon sa kanila. Ang pagiging edukado at konektado nang husto ay kaugnay sa isang mataas na uring estadong sosyoekonomiko na nagbibigay-diin sa mas mataas na edukasyon at mga tagumpay bilang isang propesyunal.
Moda
baguhinAng uri ng pananamit na "preppy" ay nagsimula noong dekada 1950 bilang paraan ng pagbibihis ng mga taga-Ivy League na paaralan. J. Press ang kumakatawan sa karaniwan na "preppy" na tatak ng damit. Ito ay nag-ugat sa tradisyon ng pananamit sa mga pamantasan. Ang J. Press at Brooks Brothers, ang isa pang tanyag na linya ng damit na lubos na nauugnay sa preppy na moda, ay may mga tindahan sa mga kampus ng mga paaralang Ivy League, tulad ng Harvard at Yale, sa panahon ng kalagitnaan ng ikadalawampung siglo. Ralph Lauren, Vineyard Vines, at Elizabeth McKay ay madalas na napapakitaang may estilong preppy. Ang Lungsod ng New York ay pinaniniwalaang punong-himpilan para sa mga linya ng damit na preppy, tulad ng J. Press, Brooks Brothers, at Ralph Lauren, na sumasalamin sa epekto ng kulturang East Coast sa pamumuhay na preppy. Ilang halimbawa ng mga damit na preppy ang "argyle" na panglamig, chinos, madras, Nantucket reds, button-down Oxford na pantaas at "boat shoes".
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "preppy". Dictionary.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 19, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Colman, David (17 Hunyo 2009). "The All-American Back From Japan". The New York Times (sa wikang Ingles).
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)