Produktong panloob
Sa matematika, ang espasyong produktong panloob (Ingles: inner product space) ay isang espasyong bektor na may karagdagang straktura na tinatawag na produktong panloob (Ingles: inner product). Ang espasyong produktong panloob ay nag-uugnay ng bawat pares ng mga bektor sa espasyo sa kantidad na skalar na tinatawag na produktong panloob ng mga bektor. Ang mga produktong panloob ay pumapayag sa mahigpit na introduksiyon ng mga intuwitibong nosyong heometriyal gaya ng haba ng bektor o anggulo sa pagitan ng dalawang bektor. Ang mga ito ay nagbibigay rin paraan upang ilarawan ang ortogonalidad sa pagitan ng mga bektor (produktong panloob na sero). Ang mga espasyong panloob ay naglalahat sa mga espasyong Euclidean (kung saan ang produktong panloob ang produktong tuldok o tinatawag ding produktong skalar) sa mga espasyong bektor ng anumang (posibleng impinito) dimensiyon at ito ay pinag-aaral din sa mga punsiyonal na analisis, o anggulo sa pagitan ng dalawang bektor.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.