Proyektong Opte
Ang Proyektong Opte (Ingles: Opte Project), na nilikha noong 2003 ni Barrett Lyon,[1] ay naglalayong bumuo ng isang tumpak na paglalarawan ng lawak ng Internet gamit ang grapikong biswal.[2][3] Naniniwala si Lyon na ang kanyang pagmamapa sa network ay maaaring makatulong sa pagturo ng mga mag-aaral nang higit pa tungkol sa Internet habang kumikilos din bilang isang sukatan na naglalarawan ng parehong pangkalahatang paglaki ng Internet at ang mga tukoy na lugar kung saan nangyayari ang paglago na iyon.[2] Hindi ito ang unang proyekto na may ganoong layunin; may mga iba bago ang proyektong ito, tulad ng Bell Labs Internet Mapping Project.
Ang proyekto ay nakakuha ng pansin sa buong mundo na itinampok ng Time,[4] Pamantasang Cornell,[5] New Scientist,[6] at Kaspersky Lab.[7] Sa karagdagan, ang mga mapa ng Proyektong Opte ay itinampok sa hindi bababa sa dalawang mga tanghalan sa sining tulad ng The Museum of Modern Art[8] at ang permanenteng tanghal na Mapping the World Around Us ng Museum of Science.[9] Hanggang ngayon, mayroong mga kopya ng iba't ibang mga mapa ng Proyektong Opte para mabili online sa pamamagitan ng pook-sapot ng proyekto.[10]
Hindi bababa sa 3 mga mapa ang ipinapakita sa pook-sapot ng Proyektong Opte (gayunpaman, tingnan "din" talababa na ito[11] para sa isang hindi "patay" na link sa isang snapshot na bersyon ng isang "Maps" na pahina mula sa pook-sapot na iyon na "nai-arkibo" - kagandahang-loob ng "Wayback machine " - sa isang araw noong gumagana pa ang naturang pook-sapot), at bawat isa ay kumakatawan sa isang biswal na snapshot ng Internet sa isang tiyak na punto ng oras. Ang unang snapshot ay kinuha noong 2003 at ang pinakahuli (ngayong Mayo 1, 2020) ay nakuha noong 2015.[12]
Ang lahat ng nilalaman ay nailathala sa ilalim ng isang lisensya ng Creative Commons,[13] at habang ang paggamit ng The Opte Image ay libre para sa lahat ng mga di-komersyal na aplikasyon, kinakailangan ang magbayad para sa ibang mga gamit.[10][14]
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ "The Opte Project - FAQ". www.opte.org. LyonLabs LLC, Barrett Lyon. Nakuha noong Agosto 8, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "The Opte Project - About". www.opte.org. LyonLabs LLC, Barrett Lyon. Nakuha noong Agosto 8, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Visual Complexity - Opte Project section". www.visualcomplexity.com. VisualComplexity.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 20, 2013. Nakuha noong Agosto 8, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "See What the Internet Actually Looks Like". www.time.com. Time, Inc. Hulyo 13, 2015. Nakuha noong Agosto 8, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Opte Project and Visualizing the Internet". blogs.cornell.edu. Cornell University. Setyembre 13, 2016. Nakuha noong Agosto 8, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Internet mapping project weaves colourful web". www.newscientist.com. New Scientist, Ltd. Nobyembre 28, 2003. Nakuha noong Agosto 8, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "7 amazing maps of the Internet". www.kaspersky.com. Kaspersky Lab. Nobyembre 3, 2015. Nakuha noong Agosto 8, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MOMA - Opte Project item". www.moma.org. Museum of Modern Art. Nakuha noong Agosto 8, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mapping the World Around Us". www.mos.org. Museum of Science. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 24, 2012. Nakuha noong Agosto 8, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 "The Opte Project - Prints\Licenses". www.opte.org. LyonLabs LLC, Barrett Lyon. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 7, 2017. Nakuha noong Agosto 8, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maps". www.opte.org. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 9, 2019.
Here you will find static and dynamic 2D JPG/PNG images and 3D VRML maps of the Internet. These maps are built off of our database using two different graphing engines [...]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Opte Project - The Internet". www.opte.org. LyonLabs LLC, Barrett Lyon. Nakuha noong Agosto 8, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International (CC BY-NC 4.0) license". creativecommons.org. Creative Commons. Nakuha noong Agosto 8, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Barrett Lyon Website - Philanthropy section". www.blyon.com. Barrett Lyon. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 16, 2017. Nakuha noong Agosto 8, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Opisyal na website
- isang "snapshot" na bersyon (kagandahang-loob ng "Wayback machine") ng (pangunahing o "bahay" na pahina ng) opisyal na website ... na tila "nai-archive" sa isang oras kung kailan gumagana ang website