Psusennes II
Si Titkheperure or Tyetkheperre Psusennes II [Greek Ψουσέννης] or Hor-Pasebakhaenniut II [Egyptian ḥr-p3-sb3-ḫˁỉ-<n>-nỉwt] ang huling paraon ng Ikadalawampu't isang Dinastiya ng Ehipto. Ang kanyang pangalang maharlika ay nangangahulugang "Imahen ng transpormasyon ni Re".[2] Si Psusennes II ay kadalasang itinuturing na ang parehong Dakilang Saserdote ni Amun na kilala bilang Psusennes III.[3] Ayon kay Karl Jansen-Winkeln, ang mhalagang grafitto mula sa Templo ng Abydos ay naglalaman ng mga buong pamagat ng isang haring Tyetkheperre Setepenre Pasebakhaenniut Meryamun na sabay na tinawag na Dakilang Saserdote ni Amun at supremang komander na militar".[4] Ito ay nagmumungkahing si Psusennes ay parehong hari at Dakilang Saserdote sa Thebes sa parehong panahon na nangangahulugang hindi siya nagbitiw sa kanyang opisina bilang Dakilang Saserdote ni Amun sa kanyang paghahari.[5] Ang ilang mga kontemporaryong pagpapatunay mula sa kanyang paghahari ay kinabibilangan ng binanggit na grafitto sa templo ni Seti I sa Abydos, isang ostracon mula sa Umm el-Qa'ab, isang apiliasyon sa Karnak at ang kanyang pinagpapalagay na libinga na binubuo ng isang ginintuang kabaong na may maharlikang uraeus at isang Mummy na natagpuan sa antechamber ng libingan ni Psusennes I sa Tanis. Siya ang Dakilang Saserdote ni Amun sa Thebes at ang anak nina Pinedjem II at Istemkheb. Ang kanyang anak na babaeng si His daughter Maatkare ang Dakilang Maharlikang Asawa ni Osorkon I. Kamakailan, ang unang konklusibong petsa para sa haring Psusennes II ay inihayag sa isang bagong nilimbag na makasaserdoteng annal na blokeng bato. Ang dokumentong ito ay natatala ng induksiyon ng isang saserdoteng nagngangalang Nesankhefenmaat sa kapilya ni Amun-Re sa Taong 11 ng unang buwan ng Shemu araw 14 ng haring nagngangalang Psusennes.[6] The preceding line of this document recorded the induction of Nesankhefenmaat's father, a certain Nesamun, into the priesthood of Amun-Re in king Siamun's reign.[7] Si Siamun ang predesesor ni Psusennes II sa Tanis. Ang pagkakakilanlan ng binanggit na Psusennes sa Psusennes II ay tiyak dahil ang parehong pragmentaryong dokumentong annal ay nattatala ng induksiyon ni Hor na anak ni Nesankhefenmaat, sa pagkasaserdote ng kapilya ni Amun-Re sa Karnark sa taong 3 ikalawang buwan ng Akhet araw 14 ng paghahari ng haring Osorkon I na pagkatapos ng isang henerasyon lamang.[7]—na ang 21 taong paghahari ni Shoshenq I ay nilagpasan. Ito ay hindi hindi-inaasahan dahil ang karamihan ng mga Ehiptologo ay naniniwalang ang isang henerasyon sa lipunang Ehipto ay tumagal ng minimun na 25 taon at maksimun na 30 taon.[8] Kaya ang taong 11 ay maaari lamang itakda kay Psusennes II at bumubuo ng unang seguradong napatunayang petsa para sa paghahari ng paraon na ito.
Psusennes II | |
---|---|
Pasebakhaenniut II[1] | |
Pharaoh | |
Paghahari | 967–943 BCE (21st Dynasty) |
Hinalinhan | Siamun |
Kahalili | Shoshenq I |
Anak | Maatkare |
Namatay | 943 BCE |
Libingan | Unknown |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Pasebakhenniut II
- ↑ Peter Clayton, Chronology of the Pharaohs, Thames & Hudson Ltd, 1994. p.178
- ↑ Erik Hornung, Rolf Krauss & David Warburton (editors), Ancient Egyptian Chronology (Handbook of Oriental Studies), Brill: 2006, p.221 Karl Jansen-Winkeln in his treatment for the 'Dynasty 21' chapter of this book writes that "the evidence weighs heavily in favour of his (ie. Psusennes III) being one and the same man, who was first HP and then successor to King Siamun in Tanis, without giving up his Theban office."
- ↑ Jansen-Winkeln in Hornung, Krauss & Warburton, p.222
- ↑ Jansen-Winkeln in Hornung, Krauss & Warburton, p.223
- ↑ Frederic Payraudeau, De nouvelles annales sacerdotales de Siamon, Psousennès II et Osorkon Ier., BIFAO 108 (2008), p.294
- ↑ 7.0 7.1 Payraudeau, BIFAO 108, p.294
- ↑ Karl Jansen-Winkeln, The Relevance of Geneaological Information for Egyptian Chronology, Äegypte und Levante 16, (2006), pp.266-271