Ptolomeo VI Philometor

Si Ptolomeo VI Philometor (Griyego: Πτολεμαῖος Φιλομήτωρ, Ptolemaĩos Philomḗtōr;"Ptolomeo, mangingibig ng kanyang Ina". Padron:Ptolemy</ref> 186–145 BCE) ay isang paraon ng Kahariang Ptolemaiko na naghari mula 180 hanggang 164 BCE at mula 163 hanggang 145 BCE.[1]

Si Ptolomeo VI ang nakakatandang anak nina [[Ptolemeo Ptolemy VI, the eldest son of King Ptolemy V Epiphanes at Reyba Cleopatra I at umakyat sa trono sa edad na 6 nang mamatay ang kanyang ama noong 180 BCE. Ang kaharian ay pinamumunuan ng mga rehente: ang kanyang ina hanggang sa kamatayan nito noong 178 o 177 BCE at dalawa sa kanyang mga kasama sina Eulaeus at Lenaeus hanggang 169 BCE. Mula 170 BCE, ang kanyang kapatid na babae at asawang si Cleopatra II at kanyang nakababatang kapatid na lalake na si Ptolomeo VIII ay kasama niyang mga pinuno. Ang paghahari ni Ptolomeo VI Philometor ay inilalarawan ng pandayuhang alitan sa imperyong Seleucid sa kontrol ng Syria at sa panloob na alitan sa kanyang kapatid na lalake sa kontrol ng Kahariang Ptolemaiko. Sa Ikaanim na Digmaang Syrio (170-168 BCE), ang mga pwersang Ptolemaiko ay lubusang natalo at ang Ehipto ay dalawang beses na sinako ng mga hukbong Seleucid. Pagkalipas ng ilang taong pagtapos ng digmaang Syrio, matagumpay na napatalsik ni Ptolomeo VIII si Ptolomeo VI mula sa Ehipto noong 164 BCE. Naghimagsik ang mga Alehandriyano laban kay Ptolomeo III at muling iniluklok sa trono si Ptolomeo VI Philometor noong 163 BCE. Sa kanyang ikalawang paghahahari, matagumpay siya sa mga alitan sa imperyong Seleucid at laban sa kanyang kapatid na lalake. Kanyang ipinatapon ang kanyang kapatid na lalake sa Cyrenaica at ilang bese na napigilan ito sa pagkuha sa Cyprus sa kabila ng malaking panghihimasok ng mga Romano pabor kay Ptolomeo III. Sa kanyang pagsuporta sa mga magkakasunod na magkakatunggaling nag-aangkin sa trono ng Imperyong Seleucid, nagawa niyang magsimula ng digmaang sibil sa imperyong ito sa mga susunod na henerasyon na kumonsumo sa imperyong Seleucid. Noong 145 BCE, sinakop ni Ptolomeo VI Philometor ang Syria ng mga Seleucid at nagwagi sa Labanan ng Antioch noong 145 BCE.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Chris Bennett. "Ptolemy VI". Tyndale House. Nakuha noong Mayo 22, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)