Ang Purdah o Pardaa (Urdu: پردہ‎, Hindi: पर्दा, literal na nangangahulugang "kurtina" o "tabing") ay ang pagsasagawa ng pag-iiwas na makita ng mga kalalakihan ang mga kababaihan. Mayroon itong dalawang anyo: pisikal ng segrasyon ng mga kasarian, at ang pagbibigay ng obligasyon sa mga babaeng takpan nila ang kanilang mga katawan at itago ang kanilang hubog. Umiiral ang Purdah sa sari-saring mga anyo sa mundong Islamiko.[1] and among Hindu women in parts of India.

Sa mundong Muslim, ang pagpigil na makita ng mga lalaki ang mga babae ay may napakalapit na kaugnayan sa konsepto o diwa ng Namus.[2][3] Isang kaurian o kategoryang etikal ang Namus, isang pagpapahalaga, sa katangiang patriyarkal ng mga Muslim sa Gitnang Silangan. Isa itong malakas na kategoryang espesipiko sa kasarian ng relasyon o ugnayan sa loob ng mag-anak na nilalarawan ayon sa katakdaan ng karangalan, pagpansin, paggalang o pagiging kagalang-galang, at kahinhinan. Karaniwang isinasalinwika ang salitang ito bilang "karangalan".[2][3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. World faiths, Teach yourself - Islam. By Ruqaiyyah Maqsood. ISBN 0-340-60901-X Pahina 154.
  2. 2.0 2.1 Werner Schiffauer, "Die Gewalt der Ehre. Erklärungen zu einem deutsch-türkischen Sexualkonflikt." ("The Force of the Honour"), Suhrkamp: Frankfurt am Main, 1983. ISBN 3-518-37394-3.
  3. 3.0 3.1 Dilek Cindoglu, "Virginity tests and artificial virginity in modern Turkish medicine," pp. 215–228, nasa Women and sexuality in Muslim societies, P. Ýlkkaracan (patnugot), Women for Women’s Human Rights, Istanbul, 2000.


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Babae at Islam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.