Piteas

(Idinirekta mula sa Pytheas)

Si Piteas o Pytheas (ika-4 na daantaon BK), kilala rin bilang Piteas ng Massalia o Pytheas ng Massalia (binabaybay din sa anyong Latin na Massilia, isang lugar na pangkasalukuyang kilala bilang Marseilles o Marsella sa Pransiya) ay isang Griyegong heograpo at eksplorador mula sa kolonyang Griyego na Massalia. Siya ang unang Griyegong naglayag papuntang malayong hilaga ng Dagat Mediteraneo magmula sa Massalia. Isa siya sa unang tunay na mga heograpo, na pinatutunayan ng kanyang mga pagtatala ng ginawa niyang mga paglalakbay, kasama ang kung anong uri ng pagkain ang kinakain ng mga tao ng mga pook na iyon.[1]

Estatuwa ni Piteas sa Mersailles, Pransiya.

Nagsagawa siya ng isang paglalakbay ng panggagalugad papuntang hilaga-kanlurang Europa noong bandang 325 BK. Naglakbay siya papuntang Cadiz, Espanya, at pagkaraan ay nagpunta sa Britanya. Sa pagpapatuloy ng paglalakbay na pakanluran, natagpuan ni Piteas ang isang malamig at mayelong lupain at tinawag niya itong Thule (binabaybay ding Tile), na maaaring ang pangkasalukuyang Lupang-Yelo o kaya Noruwega.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Searched for the Land of Thule?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Explorers and Pioneers, pahina 111.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Gresya at Eksplorasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.