Ang Thule, na binabaybay din bilang Tile, Thula, Thila, o Thyïlea sa klasikal na panitikan at mga mapang nagmula sa Europa, ay ang pangalan ng pulo na natuklasan ni Pytheas, isang eksplorador mula sa sinaunang Gresya, noong ika-4 na BC. Iniulat ni Pytheas na ang pulong ito ay nasa hilaga ng Britanya, kaya't pinaniniwalaang marahil ang Thule ay ang Iceland o kaya ay ang Kapuluang Shetland o kaya naman ay ang Kapuluang Faroe o kaya ay ang mga dalampasigan ng Norway. Sa kasalukuyan, mayroong isang nayon sa hilaga ng Greenland na tinatawag bilang Thule, na nakikilala rin bilang Qaanaaq.

Thule
Ang Thule bilang Tile na nakaguhit sa Carta Marina noong 1539 ni Olaus Magnus, kung saan ipinapakitang nakalagay ito sa hilagang kanluran ng kapuluang Orkney, na mayroong kalapit na isang "halimaw, na nakita noong 1537", isang balyena ("balena"), at isang orka.
On the Ocean (Sa Karagatan) location
LumikhaPytheas
HeneroPanitikang klasikal
UriPulong kathang-isip


Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.