Quiapo, Maynila
Ang Quiapo (pagbigkas: ki•yá•pò) ay isang distrito sa Maynila, Pilipinas. Kilala ang distrito na ito sa mga murang mga bilihin mula sa mga bagay na elektroniko, bisikleta, hanggang sa mga bilihing gawang-kamay, pati na rin sa mga halamang-gamot. Kilala din ang Quiapo sa Itim na Nazareno, isang eskultura ni Hesus na matatapuan sa Simbahan ng Quiapo.
Lungsod | Maynila |
---|---|
Populasyon (2000) | 24,615 |
– Densidad | |
Area | km² |
– Mga Barangay | 16 |
– Kong. na Distrito | Ika-3 Distrito |
- Para sa halaman, tingnan ang kiyapo.
Tuwing Enero 9, maraming tao ang nagdiriwang para sa kapistahan nito dahil daw sa himalang dulot ng imahen.
Nasa sa sentro ng Quiapo ang Plaza Miranda, na ipinangalan kay Jose Sandino y Miranda, na naglingkod bilang ingat-yaman ng Pilipinas sa loob ng sampung taon simula noong 1853.[1]
Sinasabing nagmula ang pangalan ng Quiapo sa kiyapo, mga halamang pantubig.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Mortel, Paul R. (Hunyo 6, 2007). "Inquirer Opinion / Letters to the Editor: Rename Plaza Miranda after Ramon Magsaysay Sr.". Inquirer.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-15. Nakuha noong 2008-01-14.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ English, Leo James (1977). "Kiyapo, Quiapo". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.