Al-Muddassir
Ang Nagbalabal (o Nagtakip Ng Katawan) [1] (Arabe: ٱلْمُدَّثِّر, al-muddaththir) ay ang ika-74 kabanata (sūrah) ng Qur'an, na may 56 na talata (āyāt).
ٱلْمُدَّثِّر Al-Muddaththir Ang Nagbalabal | |
---|---|
Klasipikasyon | Makkan |
Ibang pangalan | Ang Nagtakip Ng Katawan |
Posisyon | Juzʼ 29 |
Blg. ng Ruku | 2 |
Blg. ng talata | 56 |
Blg. ng zalita | 256 |
Blg. ng titik | 1,035 |
Summary
baguhin- 1-7 Iniutos ni Muhammad na bumangon at ipangaral ang Islam
- 8-10 Magiging malungkot na araw para sa mga hindi naniniwala ang araw ng paghuhukom
- 11-26 Tinagubilin ng Diyos kay Muhammad na iwan sa kanyang kamay ang kanyang mga kalaban
- 27-29 Isinalarawan ang mga sakit ng impyerno
- 30-34 Labing-siyam na mga anghel ang itinalaga bilang tagapagbantay ng impyerno, at binanggit kung bakit labing-siyam
- 35-40 Panunumpa sa pagpapatunay ng kakila-kilabot na mga kalamidad ng apoy ng impyerno
- 41-49 Aaminin ng mga masama ang kanilang kasalanan sa impyerno sa mga matuwid
- 50-55 Hindi makakatanggap ng ibang babala ang mga taong walang pananampalataya maliban sa Quran[2]
Kronolohiya
baguhinMaraming mga kronolohiya ng mga kilalang may-akda, kabilang kay Ibn Kathir,[3], ang nilalagay ang Surat al-Muddaththir bilang ikalawang surah na inihayag sa Islamikong propeta na si Muhammad, na binabanggit ang hadith (Sahih al-Bukhari,[4] Sahih Muslim,[5] Jami` at-Tirmidhi,[6] Musnad Ahmad Ibn Hanbal, atbp.[7]). Bagaman, may mga ulat ng pahayag ang isinasaayos ito bilang hindi ikalawa. Ang paghahanda para sa Araw ng Paghuhukom at babala sa mga hindi naniniwala ay naalinsunod sa ibang naunang tekstong Makkan. Sang-ayon sa eksgesis ni Sayyid Qutb, kinakatawan ng unang mga talata ng surah na ito, gayon din ang Surah 73, ang pinakaunang mga pahayag kay Muhammad at iyong mga naghanda sa kanya para sa pagsubok ng pahayag.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Quran Tagalog Filipino in PDF Isinalin sa Wikang Tagalog nina Dr. Aboulkhair S. Tarason Ustadh Badi Udzaman S. Saliao at Muhammad M. Rodrigues Sinuri ni Dr. Muhammad Nadheer Ebil. Abril 2010.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wherry, Elwood Morris (1896). A Complete Index to Sale's Text, Preliminary Discourse, and Notes (sa wikang Ingles). London: Kegan Paul, Trench, Trubner, and Co.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa isang lathalaing na nasa pampublikong dominyo. - ↑ AQ
- ↑ USC-MSA web Sanggunian (Ingles) : Bol. 6, Aklat 60, Hadith 448 Sangguniang Arabe : Aklat 65, Hadith 4926
- ↑ Sahih Muslim 161 a Sanggunian sa loob ng aklat : Aklat 1, Hadith 313 Sanggunian sa USC-MSA web (Ingles) : aklat 1, Hadith 304 (tinangging iskimang pagbibilang)
- ↑ Grade : Sahih (Darussalam) Sangguniang Ingles : Bol. 5, Aklat 44, Hadith 3325 Sangguniang Arabe : Aklat 47, Hadith 3644
- ↑ Maududi (namatay 1979) http://englishtafsir.com/Quran/74/index.html