Rabindranath Tagore

Si Rabindranath Tagore (Bengal: রবীন্দ্রনাথ ঠাকুর) (7 Mayo 1861 – 7 Agosto 1941) ay isang polimatong Bengali. Bilang isang makata, nobelista , musikero at manunulat ng mga dula, iniba niya ang musika at panitikan ng Bengal noong huli ng ika-19 na siglo at maagang ika-20 na siglo. Bilang ang may-akda ng Gitanjali at ang "malalim, sensitibo, sariwa at magandang mga tula" nito,[1] bilang ang kauna-unahang hindi Europeong nanalo sa 1913 Gantimpalang Nobel sa Panitikan,[2] si Rabindranath Tagore marahil ang pinakamahalagang tao sa panitikan ng Bengal at isang kinatawan ng kalinangang Indian na ang hikayat at pagkakakilala sa boung mundo na marahil na maihahambing lamang kay Mohandas Gandhi na pinalanganang 'Mahatma' ni Tagore na bunga sa kanyang paghanga kay Gandhi.

Rabindranath Tagore
Close-up on a Bengali word handwritten with angular, jaunty letters.
Kapanganakan7 Agosto 1941 (80 taon gulang
Kolkata, India
Kamatayan7 Agosto 1941(1941-08-07) (edad 80)
Kolkata, India
Trabahomakata, nobelista, manunulat ng mga maiikling akda, manunulat ng mga sanaysay, manunulat ng mga dula, matrahedya, manunuro, espiritista, pilosopo, internasyonalista, relatibista ng kalinangan, mananalumpati, kompositor, manunulat ng mga kanta, mang-aawit, artista
PagkamamamayanBritanikong Raj
PanahonRenasimiyentong Bengal
(Mga) parangalGantimpalang Nobel (Panitikan) (1913)


Lagda

Isang Pirali Brahmin [3][4][5][6] mula sa Calcutta, sumulat ng mga tula si Tagore nang siya ay walong taong gulang.[7] Sa gulang ng labing anim, inilathala niya ang kanyang unang talatulaan sa ilalim ng pangalang Bhanushingho ("Leong Araw")[8][9] at sumulat ng kanyang mga unang maiikling kuwento at drama noong 1877. Hindi tinanggap ni Tagore ang raj ng Britanya at nakisali sa kalayaan ng India. Ang kanyang mga likha ay mahahanap sa tinatag niyang pamantasan, ang Pamantasan ng Visva-Bharati.

Pinabago ni Tagore ang sining Bengali sa paggamit ng mga pormang klasikal. Ang kanyang mga nobela, kuwento, kanta, sayaw-drama at sanaysay ay may kinalaman sa mga paksang pampolitika at pampersonal. Ang Gitanjali (Mga Alay na Kanta), Gora (Katamtaman ang Pagmumukha), at Ghare-Baire (Ang Tahanan at ang Mundo) ay ang kanyang mga pinakakilalang mga akda at ang kanyang mga berso, maiikling kuwento at nobela ay pinuri sa kanilang lyricismo, kolokyalismo, naturalismo at kontemplasyon. Si tagore ay marahil ang tanging literatura na gumawa ng mga pambansang awit ng dalawang bansa: ang Bangladesh at ang India: Amar Shonar Bangla at Jana Gana Mana.

Talaan ng mga akda

baguhin
— Bengali —
Tula
* মানসী Manasi (Ang Ninanais na Isa) 1890
* সোনার তরী Sonar Tari (Ang Ginintuang Bangka) 1894
* গীতাঞ্জলি Gitanjali (Alay na Kanta) 1910
* গীতিমাল্য Gitimalya (Korona ng mga Kanta) 1914
* বলাকা Balaka (Ang lipad ng mga Bakaw) 1916
Mga Drama
* বাল্মিকী প্রতিভা Valmiki Pratibha (Ang Hehnyo ng Valmiki) 1881
* বিসর্জন Visarjan (Ang Sakripisyo) 1890
* রাজা Raja (Ang Hari ng Madilim na Sulok) 1910
* ডাকঘর Dak Ghar (Ang Padalahang-Liham) 1912
* অচলায়তন Achalayatan (Ang Hindi Magalaw) 1912
* রক্তকরবী Raktakaravi (Mga Pulang Olandes) 1926
Piksiyon
* নষ্টনীড় Nastanirh (Ang Sirang Pugad) 1901
* গোরা Gora (Katamtaman ang Pagmumukha) 1910
* ঘরে বাইরে Ghare Baire (Ang Tahanan at ang Mundo) 1916
* যোগাযোগ Yogayog (Magkabilang Daloy) 1929
Mga Memoir
* জীবনস্মৃতি Jivansmriti (Aking Pagninilay) 1912
* ছেলেবেলা Chhelebela (Aking Panahong Bata) 1940
— Ingles —
  • Sa mga Guho || 1921[10]
— Mga Salin —
  • Ginawang Pagkakaisa || 1922[12]
* Gasuklay na Buwan

1913[13]

* Mga Alitaptap 1928
  • Paghahanap ng mga Prutas || 1916[14]
* Ang Takas

1921[15]

* Ang Hardinero

1913[16]

* Gitanjali: Mga Alay na Kanta 1912[17]
* Mga Silip sa Bengal

1991[18]

* Ang Tahanan at ang Mundo 1985[19]
* Ang mga Gutom na Bato at Ibang Kuwento 1916[20]
* Hindi Kita Pakakawalan: Mga Piling Tula 1991
* Ang Tagapagmahal ng Diyos 2003
* Aking Panahong Bata 1943
  • Aking mga Pagninilay || 1991[21]
* Pagkamakabansa 1991
  • Ang Tanggapang-Liham || 1996[22]
* Sadhana: Ang Realisasyon ng Buhay 1913[23]
* Mga Piling Liham 1997
* Mga Piling Tula 1994
* Mga Piling Maiikling Kuwento 1991
  • Mga Kanta ng Kabir || 1915[24]
* Mga Ligaw na Ibon 1916[25]

Mga sanggunian

baguhin
  1. The Nobel Prize in Literature 1913, The Nobel Foundation, nakuha noong 14 Agosto 2009{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. O'Connell, K. M. (2008), "Red Oleanders (Raktakarabi) by Rabindranath Tagore—A New Translation and Adaptation: Two Reviews", Parabaas, retrieved 2009-11-29
  3. Datta, P. K. (2003), "Introduction", Rabindranath Tagore's The Home and the World: A Critical Companion, Orient Longman, p. 2, ISBN 8-1782-4046-7
  4. Kripalani, Krishna (1971), "Ancestry", Tagore: A Life, Orient Longman, pp. 2–3, ISBN 8-1237-1959-0 {{citation}}: line feed character in |publisher= at position 7 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Kripalani, Krishna (1980), Dwarkanath Tagore (ika-1st (na) edisyon), pp. 6, 8 {{citation}}: Unknown parameter |reprint= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Thompson 1926, p. 12
  7. Some Songs and Poems from Rabindranath Tagore, East-West Publications, 1984, p. xii, ISBN 0-8569-2055-X {{citation}}: line feed character in |title= at position 39 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Thompson 1926, pp. 27–28
  9. Dasgupta, T. (1993), Social Thought of Rabindranath Tagore: A Historical Analysis, Abhinav Publications, p. 20, ISBN 81-7017-302-7
  10. "Thought Relics"
  11. "Chitra"
  12. "Creative Unity"
  13. "The Crescent Moon"
  14. "Fruit-Gathering"
  15. "The Fugitive"
  16. "The Gardener"
  17. "Gitanjali"
  18. "Glimpses of Bengal"
  19. "The Home and the World"
  20. "The Hungry Stones"
  21. "My Reminiscences"
  22. "The Post Office"
  23. "Sadhana: The Realisation of Life"
  24. "Songs of Kabir"
  25. "Stray Birds"


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at India ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.