Radovan Karadžić
Si Radovan Karadžić (ipinanganak 19 Hunyo 1945) ay isang politiko, makata, sikyatra, at akusadong pandigmaang kriminal na Serb ng Bosnia at Herzegovina.
Radovan Karadžić | |
---|---|
Kapanganakan | 19 Hunyo 1945[1]
|
Mamamayan | Bosnia at Herzegovina |
Nagtapos | Unibersidad ng Sarajevo[2] |
Trabaho | politiko, makatà,[1] sikiyatra[1] |
Pirma | |
Biograpiya
baguhinIpinanganak si Karadžić sa Petnjica na malapit sa Savnik sa Montenegro. Lumipat siya sa Sarajevo sa murang edad upang mag-aral ng sikyariya at magtrabaho sa Ospital ng Koševo.
Isa siya sa mga nagtatag noong 1989 ng Srpska Demokratska Stranka (SDS) o Partidong Demokratikong Serbo sa Bosnia at Herzegovina, na hangaring tipunin ang komunidad ng mga Serbo sa republika upang ipagtanggol ang mga interes nito.
Pinamunuhan nya ang Republika Srpska noong dekada 1990, matapos ang pagkawasak ng Sosyalistang Republikang Federal ng Yugoslavia noong 1991. Inaakusahan sya ng pag-uutos ng paglilinis-etniko ng Croats at Bošnjaci.
Noong 7 Hulyo 2005 inarresto ng mga kawal ng NATO ang anak ni Karadžić na si Aleksandar “Saša” Karadžić [1].
Inaresto si Karadžić noong 21 Hulyo 2008 sa Belgrade nang 11:00 ng gabi. Bago siya inaresto ay nagpanggap siya bilang si Dragan Dabic at nagtrabaho siya bilang doktor ng alternatibong gamot. Sa kasalukuyan ay haharap siya sa Den Haag ng 15 patong ng kaso laban sa kanya, kasama ang genocide at pandigmaang krimen.
Tingnan din
baguhinLingks palabas
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- ↑ 1.0 1.1 1.2 http://nyti.ms/1RjtEvP; hinango: 24 Marso 2016.
- ↑ http://www.taz.de/Prozess-gegen-Radovan-Karadi/!5286587/.