Panulaan

(Idinirekta mula sa Poesiya)

Ang panulaan ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o huwaran sa pagbigkas ng mga huling salita.

Si Francisco Balagtas, ang "Ama ng Balagtasan" sa wikang Tagalog.
Si William Shakespeare, isang makatang Ingles, mandudula, at aktor na malawakang kinikilala bílang pinakamahusay na manunulat ng wikang Ingles kabilang ang mga soneto

Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

Bilang isang anyo ng sining pampanitikan, gumagamit ang panulaan ng estetika at kadalsan, katangiang ritmo[1][2][3] ng wika upang pukawin ang mga kahulugan na dagdag pa ang, o kapalit ng, literal na kahulugan sa mababaw na antas.

Uri ng tula

baguhin

Maikling tula

baguhin
  • Tanka - nagmula sa bansang Hapon na binubuo lamang ng 31 pantig, nahahati ito sa limang taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7
  • Haiku - nagmula sa bansang Hapon na binubuo ng tatlong taludtod na may sukat na 5-7-5

Tulang liriko o pandamdamin

baguhin

Sa tulang liriko o pandamdamin, itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin. Ito ang itinuturing pinakamatandang uri ng tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig. Ito ay puno ng damdamin at madalas ding gamiting titik ng mga awitin. Ang pagkakaugnayan ng tulang liriko at musikang sinasaliwan ng instrumentong tinatawag na lira ang siyang dahilan kung bakit ito nakilala sa taguring tulang liriko. Ito rin ang dahilan kung bakit ngayon malimit pumapasok sa ating isipan na ang liriko ay alinman sa dalawa: tulang talagang kakantahin o kaya'y tulang may katangiang awit. Narito ang ilang uri ng tulang ito:

  • Awit (dalitsuyo) - tungkol sa pag-ibig
  • Pastoral (dalitbuki)
  • Oda (dalitpuri) - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
  • Dalit o himno (dalitsamba) - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.
  • Soneto (dalitwari) - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro
  • Elehiya (dalitlumbay) - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
 
Isang unang Tsinong patula, ang Kǒngzǐ Shīlùn (孔子詩論), na tumatalakay sa Shijing (Klasiko ng Panulaan).

Tulang pasalaysay

baguhin

Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod. Narito ang apat na uri ng tulang ito:

  • Epiko (tulabuyani)
  • Tulasinta (metrical tomance)
  • Tulakanta (thymed o metrical tale)
  • Tulagunam o Balada (ballad)

Tulang dula

baguhin

Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan. Narito ang mga uri ng tulang dula:

  • Tulang mag-isang salaysay (dramatic monologue)
  • Tulang dulang liriko-dramatiko
  • Tulang dulang katatawanan (dramatic comedy)
  • Tulang dulang kalunos-lunos (dramatic tragedy in poetry)
  • Tulang dulang madamdamin (melodrama in poetry)
  • Tulang dulang katawa-tawang-kalunos-lunos (dramatic tragi-comedy in poetry)
  • Tulang dulang pauroy (farce in poetry)

Tulang patnigan

baguhin

Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain. Ang sumusunod ang mga uri ng tulang patnigan:

  • Karagatan - sa panitikang Pilipino, isa itong patulang palabas na isinasagawa para aliwin ang namatayan[4] sa isang lamay.[5] Sa Katagalugan, isinsagawa ito sa anyong laro kung saan matitipon-tipon ang mga binata ng pabilog.[5] Tapos, mayroon tabong papaikutin (partikular, isang lumbo o tabo na yari sa bao ng niyog na may hawakan) sa gitna ng bilog na pinapalibutan ng mga binata, at kapag tumigil na sa pag-ikot ang tabo, kung sino man ang binata na natapatan ng hawakan ng tabo, siya ang sasagot sa tanong ng isang dalaga na may matalinhagang bugtong at matalinhagang sasagot ang binata. Nagmula ito sa isang alamat ng isang prinsesa na nahulugan ng singsing habang siya'y naglalakbay sa karagatan.[6] Kung sino man ang makakita ng singsing, iaalay ng ito sa dalagang mapupusuan at kunwaring pakakasalan ang dalaga. Sa bersyon nito sa Kabisayaan, hindi ito ganoong kapormal at nagpapalitan lamang ang salita ang mga nagtatalo, at ang natalo sa debate ay hihingan ng personal na gamit.[6] Mababawi lamang niya ang gamit kapag umawit siya ng dalit para sa kaluluwa ng namatay bilang parusa.
  • Duplo - kadalasang isinasagawa tuwing may lamay. Ito ay sa anyo ng labanan, at bilyako o bilyaka ang tawag sa mga manlalahok nito.
  • Balagtasan - nagmula sa bansang Pilipinas na isang anyo ng pagtatalo na ginagawang patula. Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco "Balagtas" Baltazar, na siyang tinaguriang "Ama ng Balagtasan".
    • Batutian - isang baryente ng Balagtasan na gumagamit ng biro, pangangantiyaw, at pagmamayabang sa mga katunggali.[7] Ipinangalan ito sa kinikilalang "Unang Hari ng Balagtasan", si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute).

Mga elemento ng tula

baguhin
  • Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
  • Sukat - bilang ng pantig ng tula.
  • Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
  • Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay

Mga sanggunian

baguhin

Mga sipi

baguhin
  1. "Poetry". Oxford Dictionaries (sa wikang Ingles). Oxford University Press. 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-06-18. poetry [...] Literary work in which the expression of feelings and ideas is given intensity by the use of distinctive style and rhythm; poems collectively or as a genre of literature.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Poetry". Merriam-Webster (sa wikang Ingles). 2013. poetry [...] 2 : writing that formulates a concentrated imaginative awareness of experience in language chosen and arranged to create a specific emotional response through meaning, sound, and rhythm{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Poetry". Dictionary.com (sa wikang Ingles). 2013. poetry [...] 1 the art of rhythmical composition, written or spoken, for exciting pleasure by beautiful, imaginative, or elevated thoughts.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Libiran, Pablo Reyna (1985). Balagtasan: noon at ngayon. National Book store. p. 4. ISBN 978-971-08-2888-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Panitikan Sa Pilipinas'2001 Ed. Rex Bookstore, Inc. 2001. p. 106. ISBN 978-971-23-3058-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Panitikan ng Pilipinas. Goodwill Trading Co., Inc. p. 78. ISBN 978-971-574-081-4.
  7. Mercado, Leonardo N. (1994). The Filipino Mind: Philippine Philosophical Studies (sa wikang Ingles). CRVP. ISBN 978-1-56518-040-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga pinagkukunan

baguhin
  • Pinagyamang Pluma 9, by Jellian M. Florrito, Sherly G. Noynay, Cecilio A. Noynay ISBN 978-971-06-3652-6, p. 160-162