Radyoastronomiya
Ang radio astronomy (radyoastronomiya) ay isang larangan (subfield) ng astronomiya na nag-aaral ng mga bagay sa kalangitan sa mga radio frequency. Ang unang pagtuklas ng mga radio wave mula sa isang astronomikal na bagay ay naganap noong 1932, nang namasdan ni Karl Jansky sa Bell Telephone Laboratories ang isang radiation mula sa Milky Way. Ang mga kasunod na obserbasyon ay nakatuklas ng iba't-ibang pinanggagalingan ng radio emissions. Kasama rito ang mga bituwin at galaxy, pati na rin mga bagong klase ng bagay, tulad ng radio galaxy, quasar, pulsar, at maser. Ang pagkakatuklas ng cosmic microwave background radiation, na itinuturing na katibayan ng teoryang Big Bang, ay nagawa dahil sa radio astronomy.
Isinasagawa ang radio astronomy gamit ang mga malalaking radio antenna na tinatawag na radio telescope, na ginagamit mag-isa, o maramihang naka-link na teleskopyo gamit ang mga teknik ng radio interferometry at aperture synthesis. Ang paggamit ng interferometry ay nagbibigay-daan sa radio astronomy upang makamit ang mataas na angular resolution, dahil ang resolving power ng isang interferometer ay naka-set lamang sa distansya ng mga bahagi nito, sa halip kaysa sa laki ng mga bahagi nito.
Panlabas na mga link
baguhin- Midyang kaugnay ng Radio astronomy sa Wikimedia Commons