Rafflesia consueloae
Ang Rafflesia consueloae ay isang espesye ng halamang parasitiko ng saring Rafflesia na katutubo sa pulo ng Luzon ng Pilipinas. Ito ang pinaka-maliit ng espesye ng saring Rafflesia.
Rafflesia consueloae | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Espesye: | R. consueloae
|
Pangalang binomial | |
Rafflesia consueloae Galindon, Ong at Fernando, 2016
| |
Distribusyon sa kulay lunti |
Taksonomiya
baguhinAng pagkatuklas ng Rafflesia consueloae ay dulot ng isang pang-matagalang biodiversity conservation and monitoring program sa Watershed ng Pantabangan-Carranglan na nagsimula ng Marso ng 2011.[1] Ang R. consueloae ay unang natuklas noong Pebrero, 11, 2014,[2] at ang monitoring sa espesye ng Rafflesia ay agarang sinimulan. Ang pangkat ng mananaliksik ay gumamit ng moction-activated na kamera para sa pagmamasid ng life cycle ng R. consueloae.[1]
Ang R. consueloae ay nailarawan at iginuhit nila John Michael M. Galindon at Perry S. Ong ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman at Edwino S. Fernando ng Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños. Ang espesye ay ipinangalan kay Consuelo Rufino Lopez, ang asawa ng industriyalista at conservationist na si Oscar M. Lopez.[3][4]
Sa ilalalim ng Wildlife Forensics and DNA Barcoding of the Philippine Biodiversity Program ng Biodiversity Management Bureau ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman, ang DNA barcode ng R. consueloae at ang host nito , isang di pa nakikilalang espesye ng Tetrastigma ay pinagaaralan.[1]
Paglalarawan
baguhinAng espesye ang pinakamaliit sa lahat ng mga Rafflesia na may katamtaman na dyametro na 9.73 centimetro (3.83 pul).[1][5] Ang ibabaw ng disko ng kakabukas na mga bulaklak ng R. consueloae ay inilarawang bilang may natatanging pagkaputi na mala-krema at karaniwang may kawalan ng mga proseso. Naiulat na ang R. consueloae ay may mga bulaklak na may dalawang kasarian, ang ikatlong espesye ng Raflessia sa Pilipinas pagkatapos ng R. baletei at R. verrucosato na may ganitong katangian. Kung ganap ang mga bulaklak na may dalawang kasarian na ito ay di pa natitiyak.[3]
Hindi matatagpuan sa mga bulaklak ng R. consueloae ang natatanging amoy na taglay ng karamihan sa mga espesye ng Rafflesia. Amoy laman ng buko ang mga prutas ng R. consueloae.[1]
Distribusyon at tirahan
baguhinDalawa lamang ang kilalang tirahan ng Rafflesia consueloae na parehas na nasa loob ng Watershed ng Pantabangan-Carranglan sa Pantabangan, Nueva Ecija. Ang espesye ay kilala na matatagpuan sa Bundok Balukbok at Bundok Pantaburon. Ang lugar sa Bundok Pantaburon, kung saan matatagpuan ang espesye ay isang lumang reforestation site.[3]
Kilala na tumutubo ang Rafflesia consueloae sa 300 hanggang 500 na metro mula sa ibabaw ng lebel ng dagat. Ito ay tumutubo lamang sa ugat ng hindi pa nakikilalang espesye ng Tetrastigma na matatagupuan malapit sa kasukalan ng mga Dinochloa luconiae.[3]
Conservation
baguhinAng Rafflesia consueloae ay naturing "Critically Endangered" o lubhang nangagnanib base sa Mga Kategorya ang Pamantayan ng IUCN ng 2012 (IUCN 3.1) ng mga naglarawan ng espesye. Ang tirahan ng espesye ay kilalang lugar ng pangangaso ng ilang mga miyembro ng lokal na komunidad. Nakakaranas rin ng mga forest fire ang lugar tuwing panahon ng tag-tuyot.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Duya, Mariano Roy (Pebrero 27, 2016). "Smallest of world's biggest bloom found in PH" (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Pebrero 27, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Duya, Mariano Roy (Pebrero 26, 2016). "UP biologists discover "the smallest among giant flowers"" (sa wikang Ingles). University of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 3, 2016. Nakuha noong Pebrero 27, 2016.
Photo caption: R. consueloae population 11 days after discovery 22 Feb 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Galindon, John Michael; Ong, Perry; Fernando, Edwino (Pebrero 25, 2016). "Rafflesia consueloae (Rafflesiaceae), the smallest among giants; a new species from Luzon Island, Philippines". Phyto Keys (sa wikang Ingles). doi:10.3897/phytokeys.61.7295. Nakuha noong Pebrero 25, 2016.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World's smallest of giant flowers discovered in the Philippines". EurekAlert! (sa wikang Ingles). Pebrero 25, 2016. Nakuha noong Pebrero 25, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ St. Fleur, Nicholas (Pebrero 27, 2016). "The Newest, and Smallest, 'Biggest' Flower" (sa wikang Ingles). The New York Times. Nakuha noong Pebrero 27, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)