Ramón Blanco y Erenas
Si Heneral Ramón Blanco, marqués de Peña Plata (1833—1906) ay naglingkod bilang Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas at administrador ng kolonya. Isinilang sa San Sebastián, ipinadala siya sa Caribbean sa unang pagkakataon noong 1858. Nahimpil siya sa Cuba at sa Santo Domingo, Republika Dominikana. Nopng 1861, nagbalik siya sa Espanya ngunit ipinadala sa Pilipinas (1866-1871).[1] Pagkaraan, muli siyang bumalik sa Espanya at nagsilbi sa Ikatlong Digmaang Karlista, kung saan nakamit niya ang ranggong brigadyer. Nanilbihan siya bilang kapitan-heneral ng Navarre makatapos makilahok sa opensiba sa lambak ng Baztan noong 1876; sa panahon ito niya nakamit ang kaniyang markisate (nasasakupan ng isang markes).[1] Ipinadala siya sa Cuba bilang kapitan-heneral noong Abril 1879, at lumahok sa Maliit na Digmaan ng Cuba. Nanumbalik siya sa Espanya noong Nobyembre 1881 para magsilbi bilang kapitan-heneral ng Catalonia at Extremadura.[1]
Bilang gobernador-heneral, sinubok pigilan ni Ramón Blanco ang pagsasagawa ng parusang kamatayan kay José Rizal noong 1896. Lumaban siya sa mga rebolusyonaryong Pilipino bilang komandante ng hukbong-katihan ng mga Kastila, bago muling manilbihan sa tungkulin sa Cuba.[2]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Talambuhay ni Heneral Ramón Blanco y Erenas (1833-1906)/Biografia del General Ramon Blanco y Arenas
- ↑ Karnow, Stanley (1989). "Ramón Blanco". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.