Ramesses III
Si Usimare Ramesses III (na isinusulat ring Ramses at Rameses) ang ikalawang paraon ng Ikadalawampung Dinastiya ng Ehipto. Siya ang ang anak nina paraon Setnakhte at reyna Tiy-Merenese. Siya ay malamang pinatay sa isang konspirasiya na pinangunahan ng kanyang asawa at anak na lalake. Ang dalawang pangunahing pangalan ni Ramesses ay tinranslitera bilang wsr-m3‘t-r‘–mry-ỉmn r‘-ms-s–ḥḳ3-ỉwnw. Ito ay normal na nauunawaan bilang Usermaatre-meryamun Ramesse-hekaiunu na nangangahulugang "Makapangyarihang isa nina Ma'at at Ra, Minamahal nina Amun, ipinanganak siya ni Ra, Pinuno ng Heliopolis". Si Ramesses III ay pinaniniwalaang naghari mula Marso 1186 hanggang Abril 1155 BCE. Ito ay batay sa petsang pag-akyat na I Shemu araw 26 at sa kanyang kamatayan sa Taong 32 III Shemu araw 15 para sa paghaharing 31 taon, 1 buwan at 19 araw.[1] Ang alternatibong petsa sa kanyang paghahari ang 1187 hanggang 1156 BCE. Sa isang deskripsiyon ng kanyang koronasyon mula sa Medinet-Habu, ang apat na mga kalapati ay sinabing "ipinadala sa apat na sulok ng horison upang kompirmahin na ang buhay na Horus na si Ramses II ay nag-aangkin(pa rin) ng kanyang trono, na ang kautusan ni Maat ay nananaig sa cosmos at lipunan".[2][3] Sa kanyang panunungkulan sa gitna ng nakapaligid na kaguluhang pampolitika na Mga panahong madilim na Griyego, ang Ehipto ay sinakop ng mga mananakop na dayuhan kabilang ang Mga Taong Dagat at ang mga Libyan at nakaranas ng pagsisimula ng papalaking kahirapang ekonomiko at kaguluhang panloob na kalaunang humantong sa pagguho ng Ikadalawampung Dinastiya ng Ehipto. Sa taong 8 ng kanyang paghahari, ang mga taong dagat kabilang ang mga Peleset, Denyen, Shardana, Meshwesh at Tjekker ay sumakop sa Ehipto sa pamamagitan ng lupain at dagat. Natalo sila ni Ramesses III sa dalawang malalaking lupain at sa mga labanan sa dagat. Nilinyahan ni Rameses ang mga baybayin ng mga magpapana sa mga kalabang nagtangkang lumapag sa mga bangko ng Nilo. Pagkatapos ay umatake ang hukbong pandagat ng Ehipto gamit ang mga kawitan upang hatakin ang mga barko ng kalaban. Sa isang brutal na mano manong labanan, ang mga taong dagat ay buong natalo.[4] Inangkin ni Ramesses III na kanyang isinama ang mga taong dagat bilang mga nasasakupang tao at itinira sila sa Timog Canaan bagaman walang maliwanag na ebidensiya nito. Si Ramesses III na hindi nagawang pigilan ang kanilang unti unting pagdating sa Canaan ay maaaring nag-angkin na kanyang ideya na patirahin sila sa teritoryong ito. Ang kanilang presensiya sa Canaan ay maaaring nag-ambag sa pagkakabuo ng mga bagong estado sa rehiyong ito gaya ng Philistia pagkatapos ng pagguho ng imperyong Ehipsiyo sa Asya. Napilitan rin si Ramesses III na labanan ang sumasakop na mga taong tribo ng Lubya sa dalawang mga malalaking kampanya sa Kanluraning Delta ng Ehipto sa kanyang mga respektibong taong 6 at 11.[5] Ang mabigat na gastos ng mga labananan ito ay unti unting umubos sa kayamanan ng Ehipto at nag-ambag sa unti unting pagbagsak ng Imperyong Ehipsiyon sa Asya. Ang pagiging malala ng mga kahirapang ito ay binigyan diin ng katotohanan na ang unang alam na protestan ng manggagawa sa naitalang kasaysayan ay nangyari sa taong 29 ng paghahari ni Ramesses II nang ang mga rasyon ng pagkain ng Ehipto para sa mga pinaboran at mga elitistang tagatayo ng libingan ng maharlika at artisano sa nayon ng Set Maat her imenty Waset (Deir el Medina) ay hindi nasuplayan.[6] Ang isang bagay sa hangin (ngunit hindi kinakailangan ang pagputok na Hekla 3) ay pumigil sa labis na sikat ng araw na umabot sa lupain at pumigil ng paglagong pandaigdigan ng puno sa halos 2 dekada hanggang 1140 BCE. Ang resulta sa Ehipto ay isang malaking inplasyon sa mga presyo ng butil sa ilalim ng mga kalaunang paghahari nina Ramesses VI-VII samantalang ang mga presyo ng mga ibon at alipin ay nanatiling hindi nagbago.[7] Dahil dito, ang paglamig ay umapekto sa mga huling taon ni Ramesses III at pumigil sa kanyang kakayahan na magbigay ng isang patuloy na suplay ng mga rasyong butil sa mga manggagawa ng pamayanang Deir el-Medina.
Ramesses III | |
---|---|
Also written Ramses and Rameses | |
Pharaoh | |
Paghahari | 1186–1155 BC (20th Dynasty) |
Hinalinhan | Setnakhte |
Kahalili | Ramesses IV |
Konsorte | Iset Ta-Hemdjert, Tyti, Tiye |
Anak | Ramesses V, Ramesses VI, Ramesses VIII, Amun-her-khepeshef, Meryamun, Pareherwenemef, Khaemwaset, Meryatum, Montuherkhopshef, Pentawere, Duatentopet (?) |
Ama | Setnakhte |
Ina | Tiy-Merenese |
Namatay | 1155 BC |
Libingan | KV11 |
Monumento | Medinet Habu |
Si Ramesses III ay nagtayo ng mahahalgang mga karagdagan sa mga templong Ehipsiyo sa Luxor at Karnak at ang kanyang templong puneraryo at administratibong kompleks saMedinet-Habu ay kabilang sa mga pinakamalalaki at piankamahusay na naingatang templo sa Ehipto.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ E.F. Wente & C.C. Van Siclen, "A Chronology of the New Kingdom" in Studies in Honor of George R. Hughes, (SAOC 39) 1976, p.235, ISBN 0-918986-01-X
- ↑ Murnane, W. J., United with Eternity: A Concise Guide to the Monuments of Medinet Habu, p. 38, Oriental Institute, Chicago / American University in Cairo Press, 1980.
- ↑ Wilfred G. Lambert; A. R. George; Irving L. Finkel (2000). Wisdom, Gods and Literature: Studies in Assyriology in Honour of W.G. Lambert. Eisenbrauns. pp. 384–. ISBN 978-1-57506-004-0. Nakuha noong 18 Agosto 2012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Annual of the American Schools of Oriental Research Vol. 58 2003, quoting from Edgerton, W. F., and Wilson, John A. 1936 Historical Records of Ramses III, the Texts in Medinet Habu, Volumes I and II. Studies in Ancient Oriental Civilization 12. Chicago: The Oriental Institute of the University of Chicago.
- ↑ Nicolas Grimal, A History of Ancient Egypt, Blackwell Books, 1992. p.271
- ↑ William F. Edgerton, The Strikes in Ramses III's Twenty-Ninth Year, JNES 10, No. 3 (Hulyo 1951), pp. 137-145
- ↑ Frank J. Yurco, p.456