Si Userkhaure-setepenre Setnakhte (o Setnakht) ang unang paraon ng Ikadalawampung Dinastiya ng Ehipto na naghari noong 1189 BCE–1186 BCE. Siya ang ama ni Ramesses III. Si Setnakhte ay hindi anak, kapatid o direktang inapo ng dalawang nakaraang paraon na si Twosret o Siptah o ang predesesor ni Siptah na si Seti II na pormal na itinuring ni Setnakht na ang huling lehitimong pinuno. Posibleng siya ay isang mang-aagaw ng trono noong panahon ng krisis at kaguluhang pampolitika o maaaring isang kasapi ng linyang menor ng pamilyang Ramesside na lumitaw bilang paraon. Kanyang pinakasalan si Reyna Tiy-merenese na marahil ay anak ni Merenptah. Ang isang koneksiyon sa pagitan ng mga kahalili ni Setnakhte at ang nakaraang ika-19 na dinastiya ay iminungkahi sa katotohanan ang isa sa mga anak ni Ramesses II ay nagdala rin ng kanyang pangala at ang mga magkaparehong pangalan ay pinagsaluhan ng mga inapo ni Setnakhte gaya nina Ramesses, Amun-her-khepshef, Seth-her-khepshef at Monthu-her-khepshef.[2]

Mga sanggunian

baguhin